PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Padilla on Aljur's Valentine's Post

Kylie, kasama ang kapatid ni Aljur na si Vin Abrenica sa Mga Lihim Ni Urduja.
by PEP Troika
Published Feb 15, 2023
kylie padilla aljur abrenica aj raval instagram
Kylie Padilla: “I’m happy for everyone. But seriously, di ba? Pag dumadating yung… some sort of depression, just to be happy is a blessing already. Talagang, no joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @ajabrenica on Instagram

GORGY RULA

Mahigpit na ipinakiusap sa mediacon ng bagong fantasy-drama series na Mga Lihim ni Urduja na wala munang mga personal na isyu ang itatanong sa buong cast.

Ginanap ang mediacon ng Mga Lihim ni Urduja sa Le Reve, Quezon City, ngayong Miyerkules ng hapon, February 1, 2023.

“Please be kind,” sabi pa ni Kylie Padilla na isa sa mga bida sa Mga Lihim ni Urduja.

Pero inaabangan ng lahat kung ano ang reaksiyon ng Kapuso actress sa ipinost ng estranged husband niyang si Aljur Abrenica sa Instagram nung Valentine’s Day, na nagkukumpirma ng relasyon nito sa matagal nang nali-link sa kanyang si AJ Raval.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging si AJ ay may Instagram post din kung saan binati nito si Aljur sa paggunita ng Valentine's Day.

Read: Jowa reveal: AJ Raval, Aljur Abrenica confirm relationship via Valentine's Day posts

Ang sabi ni Kylie, sa tingin niya ay ang pagiging strong ng legendary warrior princess na si Urduja ang nakuha niyang katangian nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya sa ginagampanang karakter, “Kasi si Gem yung character, gusto niyang tumulong sa mga tao kaya siya naging pulis, kasi gusto niya talagang maging protector ng mga tao.

“Bilang descendant siya ni Urduja, dun niya magagamit ang kapangyarihan ni Urduja, is to help people.”

Kinuha na namin ang pagkakataon upang tanungin kung naging strong ba siya sa IG post ng estranged husband kung saan ibinalandra nito, sa unang pagkakataon, ang relasyon nila ni AJ. Ano ang reaksiyon ni Kylie sa IG post na yun ni Aljur?

“I’m happy for everybody, and everybody’s happy, and that’s what's important,” matipid na sagot ni Kylie.

Hiningan din namin siya ng opinyon sa mga bashing na inaabot ni AJ Raval. Merong netizens na tinatawag itong "kabit," at kung anu-ano ang mga ibinibintang sa Vivamax actress.

Sabi lang ni Kylie: “I’m happy for everyone. But seriously, di ba? Pag dumadating yung… some sort of depression, just to be happy is a blessing already.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Talagang, no joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already.”

JERRY OLEA

Kasama ni Kylie sa Mga Lihim ni Urduja ang kapatid ni Aljur na si Vin Abrenica, na gumaganap bilang si Onyx, ang leader ng bounty hunters sa kuwento.

Sabi ni Vin sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules ng hapon, wala naman silang problema ni Kylie. Sa katunayan, lumalabas daw sila kasama ang kani-kanilang anak para maglaro.

Sabi naman ni Kylie, okay sila ni Vin at sana raw lalo silang maging close ngayong magkasama na sila sa seryeng ito.

Pahayag ng aktres, “Actually, feeling ko nga mas masaya, kasi dito nga kami mas nagiging close.

"And talagang sinasabi ko nga kanina, when I’m on the set, gusto ko maging family ko pa rin ang mga kasama ko. And to have him here, siyempre mas magiging ka-close ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Basta panoorin nyo na lang po. Mas maganda yung magiging twist ng kuwento, kasama si Vin dun.”

Sa February 27 na magsisimula ang Mga Lihim ni Urduja sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

NOEL FERRER

Your best weapon is not answering issues —- as an actor, it’ll always be a good work.

OK na huwag nang tanungin at sagutin ni Kylie ang tungkol sa kanyang ex. Hindi naman yun makakatulong na sa kanya. Focus on the good.

Maging magaling siya sa Urduja. At kahit sa pelikula nila ni Gerald Anderson, sana maganda ang kalabasan.

Go lang Kylie! It’s your time to shine again!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Padilla: “I’m happy for everyone. But seriously, di ba? Pag dumadating yung… some sort of depression, just to be happy is a blessing already. Talagang, no joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @ajabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results