PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shaira Diaz Open to Edgar Allan's Proposal

May mga kundisyon muna si Shaira bago magpakasal.
by PEP Troika
Published Feb 10, 2023
shaira diaz edgar allan guzman
Shaira Diaz on wedding plans with boyfriend Edgar Allan Guzman: "Hindi ko naman po itinatanggi, napapag-usapan na po namin kasi nasa marrying age na rin kami, lalo na siya. Pero kami po kasi, hindi po namin minamadali, kasi ngayon nag-aaral pa po ako. So, ang goal ko po talaga is maka-graduate, at career."
PHOTO/S: Gorgy Rula / @shairadiaz_ on Instagram

GORGY RULA

Masaya si Shaira Diaz at ipinagmamalaki niyang sampung taon na ang relasyon nila ni Edgar Allan Guzman.

Read: Is Shaira Diaz ready to settle down with Edgar Allan Guzman?

Sa nakaraang mediacon ng pelikulang Without You nila ni David Licauco, na magsu-showing na sa February 15, 2023, Miyerkules, tinanong na ng PEP Troika si Shaira kung saan na patutungo ang matagal nilang relasyon.

“Hindi ko naman po itinatanggi, napapag-usapan na po namin kasi nasa marrying age na rin kami, lalo na siya.

“Pero kami po kasi, hindi po namin minamadali, kasi ngayon nag-aaral pa po ako. So, ang goal ko po talaga is maka-graduate, at career.

“Gusto kong makapag-ipon pa po, kasi ayokong pumasok sa isang sitwasyon na alam kong marami akong magiging regrets.

“So ako po… same naman po kami, career. Gusto po naming makapag-ipon muna. Pero napapag-usapan na po.

“Malay natin, ilang years baka may mangyari nang ganun,” napapangiting pahayag ni Shaira.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangako ng aktres sa kanyang pamilya na kailangang makapagtapos siya ng pag-aaral. Nasa third year college na siya ng kursong Marketing sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City.

JERRY OLEA

Hindi inaasahan ni Shaira na magpo-propose sa kanya si EA isa sa mga araw na ito, pero ready raw siya sakaling dumating ito.

“Ready naman na po. Pero alam naman niya po kasi ang mga kondisyones ko. Sabi ko, kailangan ko munang maka-graduate. Kailangan ko munang makabili ng ganito, ganyan.

“Nirerespeto naman po niya yun. So, no rush po kami parehas, lalo na’t ang gaganda na ng mga nangyayari sa career niya, hindi siya nawawalan ng trabaho. Ganundin po sa akin. Sana po, habang nandiyan, so yun po.”

Nabanggit na rin ni Shaira na baka bandang September ng taong ito ay baka sisimulan na nila ang book two ng Lolong nila ni Ruru Madrid.

Kung anu’t ano man, nawa’y maging maligaya si Shaira sa Valentine’s Day! Sa Miyerkules, kasabay ng Without You na magso-showing sa local cinemas ang marvelous film na Ant-Man and The Wasp: Quantumania!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sana, kumita na ang pelikula nila para maiba naman ang ihip ng hangin sa takilya. After the MMFF, wala pang pelikulang lokal na talagang kumita.

Ito na kaya yun? We’ll see!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaira Diaz on wedding plans with boyfriend Edgar Allan Guzman: "Hindi ko naman po itinatanggi, napapag-usapan na po namin kasi nasa marrying age na rin kami, lalo na siya. Pero kami po kasi, hindi po namin minamadali, kasi ngayon nag-aaral pa po ako. So, ang goal ko po talaga is maka-graduate, at career."
PHOTO/S: Gorgy Rula / @shairadiaz_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results