JERRY OLEA
Pariwara na ba ang kontrobersiyal na hunk actor?
Kumalat noon ang video niya habang pinapaligaya ang sarili.
Kapagkuwan ay gumawa siya ng mga mapangahas na pelikula, kung saan pwetmalu siya. Sa isang pelikula ay prosthetic ang ibinuyangyang niyang kadakilaan.
Pahayag ng hunk actor, magpo-frontal siya sa tamang proyekto, iyong makabuluhan at hindi basta hubaran o lampungan lamang.
Nasangkot man siya muli sa matinding isyu, nabigyan siya ng pagkakataong bumalik sa eksena ng showbiz. Kaya lang, so-so ang pagtanggap sa nasabing palabas.
Sa mga araw at gabing ito na kaylamig ng tubig at simoy ng hangin, nakapag-iinit ang bagong video ng hunk actor na kumakalat sa social media.
Mahiwaga at mapanukso ang kanyang ngiti na may bahid ng pait, habang iwinawasiwas niya ang kanyang ari.
NOEL FERRER
Anyare kay hunk actor na sunud-sunod ang isyung kakaiba sa kanya?
Very provocative kasi nalilinya ito sa sex and violence.
Sayang ang mga pagkakataong ibinigay sa kanya ng showbiz kung hindi niya iingatan.
Kumusta na kaya ang buhay ng hunk actor na ito? Nag-kiss and make up na ba sila ng dati niyang partner?
GORGY RULA
Bagong isyu pa ba ngayon kapag may kumakalat na sex video scandal?
Maaaring pag-uusapan lang sandali, pagkatapos niyon ay nakakalimutan na.
Mukhang bago nga itong kumalat na video ni hunk actor, pero malay natin, baka matagal na rin itong nakunan at ngayon lang ikinalat, para muli siyang pag-usapan.
Wala na rin kasing ingay ang pangalan nitong si hunk actor, kaya mabuti nang masangkot siya sa ganitong scandal kesa sa bayolenteng isyu.
Sana makabalik na siya, dahil may karakter pa naman ang mukha nitong si hunk actor, at sa dami ng mga pinagdaanan niya, baka lalong mahasa ang kanyang pag-arte.
