JERRY OLEA
Limang pelikula ni Christine Bermas ang nasa Top 10 Movies of the Week ng Vivamax. Tatlo sa mga ito ay nasa top 5!
Nanguna sa talaan ang Nightbird na nag-streaming umpisa noong Friday the 13th. Idinirek ito ni Lawrence Fajardo.
Ang dalawa pang Vivamax hubadera sa Nightbird ay sina Alexa Ocampo at Chloe Jenna.
Kapansin-pansin sa pelikula ang pag-hello ng plaster ni Arron Villaflor, pati ang pagkawala ni Sid Lucero sa huling bahagi ng pelikula.
Nasa Nightbird din sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Ali Khatibi, Yayo Aguila, at Lander Vera-Perez.
Ang apat pang pelikula ni Christine sa Top 10 ay Scorpio Nights 3 na nasa pang-apat na puwesto, Island of Desire na panlima, Relyebo na pampito, at Moonlight Butterfly na pansiyam.
Ang Scorpio Nights 3 ay idinirek din ni Lawrence Fajardo, at nasa cast din nito si Mark Anthony Fernandez. Ang isa pang leading man dito ay si Gold Aceron.
Noong Hulyo 29, 2022 pa ito nag-streaming, at pahabaan dito ng prosthetic penis sina Gold at Mark Anthony.
Read: Christine Bermas, pinalitan si AJ Raval sa Scorpio Nights 3; AJ, bakit tinanggihan ang pelikula?
Ang Island of Desire ay Abril 1, 2022 nag-streaming, at idinirek ito ni Joel Lamangan. Kasama sa cast nito sina Sean de Guzman, Jela Cuenca, Jim Pebanco, Rash Flores, at Massimo Scofield.
Ang critically acclaimed na Relyebo ay Oktubre 14, 2022 nag-streaming, with Crisanto Aquino as director. Co-stars dito sina Sean de Guzman, Jela Cuenca, at Jeric Raval.
Ang Moonlight Butterfly na launching film ni Christine ay Marso 18, 2022 nag-streaming. Ang nagdirek nito ay si Joel Lamangan, at nasa cast din nito sina Kit Thompson, Albie Casiño, Jim Pebanco, Ivan Carapiet, Jolo Estrada, Hershie de Leon at AJ Oteyza.
Ang nasa pangalawang puwesto ng Top 10 Movies ay ang buena mano ng Vivamax for 2023, ang Panibugho ni Direk Iar Arondaing.
Tinampukan ito nina Angela Morena, Stephanie Raz, at Micaella Raz bilang Paraiso sisters. Ang mga lalaking kaniig nila ay sina Kiko Estrada at Benz Sangalang.
Ang nasa pangatlong puwesto ay ang huling pasabog ng Vivamax last year, ang Bugso ni Adolf Alix Jr. Nakakabusog ang maiinit na eksena rito nina Ayanna Misola, Sid Lucero, at Hershie de Leon. More and more ang lampungan dito, at ewan kung prosthetic penis ba iyong iwinasiwas ng dalawang lalaking ekstra.
Ang Top 10 Movies of the Week ng Vivamax:
- Nightbird
- Panibugho
- Bugso
- Scorpio Nights 3
- Island of Desire
- Pamasahe
- Relyebo
- Selina’s Gold
- Moonlight Butterfly
- 5 in 1

Samantala, nanguna pa rin sa Top 10 Series of the Week ang Lovely Ladies Dormitory ni Direk Mervyn Brondial.
Ang Episode 5 (“Miya, the Sugar Baby”) ay nag-streaming noong Enero 15, 2023 Linggo. Penultimate episode na ito kaya marami-rami na ang kaganapan sa pag-usad ng kuwento.
Nategi sa sarap ang DOM na si Domingo (Alan Paule) habang nasa ibabaw niya si Miya (Hershie de Leon). Heart attack!
Sinisi si Miya ng asawa ni Domingo.
Sagot ni Miya habang katabi ang kababatang si Samuel (Aerol Carmelo), “Puta na kung puta, pero ang putang ito ang nagbigay ng kaligayahan kay Domingo.
“Dapat nga, magpasalamat ka sa akin, e! Dahil sa akin, nakatikim ng langit si Domingo bago pa siya mapunta sa impyerno!”
Nabitin ang nars na si Stella (Julia Victoria) sa cybersex nila ni Dr. Eric Granada (Nico Locco). Pinagbantaan ni Tracy (Andrea Garcia) na idedemanda ang ex-fiancé na si Josef (Yuki Sakamoto) kapag hindi siya tinantanan nito.
Nag-boomerang kay Bart (Gene Padilla) ang pamboboso at pagpaparaos sa pagtatalik nina Alma (Tiffany Grey) at Carlo (Massimo Scofield).
Nag-momol sina Jackielyn (Yen Durano) at Bea (Rita Martinez), at may shining moment si Madam Lovely (Alma Moreno) na kauuwi lang mula sa abroad.
Tanong ng admin/maintenance man na si Bart, “Akala ko po kasi, sa isang buwan ka pa darating. So ma’am, how’s Japan?” Tugon ni Madam, “Lovely. Parang ako lang yun, lovely!”
Ang Top 10 Series of the Week ng Vivamax:
- Lovely Ladies Dormitory
- ‘Wag Mong Agawin Ang Akin
- High (School) On Sex
- L
- Secrets of A Nympho
- Iskandalo
- An/Na
- Lulu
- Kung Pwede Lang
- Di Na Muli

GORGY RULA
Si Christine Bermas ang isa sa pinakagusto kong Vivamax star. Nag-iiba iba ang hitsura niya depende sa role na ginagampanan niya.
Hindi siya gaanong naghubad dito sa Nightbird, pero bumagay sa kanya ang role na mala-Angela Markado na ginantihan ang mga nanghalay sa kanya pati sa mga kaibigan niya. Pero hindi niya pala nagantihan lahat!
Pero bumagay sa kanya ang mga maaaksyong eksena na parang kaya niyang talunin sina Aaron Villaflor at Mark Anthony Fernandez na pinatay niya sa pelikulang ito.
Sabi naman ni Christine, mas gusto niya ang ganito ka-challenging na role, kaya nagpasalamat siya kay Direk Law Fajardo na inalalayan siya nang husto sa mga maaksyong eksena.
Nakatsikahan namin si Christine sa DZRH nung nakaraang Biyernes, at medyo tipid ang mga sagot niya kapag may pagka-personal na ang tanong sa kanya.
Nagulat siya nang tinanong namin kung sila na ba ng Italian actor na si Nico Locco. Nakita namin silang magkasamang dumalo sa isang showbiz event nung November, at mukhang sila na ang dating sa amin.
“Hindi po. Getting to know pa lang po muna,” parang nahihiya pang sagot ni Christine.
“Mas priority ko po muna ngayon ang work. Work po muna,” napangiti niyang dagdag.
NOEL FERRER
Tama ka, Tito Gorgy, okay si Christine Bermas, pati na si Rob Guinto.
Sana, mag-progress pa ang kanilang career at mag evolve to really good actress in the mold of Jaclyn Jose, Sarsi Emmanuelle, Anna Marie Gutierrez, and even Rossana Roces.
Sana rin, hindi sila masyadong marurupok at ma-fall sa bawa’t magbibigay sa kanila ng pansin. Eyes on the goal muna — husay at tiyaga muna para maging premium actress ng Vivamax!
Good luck!
