PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine-Cesar & Lotlot-Monching Reunite

Sunshine-Cesar, Lotlot-Monching nag-reuniong ngayong Kapaskuhan.
by PEP Troika
Published Jan 2, 2023
ex-showbiz couples
(Right) Lotlot de Leon with ex-husband Monching Gutierrez and their children, with the actress's husband Fadi El Soury; (left, top) ex-couple Sunshine Cruz and Cesar Montano with their daughters, the actor's partner Kath Angeles and their kids, and his son Diego Loyzaga; (left, bottom) Herbert Bautista and Elias Mateo with their sons.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Isa sa nakakatuwang post sa Instagram nung unang araw ng taong 2023 ay itong kay Sunshine Cruz.

Kasama niya ang kanyang mga anak na sinalubong ang bagong taon kasama si Cesar Montano at ang partner nitong si Kath Angeles.

Nandun din si Diego Loyzaga at iba pang mga anak ni Cesar. Magkakasama nilang sinalubong ang new year sa Bohol, at ang ganda nilang tingnan.

Kahit si Teresa Loyzaga, ina ni Diego, ay nag-comment na masaya siya sa kanilang pagsasama at binati sila ng Happy New Year.

Read: Sunshine Cruz, daughters in Bohol with Cesar Montano and family

Bahagi ng caption ng IG post ni Sunshine: “Cesar and Kath, thanks for hosting tonight’s dinner. The girls and I had a wonderful time chatting and catching up with all of you.

“We’ve missed Bohol and masaya kami na nakasama namin kayo dito sa New Year celebration.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas magandang ito ang pinag-uusapan kesa sa nag-aaway-away.

Ganundin kina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez na magkakasamang nag-Pasko pati ang kanilang mga anak at ang asawa ng aktres.

Sinabi naman noon nina Lotlot at Monching na okay sila para sa kanilang mga anak.

Sa panahon ngayon, sabi ni Lotlot, hindi na kailangang magdala ng galit o sama ng loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Life is short, huwag na natin kumplikahin ang buhay. Ganun na lang, di ba?

"And yun na nga, lalo na sa mga anak ko, dahil mahal na mahal ko din sila, siyempre mas gagawin ko kung ano ang kahit papano na magpapasaya sa kanila…to give them joy and happiness,” pahayag ni Lotlot nang nakatsikahan namin sa presscon ng pelikulang That Boy in The Dark na magsu-showing na sa January 8, 2023.

NOEL FERRER

The happiness of blended families, and those who have weathered a lot of challenges — yung may acceptance and forgiveness yun ang ipinapanalangin natin sa lahat.

Yearly, I see that in the family of my Tatang Martin Nievera, na kasama ang kanyang mga anak at ang mga ina ng mga ito sa USA, at good vibes lang.

Ewan ko, pero iyan din ang nararamdaman ko kapag nakikita ko ang family picture ni Herbert Bautista at Eloisa Matias kasama si Cray at ang inaanak kong si Race.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

herbert bautista eloisa matias children

Herbert Bautista and Eloisa Matias with their sons Cray (left) and Race (right)

Hindi ba’t yan din ang inaasahan natin nang ilagay ni Heart Evangelista ang statement na “See you soon” kay Senator Chiz Escudero at makita natin na all’s well that ends well?

Read: Heart Evangelista posts photo with husband Chiz Escudero on New Year's Eve

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta, Happy New Year talaga!

Moving on and moving forward na talaga. Good vibes lagi-lagi.

JERRY OLEA

Nakakatuwa rin ang Facebook post ng isang premyadong aktres kaugnay sa pag-hello niya sa 2023.

Sa mga litrato ay bakas sa mukha niya ang kaligayahan at katiwasayan. Nahihinuha natin kung sino ang kanyang photographer.

Ang isa namang maalindog na aktres, pakiwari nati’y maluwalhati rin ang bagong taon, lalo pa’t kahit paano ay may pagkilala sa kanyang acting ability. Masalimuot pa rin ba ang status nila ng kanyang pinakamamahal na actor-politician?

Siyanga pala, binabati natin ng Mapagpalayang Kaarawan ang kaibigang Ogie Diaz.

Shout out ni Ogie sa FB, “53 na ang baklaaaa!!! Sana, umabot ng 100yo!”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Right) Lotlot de Leon with ex-husband Monching Gutierrez and their children, with the actress's husband Fadi El Soury; (left, top) ex-couple Sunshine Cruz and Cesar Montano with their daughters, the actor's partner Kath Angeles and their kids, and his son Diego Loyzaga; (left, bottom) Herbert Bautista and Elias Mateo with their sons.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results