PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lino Cayetano, gustong idirek sa pelikula si Sarah Geronimo

Direk Lino, may suggestion para sa susunod na MMFF.
by PEP Troika
Published Feb 6, 2023
lino cayetano mmff
Lino Cayetano on joining MMFF as producer for the first time: "Ako, naintindihan ko na yung mga bagay na siguro matagal niyo nang alam, na yung industriya natin talaga, napakalawak. Hindi lang siya tungkol sa ginagawa mo sa set, but it’s really a network of people helping each other para mapalabas mo ang produktong ito.”
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Bumilib ang director-producer na si Lino Cayetano sa kapwa film producer na si Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Films dahil nag-produce kaagad ito ng kasunod na pelikula pagkatapos sumali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 with the movie Mamasapano: Now It Can Be Told.

Read: "Mamasapano: Now It Can Be Told" producer, sinagot ang "premiere night" issue

Nagsu-shooting na ang Borracho Films ng isang romance drama na Spring in Prague na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao at Czech actress na si Sara Sandeva.

Read: Paolo Gumabao, sasabak sa rom-com movie; graduate na sa hubaran?

Nakakatuwa lang daw na nandiyan pa rin ang interes ng mga maliliit na producer na kagaya niya na gumawa ng pelikula.

Sandali naming nakatsikahan si Direk Lino sa Japan nung nakaraang linggo. Nagbabakasyon din si Direk Lino sa Japan kasama ang asawa niyang si Fille Cainglet.

lino cayetano in japan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lino Cayetano (extreme left) with entertainment editors/columnists Jun Lalin, Ian Fariñas, Dondon Sermino, and Gorgy Rula.

Ayon kay Direk Lino, ngayon lang sila nakapagbakasyon at nag-celebrate ng kaarawan ng kanyang asawa dahil naging abala sila nung nakaraang MMFF.

Bilang baguhang film producer at first time nakasali sa Metro Manila Film Festival, ang dami raw niyang natutunan.

Sabi ni Direk Lino, “Unang-una, napaka-spoiled ko palang direktor, no? Nung director ako sa ABS, lahat binibigay sa akin.

“Iba pala pag producer ka. So, lahat iisipin mo yung budget, iisipin mo yung promo, iisipin mo yung distribution.

“Dati pag nandun ako sa ano bilang director, iniisip mo lang yung nasa harap mo. Iniisip mo lang makuwento ito.

"Pero kahit anong ganda pala ng kuwento, kung wala tayong mga kaibigan, partners tulad niyo, wala tayong mga platforms, distribution, hindi rin mapapanood ng mga kababayan nating mga Pilipino, in the Philippines and abroad.

“So ako, naintindihan ko na yung mga bagay na siguro matagal niyo nang alam, na yung industriya natin talaga, napakalawak. Hindi lang siya tungkol sa ginagawa mo sa set, but it’s really a network of people helping each other para mapalabas mo ang produktong ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Direk Lino na hindi ganun kalakas ang box-office result ng MMFF entry niyang Nanahimik ang Gabi, pero tuloy pa rin daw sila sa pagpu-produce.

“We’re excited na ikuwento sa inyo na it’s going to be exciting year for producing for Rein Entertainment in 2023.

“Pero boutique production house lang kami. Maliit lang kami. So, we wanna do two movies and dalawang series this year.

“So, ikuwento ko na lang as the months go on.

“We’re excited at patuloy yung trabaho,” masayang pahayag ni Direk Lino.

Ilan sa mga projects na gagawin nila ay para sa Vivamax.

Pero isa raw sa gusto niyang gawin ay isang magandang pelikulang pagbibidahan ni Sarah Geronimo. Gusto raw niya talagang idirek si Sara, at isa yun sa gusto niyang i-discuss sa Viva.

Pero sa ngayon ay may sisimulan daw silang series para sa Vivamax.

NOEL FERRER

Napag-usapan din ang tungkol sa suporta ng gobyerno sa ating movie industry.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana ay may magawa na raw ngayong taon ang bagong administrasyon dahil sa sinasabi namang susuportahan ang creative industry, partikular ang pelikulang Pilipino.

Isa raw sa gustong i-suggest ni Direk Lino ay ang Film Fund para sa Metro Manila Film Festival. Sana, maglaan daw ang gobyerno ng pondo para sa mga manonood para marami silang mapanood na pelikula sa filmfest.

“Makapagtabi sana ng pondo ang gobyerno para i-subsidize ang pelikula sa parte naman ng moviegoers.

“Hindi kailangang pumunta sa producer. Hindi kailangang pumunta sa production. Pero kung ibibigay natin yun para kalahati ang presyo ng pelikula para yung mga sinehan kikita, yung mga pelikula kikita, pero yung pangkaraniwang gagastusin mo na P350, makakapanood ka ng pelikula ng P100 o P200, sa panahon lang naman ng filmfest.

“Iyon ang isang way para marami ang makapanood sa atin ng pelikula. Kasi mahirap yung pipili ka lang ng isa o dalawa.

“Maganda sana yung festival… yung talagang, yung konsepto kasi ng festival makakapanood ka ng tatlo, apat o limang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi ang hirap kung magbabayad ka ng P300 bawat isa. Gagastos ka ng P1500 kung manonood ka ng lima.”

Sa ganung paraan ay mas marami raw ang makakapanood sa mga sinehan kung makakabili sila ng murang ticket at sasagutin ng gobyerno ang ilang bahagi. Mas maraming tao sa mga sinehan, marami rin ang makikinabang.

“Pag puno yung sinehan, kakain din sa mall. So, parang ang ekonomiya, konting ano… umiikot ang pera.

“Kung talagang mataas ang tingin natin, pinagpapahalagahan natin yung mga obra ng ano, then may rason tayo na bigyan ng insentibo na manood sana yung mga Pilipino.”

Valid at very good points ito na na-raise ni Direk Lino. Sana matuloy, ito!!!

JERRY OLEA

Pumangatlo na lamang sa takilya ng North America ang Avatar: The Way of Water last weekend (Pebrero 3-5).

Seven consecutive weeks na nag-number one sa U.S. at Canada ang latest opus ni James Cameron, na nagdirek din ng maga-blockbusters na Avatar (2009) at Titanic (1997).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nanguna sa takilya ng North America last weekend ay ang bagong bukas na Knock at the Cabin, at ang pumangalawa ay ang kao-open din lang na 80 for Brady.

So far, umabot na sa $2.174B ang worldwide gross ng Avatar: The Way of Water.

avatar: the way of water

As we have said time and again, ito ang pinakamalakas ng movie na nag-open noong 2022, at tinapatan ito ng launching film ni Jeric Gonzales na Broken Blooms.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pang-apat pa rin ito sa talaan ng Worldwide Lifetime Gross. Ang Top 3 ay Avatar ($2.924B), Avengers: Endgame ($2.799B), at Titanic ($2.195B). Opo, tatlo sa pinakamalakas na Worldwide Lifetime Gross (hindi adjusted sa inflation) ay idinirek ni James Cameron.

Kaugnay sa 25th anniversary ng Titanic ay ipapalabas muli ito sa mga sinehan, swak na swak sa nalalapit na Valentine’s Day.

titatnic poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Pebrero 8, Miyerkules, ay magso-showing sa local cinemas ang remastered version ng Titanic, kasabay ang Latay nina Allen Dizon at Lovi Poe, ang Magic Mike’s Last Dance nina Channing Tatum at Salma Hayek Pinault, ang South Korean film na The Point Men starring Hyun Bin, at The Devil Conspiracy.

latay poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre pa, nananabik tayo nang lubos sa marvelous film na The Ant-Man and the Wasp: Quantumania na sa Pebrero 15 mag-o-open sa local cinemas. Katapat nito ang showing ng pelikulang Without You nina David Licauco at Shaira Diaz.

Sa Pebrero 15 din ang streaming ng pelikulang Ten Little Mistresses sa Prime Video. Pinangungunahan ito nina John Arcilla, Eugene Domingo, Christian Bables, Pokwang, Carmi Martin, Arci Muñoz, Kris Bernal, at Agot Isidro.

ten little mistresses

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Take note na noong Disyembre 14 nag-open sa local cinemas ang Avatar: The Way of Water. Natigil ang showing nito sa mga sinehan (maliban sa specialty cinemas na gaya ng IMAX) mula Disyembre 25 hanggang Enero 7 dahil sa MMFF.

Naabot ng MMFF 2022 ang target gross na P500M. Topgrossers ang Deleter, Partners in Crime, at Family Matters.

Read: MMFF 2022 box office: Deleter naka-P234M; last placer naka-P1.5M lang

Bumalik sa local cinemas ang Avatar: The Way of Water umpisa Enero 8. Na-extend naman iyong topgrossers ng MMFF.

So far, this year, wala pa tayong nabalitaang pelikulang rumatsada sa takilya. Inaasahan natin na ang unang magpapasiklab ngayong 2023 ay itong Ant-Man and the Wasp: Quantumania.

Siyempre pa, ine-expect din natin na gagawa ng ingay ang tatlong pelikula na ipapalabas kaugnay sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Pebrero 22 ang playdate ng Ako Si Ninoy ni JK Labajo, sa direksiyon ni Vince Tañada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pebrero 23 ang premiere night sa SM Megamall ng Oras de Peligro nina Cherry Pie Picache at Allen Dizon, sa direksiyon ni Joel Lamangan. Marso 1 ang playdate nito.

Hindi pa inia-announce ang playdate ng Martyr or Murderer nina Cristine Reyes, Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Isko Moreno, at Jerome Ponce, sa direksiyon ni Darryl Yap. Ire-release ang official trailer nito sa Pebrero 9, Huwebes ng 6:00 pm.

Ngayong buwan din ay mapag-uusapan ang 1st Summer MMFF. Ang deadline ng pagsusumite ng finished films na nais lumahok dito ay sa Pebrero 17, Biyernes.

Read: MMFF 2022, naabot ang P500M target; 1st Summer MMFF, tuloy na ngayong 2023

Panonoorin kapagkuwan ng Selection Committee ang aspiring entries, at ihahayag walong napiling kalahok sa Pebrero 24.

Kagaya ng MMFF 2022, ang host city ng 1st Summer MMFF ay ang Quezon City.

Ang Parade of Stars ay tentatively set on April 1, Saturday, bago mag-Palm Sunday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang 1st Summer MMFF ay mula April 8, Black Saturday, hanggang April 18, Tuesday.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lino Cayetano on joining MMFF as producer for the first time: "Ako, naintindihan ko na yung mga bagay na siguro matagal niyo nang alam, na yung industriya natin talaga, napakalawak. Hindi lang siya tungkol sa ginagawa mo sa set, but it’s really a network of people helping each other para mapalabas mo ang produktong ito.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results