PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga Korean series, namamayagpag sa Netflix Philippines

You at Physical 100, nakaka-hook.
by PEP Troika
Published Feb 14, 2023
netflix philippines top m10 tv shows
The Top 10 TV Shows on Netflix Philippines today include these four Korean series: True Beauty (top, left), Crash Course in Romance (top, right), Physical 100 (bottom, left), and The Glory (bottom, right).

JERRY OLEA

Mapagpalayang Araw ng mga Puso!

Makabuluhang kaarawan… Kris Aquino, Heart Evangelista, Donna Cruz, John Prats, Roxanne Guinoo, and Juan Ponce Enrile!

Nangalahati na ang Pebrero.

Sa Netflix list ng Top 10 TV Shows in the Philippines Today, kasali pa rin ang South Korean TV series na The Glory. Ito lamang ang palabas sa Netflix Philippines na nasa talaan ng Top 10 mula noong Enero 1!

Ngayong Valentine’s Day, namamayagpag sa Netflix Philippines ang mga serye mula sa bansa ng BTS at Blackpink.

So Top 7 TV shows, anim ay South Korean — True Beauty (1), Love To Hate You (3), Crash Course in Romance (4), Physical 100 (5), The Intent of Love (6), at The Glory (7).

true beauty

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nasa pangalawang puwesto ay ang American psychological thriller na You. Sa Episode 1 ng Season 4 nito, merong male frontal nudity.

Dalawang Japanese anime ang pasok sa Top 10, ang Hajime No Ippo: The Fighting (8), at ang Chainsaw Man (9).

Ang pansampu ay ang KathNiel series na Pangako Sa ‘Yo (international title: The Promise), na tinampukan din nina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, at Angelica Panganiban.

Sa Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix, may isa ring gawang-Pinoy na nakapasok. Nasa pangatlong puwesto na ang 2006 drama film ni Maricel Soriano na Inang Yaya.

Number 1 ang 2021 American action thriller na Nobody. Pangalawa ang 2023 American romcom nina Reese Witherspoon at Ashton Kutcher na Your Place Or Mine.

Pang-apat ang 2018 American animated film na Hotel Transylvania 3: Summer Vacation. Ang kasunod nitong Hotel Transylvania Transformania ay nasa streaming platform na Prime Video.

Panlima ang 2023 Australian biopic na True Spirit. Pang-anim ang 2022 Norwegian film na Viking Wolf.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pampito ang 2018 American action thriller na Proud Mary. Pangwalo ang 2020 Malaysian thriller na M4M4.

Pansiyam ang 2022 Vietnamese film na Kumanthong 2: Jackpot Island. At pansampu ang 2018 American sports comedy film na Uncle Drew.

Sa Top 10 Movies in the Philippines Today, lima ay mula sa USA. Yung lima pa ay mula sa Pilipinas, Australia, Norway, Malaysia, at Vietnam.

Sa Pebrero 17, Biyernes, ay mag-i-streaming na sa Netflix Philippines ang Crying Ladies ni Sharon Cuneta.

Sa Pebrero 23 magpapakilig sa Netflix ang An Inconvenient Love ng DonBelle, at sa Pebrero 24 naman ang streaming ng La Visa Loca ni Robin Padilla.

GORGY RULA

Mukhang ma-traffic ngayong araw. Ang aga pa lang ay ang dami nang tao sa labas na parang aligaga sa pagbili ng kung ano ang puwedeng maibigay na regalo.

Pero sabi nga ni Cherry Pie Picache sa nakaraang mediacon ng pelikula nilang Oras de Peligro, hindi lang ito sa magkasintahan o ang dalawang taong nagmamahalan. Ang pag-ibig ay para sa lahat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At least we have a day that’s…. we are celebrating love. Hindi lang sa ano, di ba? Sa romantic love, sa pamilya natin, sa kaibigan natin. Whether you’re single or you’re with a partner, let’s celebrate love, at lalo na sa panahon ngayon all over the world,” pakli ni Cherry Pie.

Sa panahon ngayon na ang dami nang nangyayari sa mundo na parang nasa oras de peligro tayo, mas mabuting magmahalan na lang.

“Sabi ko nga, ang isang maganda sa pelikula namin, ang Oras de Peligro, hindi lang sa bansa natin, buong mundo.

“Look at Syria and Turkiye. Tapos ngayon ang New Zealand, may napipinto na… oras de peligro talaga ngayon. So, let’s spread love and light and kindness,” sabi pa ng premyadong aktres.

Samantala, hindi nawawala sa top ten ng Netflix ang sinusubaybayan kong series na You at ang Physical 100.

Ang ganda ng script ng You na mahu-hook ka na agad sa unang episode pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

you season 4

Ngayong araw, February 14, naman ang streaming ng 7th episode ng Physical 100.

Hayop din ang reality TV series na ito ng South Korea! Ang intense ng bawat episode na nakaka-stress kung sino ang malalagas sa mga competitors na sumali rito. Nakakamangha ang survival show na ito na obvious na kinunan lang sa isang napakalaking studio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga nagtatrabaho sa TV o kahit sa pelikula, maiinggit ka rito sa Physical 100 dahil sa laki at ganda ng studio kung paano nila ito isi-set up. Ang hirap gawin dito sa atin, pero sana makakagawa rin tayo ng ganito kalaki at kagandang reality show.

physical 100

NOEL FERRER

At sa dinami-dami ng puwedeng gawin ngayon — manood ng Netflix, sine, telebisyon, concert at kung anu-ano pang ibang paraan para ipakita ang pag-ibig — merong isang celebrity couple ang ikakasal ngayon na hindi man natin madadaluhan ay sobrang saya natin para sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pribado ang kanilang magiging pag-iisang dibdib ngayon at iginagalang natin yun! Sigurado akong makikita natin ang magandang kasalang magaganap mamaya kapag nag-post na ang mga ito.

Ang masasabi ko lang, “Love Is lovelier the second time around” talaga para sa mahal nating couple na ito!!!

Happy Valentine’s Day, everyone!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Top 10 TV Shows on Netflix Philippines today include these four Korean series: True Beauty (top, left), Crash Course in Romance (top, right), Physical 100 (bottom, left), and The Glory (bottom, right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results