PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joaquin Domagoso no wedding plans yet with Raffa Castro

Joaquin Domagoso, inaming nagsasama na sila sa iisang bubong ni Raffa Castro.
by PEP Troika
Published Dec 30, 2022
joaquin domagoso raffa castro on wedding
Joaquin Domagoso on being a young dad: “Hindi siya mahirap. Yung mahirap is yung pagiging parent. Yung job, you won’t even think about that. When you get there, you drop everything. Mahirap siya kasi iba na yung feelings ko. Pero life is going great kasi masaya. Not everybody gets it. Only when you’re there.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @elluh.bear on Instagram

GORGY RULA

Ngayong open na si Joaquin Domagoso sa kanyang status bilang binatang ama, ibinahagi na rin niya ang set-up nila ng kanyang partner na si Raffa Castro.

Read: Joaquin Domagoso finally speaks about being young dad

Magkasama sila sa isang bahay dahil ayaw raw niyang magkahiwalay pa sila. Magkasama silang palalakihin ang kanilang anak.

Pagkatapos niyang magsalita sa presscon ng pelikulang That Boy In The Dark, sinagot ng aktor kung napapag-usapan na ba nila ni Raffa ang pagpapakasal.

Umiiling siya nang diretsahan siyang tinanong ng PEP Troika kung meron na bang wedding plans.

“Wala pa akong pera! Kailangan ko pa ng pera. Ipon pa,” mabilis na sagot ni Joaquin.

Pero iba raw ang nararamdaman niya ngayong meron na siyang anak at nandiyan ang responsibilidad na palakihin ang kanyang anak. May mga natutunan daw siya, at hindi naman daw siya nahirapan.

“Hindi naman po,” pakli niya sa tanong namin kung nahihirapan ba siya sa adjustments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi siya mahirap. Yung mahirap is yung pagiging parent. Yung job, you won’t even think about that. When you get there, you drop everything

“Mahirap siya kasi iba na yung feelings ko. Pero life is going great kasi masaya. Not everybody gets it. Only when you’re there.”

Iba rin daw kasi kapag isa ka nang magulang.

“Responsibility, yes. Marami na akong winu-worry. Wino-worry about future, nag-insurance na ako,” pag-amin ni Joaquin.

Kaya kailangan daw niyang magtrabaho pa.

Todo siya sa pagpu-promote sa That Boy In The Dark dahil gusto niyang tuluy-tuloy pa rin ang career niya bilang artista.

Sa January 8, 2023 na mapapanood sa mga sinehan ang That Boy In The Dark.

Kasama niya rito sina Glydel Mercado at ang anak nitong si Aneeza Gutierrez, Lotlot de Leon, Ramon Christopher, Nanding Josef, at Kiko Ipapo, mula sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

NOEL FERRER

Tuwang-tuwa si Joaquin habang kinukuwentong sa kanya namana ng kanyang anak ang pagiging bibo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“He’s not shy at all. Kahit sino nakita niya, ngingiti yan. Manang-mana sa daddy niya,” pagmamalaki ni Joaquin.

Ayaw niyang tanggaping namana rin iyon sa kanyang amang si Isko Moreno.

“Hindi, sa akin. Daddy talaga yun. Ako talaga yung bibo e. Yung baby ko, laging nakatawa, laging nakangiti.”

At least, sana makuha ng baby ni Joaquin ang magandang disposisyon niya sa buhay. Happy New Year!!!

JERRY OLEA

Nobyembre 10, 2021 nag-open muli ang local cinemas.

Ang unang Pinoy movies na ipinalabas noong Disyembre 15, 2021 ay Caught in the Act na pinangunahan ni Joaquin Domagoso, at Ilocano Defenders: War On Rape nina Solomon Say, Michael Say at Engr. Morgan Say.

If I remember right, parehong less than 10 ang naibigay na sinehan sa mga pelikulang ito.

Nitong Disyembre 14, 2022 ay ipinalabas na sa local cinemas ang Avatar: The Way Of Water. Umiwas dito ang bagong pelikula ni Joaquin na That Boy In The Dark.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang nakipagsalpukan sa Avatar: The Way Of Water ay ang launching film ni Jeric Gonzales na Broken Blooms, na nabigyan ng 15 sinehan — labintato sa Mega Manila, at dalawa sa Mindanao.

Read: Direk Louie Ignacio, umaasang tangkilikin ng mga Pinoy ang Broken Blooms kahit kasabay nito ang Avatar: The Way of Water

Ang worldwide gross ng Avatar: The Way Of Water ay umabot na sa $1.101B. Bale ito na ang pangalawang pinakamalakas na movie this year.

Ang No. 1 pa rin ay Top Gun: Maverick na $1.489B ang global gross.

Manonood sana ako ng Avatar: The Way Of Water ngayong Disyembre 30, Biyernes, sa IMAX cinema ng SM Mall of Asia. Bandang 12:34 p.m. ako nakarating doon. Kaso, ubos na ang tiket para sa 2:30 p.m. screening, at iyon namang para sa 6:30 p.m. ay mga harapang upuan na lang ang naiwan.

Kahit ongoing ang 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) ay palabas pa rin ang Avatar: The Way Of Water sa IMAX cinemas. Wala pang naprodyus na pelikula para sa IMAX format.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Facebook page ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), ipalalabas din sa local cinemas sa Enero 8 ang M3GAN, Shotgun Wedding, at I Wanna Dance With Somebody.

Siyempre pa, inaasahan natin babalik sa mga sinehan ang Avatar: The Way Of Water pagkatapos ng 48th MMFF. Ilang sinehan kaya ang maibibigay sa That Boy In The Dark?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joaquin Domagoso on being a young dad: “Hindi siya mahirap. Yung mahirap is yung pagiging parent. Yung job, you won’t even think about that. When you get there, you drop everything. Mahirap siya kasi iba na yung feelings ko. Pero life is going great kasi masaya. Not everybody gets it. Only when you’re there.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @elluh.bear on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results