PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fast Talk With Boy Abunda at Underage, nagpalit ng timeslots

Litanya ni Willie Revillame sa Wowowin, nakakuha ng 0.1% rating.
by PEP Troika
Published Feb 6, 2023
fast talk underage timeslots
Starting this Monday, February 6, 2023, Fast Talk With Boy Abunda will air after the afternoon drama series Underage.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Mukhang mababa ang viewership nung nakaraang Biyernes, February 3, 2023, kaya hindi gaanong pumalo sa rating ang Fast Talk With Boy Abunda (FTWBA).

So far, itong episode kung saan si Pokwang ang sumalang sa hot seat ang pinakamababang rating ng FTWBA. Naka-6.3% ito.

Read: Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga."

Pero hindi rin naman ganun kataas ang ratings ng ibang programa nung araw na yun.

Bago ang Fast Talk, ang Abot Kamay na Pangarap ay naka-8.1%. Sumunod ang Unica Hija na naka-7.9%.

Pagkatapos ng Fast Talk With Boy Abunda, ang Underage ay naka-5.2%.

Ang K-drama na What’s Wrong Secretary Kim ay naka-4.6%, at ang Family Feud ay naka-9.3%.

Simula ngayong araw, February 6, nagpalit na ng timeslot ang Fast Talk With Boy Abunda at ang Underage.

Dire-diretso na ang afternoon drama at isusunod na ang Fast Talk With Boy Abunda.

Ngayong hapon ay guests ni Kuya Boy sina Barbie Forteza at David Licauco ng Maria Clara at Ibarra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Explosive ang Pokwang interview last Friday, pero kahit ako, hindi ko sa regular airing na TV napanood ito kundi sa YouTube na.

Sa pagmu-move up ng timeslot ng Fast Talk, parang mas lumalapit na ito sa News proper. Ito kaya ang kahihinatnan nito sa kalaunan?

Read: Fast Talk With Boy Abunda, naa-outscoop ang 24 Oras?

Samantala, heto ang iba pang ratings ng primetime nung Sabado, February 4:

Ang 24 Oras Weekend ay naka-9.9%, at 1.7% naman ang TV Patrol. Sumunod ang Amazing Earth na naka-11.6%.

Ang Pepito Manaloto ay naka-13.4%, at ang katapat nitong Everybody Sing ay naka-4.5%.

Nung araw ring yun ay nag-emote si Willie Revillame sa Wowowin ng ALLTV. Naka-0.1% ang episode na iyon.

Read: Willie Revillame laments netizens' reaction to news about ALLTV

JERRY OLEA

Wagi sa ratings ang Kapuso programs at hilahod pa rin ang mga kalabang istasyon.

Sa mga panghapong teledrama ng GMA-7 ay underwhelming ang ratings ng Underage. Tingnan natin kung mas tataas ba ang ratings ng Underage sa dati nitong timeslot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Otherwise, tapusin na sana ito sa lalong madaling panahon.

Ratsada pa rin sa ratings ang Family Feud ni Dingdong Dantes. Ang nakapuwesto noon sa timeslot nito ay ang Wowowin: Tutok Para Manalo ni Willie Revillame.

Pinag-usapan ng netizens ang kapalaran ng tatlong programa ng ALLTV — ang Wowowin ni Willie, Toni ni Toni Gonzaga, at M.O.M.S nina Ruffa Gutierrez, Mariel Padilla, at Ciara Sotto.

Read: Ilang programa ng ALLTV, pansamantalang magpapaalam sa ere

Ewan kung kaugnay rito ang Facebook shout out ng kaibigang Ogie Diaz: “Gamit na gamit ngayon ang mga pangalan nina Carmi Martin at Carmina Villaroel. Hahaha!”

At any rate, heto naman ang ratings nung nakaraang Linggo, February 5...

Ang All-Out Sundays ay naka-4.9%, at naka-3% naman ang katapat nitong ASAP Natin ‘To.

Naka-3.8% ang GMA Blockbusters, at 3.5% ang FPJ Da King. Ang Regal Studio Presents ay naka-4.3%.

Pagdating sa primetime, naka-10.2% ang Happy ToGetHer. Nakatapat nito ang PBA Games sa TV5 na naka-4.6%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sumunod ang The Clash na baka-12%, at 1.3% naman ang Almost Paradise.

Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay naka-14.6%, at ang The Boobay and Tekla Show ay naka-3.3%.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Starting this Monday, February 6, 2023, Fast Talk With Boy Abunda will air after the afternoon drama series Underage.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results