NOEL FERRER:
Ngayong Disyembre 25, 2022, Linggo, ang simula ng 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) at umaasa tayong marami sa ating mga kababayan ang susuportahan ang mga pelikulang ipapalabas hanggang Enero 7.
At isa sa mga aabangan ay ang Gabi Ng Parangal na gaganapin na Disyembre 27 sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
Isa sa mga dadalong paparangalan ay ang former Batangas Governor and Congresswoman Vilma Santos-Recto na tatanggap ng Marichu Vera Perez Maceda Award.
Ate Vi holds the distinction of successfully combining an excellent body of works as film actress-producer and an impeccable record as a public servant.
Matatandaang noong panahong nasa bingit ng mawawalan ng trabaho ang mga kasamahan sa industriya sa pagpapasara ng ABS-CBN, isa si Ate Vi sa mga bumoto sa pagre-renew ng franchise ng sinasabing star network.
The Maceda family offers an emolument of PHP50,000 from Mowelfund-managed Manay Ichu Foundation plus a trophy to be given by the MMFF.
Excited tayong lahat na makasama si Ate Vi sa Tuesday… ang kanyang first public showbiz appearance after a long time, after niyang mag-Covid din!
- MMFF 2022 Parade of Stars scene-stealers: Vice Ganda at Toni Gonzaga, nagyakapan; Jake Cuenca, may pa-abs
- MMFF 2022 Parade of Stars sidelights: "Kamandag" ni Ian Veneracion, first-timer Sean de Guzman, at mga dahilan ng mga absent sa parada
JERRY OLEA:
Malusog at Mabiyayang Pasko sa ating lahat! Excited ang Vilmanians sa pagpupugay na ito sa kanilang idol for all seasons.
Inaasahan natin ang kanilang mainit na pagsuporta kay Ate Vi sa MMFF 2022 Gabi ng Parangal.
Nawa’y maging joyful ang resulta sa takilya ng 48th MMFF, lalo’t full support ang host city ng Quezon City sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte!
Ang tema ng December filmfest this year ay "Balik Saya."
May ongoing promo ang MMFF 2022 na naka-post sa kanilang Facebook page: “Ano ang Kwentong MMFF Mo?
“I-share mo na yan at baka isa ka sa puwedeng manalo ng MMFF pass o gift certificate!
“Mag-comment lang sa post na ito kung ano ang kwentong MMFF mo o kung bakit ikaw ang dapat manalo ng free MMFF passes, simula December 23 hanggang December 28.
“Abangan ang anunsyo ng winners sa MMFF Official Facebook page.”
GORGY RULA:
Hangad ng lahat sa movie industry ay na makakabawi na tayo at mapupuno na ang mga sinehan.
Ang mag-asawang Senator Bong Revilla at Cavite Second Representative Lani Mercado ay dadalo sa Gabi ng Parangal bilang suporta sa ngayong taong MMFF.
Sana, maipatupad ang isinususog nila ni Senator Jinggoy Estrada na magkaroon ng tax holiday sa ngayong filmfest.
Inaasahan nilang maisasabatas na sa 2023 ang ipinapanukala nilang Philippine Film Commission Act.
Kailangan na raw talagang mabigyan ng atensyon ang ating movie industry at maibalik ang sigla ng mga sinehan.
"Dapat i-improve natin. Tulungan ng gobyerno ang ating mga producers para tapatan ang quality ng mga pumapasok na foreign films.
"Dapat ganun ang aksyon na gawin ng ating gobyerno," bahagi ng pahayag ni Senator Bong.
