GORGY RULA
Habang nakatutok tayo sa laban ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022, meron pa palang isang beauty competition na malapit na ang grand coronation.
Pero kakaiba ito dahil kokoronahan ang mananalo sa ilalim ng dagat!
Ito ang in-announce ni Patricia Javier nang nakapanayam namin siya, kasama si Cristina Gonzales, sa DZRH nung Martes, January 10, 2023.
Si Patricia ang hinirang na Noble Queen of the Universe nung 2019, at hawak na niya ang franchise ng naturang competition.
Si Cristina naman ang hinirang na Noble Queen of the Universe 2022.
Masayang ipinahayag ni Patricia na merong bagong beauty competition ang Noble Queen of the Universe, na ang titulong paglalabanan ay "Aqua Queen of the Universe."
Si Patricia ang hinirang na Ambassador of the Ocean 2022.
Nakipagtulungan si Patricia sa tinagurian nilang Ocean Advocate na si Eren Noche.
Nakasaad sa Facebook account ng Aqua Queen of the Universe: “Aqua Queen Eren Noche is an Ocean Advocate, and she believes that creating AQULI organization helps her to promote her advocacy to take and protect the ocean.”
Labinlimang kandidata ang maglalaban-laban sa kakaibang beauty competition na ito kung saan ay kokoronahan sila sa ilalim ng dagat.
Pahayag ni Patricia, “Ang Aqua Queen po is a project of Noble Queen, and connected po kami sa DENR. Ito po ay mga queen natin na sumisisid sa ilalim ng dagat without oxygen.
“It’s a free diving. Yung mga ginagawa nina Anne Curtis, sina Sarah Lahbati… Ngayon po, for the first time, magkaroon po dito sa Pilipinas ng pageant under the sea.
“Makikita niyo po na kokoronahan natin ang ating magiging unang Aqua Queen Universe 2023 po.”
Nakipag-partner daw sila sa DENR dahil sa advocacy nitong i-promote ang ganda at linisin ang ating karagatan.
“Ang Aqua Queen po, it’s more on to save our environment, our ocean. Bale ang ating mga queen, sila po ay nagpi-free diving, namumulot po ng mga basura sa ating karagatan. Iyon po,” dagdag ni Patricia.
Gaganapin ang underwater coronation ng 1st Aqua Queen of the Universe sa January 20, 2023, 9:00 ng umaga, sa The Whitehouse by the Sea sa Bohol na pag-aari ng USA Noble Queen of the Universe LTD na si Marjorie Renner.
NOEL FERRER
Itong Aqua Queen of the Universe ay open daw sa lahat na mga kababaihan, single o may asawa. Kahit nga raw trans woman ay welcome dito basta nakiisa raw sa kanilang advocacy na pangangalaga sa ating karagatan.
“Basta yung marunong po mag-dive na walang oxygen. It’s a free diving. Lahat po na gustong maging sirena, puwede po,” sabi pa ni Patricia.
JERRY OLEA
Sandamukal ang mga timpalak kagandahan sa iba’t ibang panig ng mundo, pero tatlong beauty pageant ang nakaaangat — Miss Universe, Miss World, at Miss International.
Ipapalabas ang 71st edition ng Miss Universe — kung saan panlaban natin si Celeste Cortesi — sa Enero 15, Linggo ng 9:00 a.m., sa iba’t ibang ABS-CBN platforms (A2Z Channel 11 sa free TV, Kapamilya Channel at Metro Channel sa cable TV, o online sa iWantTFC).
Live matutunghayang ang competition sa New Orleans Morial Convention Center ng New Orleans, Louisiana, USA.
Kanino kaya ipapasa ni Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ng India ang korona? 84 kandidata ang magkakalaban.
May same-day replay ang 71st Miss U nang 10:30 pm sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, TV5, at iWantTFC.
Magkakaroon din ng mga replay sa Metro Channel sa ibang araw sa loob ng linggo.
Samantala, ang Miss Planet International 2022 ay gaganapin na sa Enero 29 sa Koh Pich Theater ng Phnom Penh, Kingdom of Cambodia. Ito yung naudlot na timpalak sa Uganda noong Nobyembre 19, na kalahok sana si Herlene Nicole Budol aka Hipon Girl.
