PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Artista, Breast Implant Pumutok Sa Aksidente

Nag-multiply ang ganda points ni aktres dahil sa mga retoke, pero...
by PEP Troika
Published Feb 8, 2023
blind item female
Sino itong marilag na artista na pumutok ang boob implant matapos aksidenteng masubsob?
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

JERRY OLEA:

Marilag ang isang artista, pero upang mag-multiply ang kanyang ganda points ay nagparetoke siya ng ilong.

Dinagdagan ang bridge ng kanyang nose, na kinuha mula sa mga tainga niya. Ang ganda ng result! Hindi maide-deny ang kanyang allure!

Truly fascinating and scintillating ang dating niya. Ang expressive eyes niya ay naging mas tantalizing and mesmerizing. Ang kanyang smile, nadagdagan ng hiwaga, umuukit sa salamisim.

Kaya super-ingat ang baguhang artista sa kanyang beautiful nose. Hindi iyon puwedeng masagi or else, baka duguin o tumabingi.

Dinibdib talaga ng baguhang aktres ang pag-iingat sa kanyang ilong.

Ang ending… ayun, iyong suso niya ang nasubsob! Pumutok ang implant sa kanyang boobey! May tumagas!!! Kaya tigil-trabaho muna si baguhang artista upang ayusin ang naaksidenteng boobey.

NOEL FERRER:

Ang mahirap lang dito ay nasa isang proyekto ngayon itong artista.

Dahil sa sunud-sunod na sinapit na kamalasan, adjust kete adjust sa kanya ang mga kasamahan sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hanggang kailan kaya ang hinagpis ng babaeng ito na tinatawag nang Reyna ng Aberya? May bago kayang taguri o korona na ipuputong pa sa kanya?

Sa huli’t huli, may plot twist ba ito na biglang babawi at bobongga ang career niya—o kapag nakita na ang kanyang authentic self ay sasabihin na lang na “she’s all hype” lang pala?

GORGY RULA:

Parang ang dami ngang bulilyasong hinarap itong si aktres. Sana lang talaga, mag-hit ang project na ginagawa niya.

Malakas siya sa masa na parang ang daming nakaka-relate sa kanya.

Sana, masulit ang lahat na hirap niya na nadadamay pati ang mga katrabaho niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino itong marilag na artista na pumutok ang boob implant matapos aksidenteng masubsob?
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results