PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla, bakit di sumasakay ng elevator sa Senate building?

Karla Estrada, tuloy ang pagsabak sa pulitika?
by PEP Troika
Published Dec 17, 2022
Robin Padilla
Korina Sanchez
Si Senator Robin Padilla ang special guest ni Korina Sanchez sa kanyang programang Korina Interviews na mapapanood bukas, Linggo ng hapon, sa NET25.
PHOTO/S: Screen grab from Korina Interviews/Net25

GORGY RULA

Si Senator Robinhood Padilla ang special guest ni Korina Sanchez sa Korina Interviews na mapapanood bukas ng hapon, Linggo, December 18, sa NET25.

Sinadya ni Korina ang actor/politician sa tanggapan nito sa Senate Building, at doon ini-reveal ni Robin na hindi pala siya sumasakay ng elevator.

Robin Padilla
Korina Sanchez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naghahagdanan si Robin mula ground floor hanggang sa fifth floor sa kanyang tanggapan.

Pag-uusapan nila ang transition ni Robin mula sa pagiging action star hanggang sa number one senator noong nakaraang eleksyon.

Samantala, si Karla Estrada ang in-interview ni Korina last Sunday sa naturang programa at sa tono ng mga sagot niya, mukhang itutuloy niya ang pagpasok sa pulitika pagkatapos na hindi siya nakapasok sa Tingog Partylist dahil pang-third seat siya.

Karla Estrada
Korina Sanchez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero tuloy pa rin si Karla sa naturang partylist at kasalukuyang Social Service Chief sa tanggapan ni Speaker Martin Romualdez.

Hindi naman daw isyu sa kanilang pamilya ang pulitika kahit magkasalungat sila ng sinusuportahan ng kanyang mga anak.

Sabi naman ni Karla, never daw nila itong pinag-usapang mag-iina.

“Hindi naging isyu or kung meron mang isyu, hindi napag-usapan. Para sa amin, aksaya sa panahon dahil ang mahalaga naman na mahal namin ang isa’t isa bilang pamilya.

“Kung ano man ang mga pananaw ay malaya kaming makakapili ng aming pananaw hangga’t hindi naman ito ikakapahamak ng aking mga anak, at hindi ko rin naman ikapapahamak, di ba?

“We never talked about politics, imagine? The entire campaign and up to now,” saad ni Karla Estrada.

JERRY OLEA

Pahayag pa ni Queen Mother, “Actually, even before, dahil hindi naman talaga kami pulitikong mga pamilya, di ba? Kami ay pamilyang malaya at matibay at nagmamahalan talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Malaya, matibay at malalim na nagmamahalan. At ang respeto sa akin ng mga anak ko ay iyan ay napatunayan na nang ilang beses.

“Puwede akong pagtawanan ng mga tao, huwag lamang sa harap ng mga anak ko. Dahil ang mga anak ko ay handang…handang…ngumiti na parang aso.”

NOEL FERRER

Masaya raw ngayon si Karla sa kanyang lovelife. Masarap daw ang umibig, at kailangang may katuwang daw siya sa kanyang pagtanda.

“Hindi ako napapagod sa kaiibig. Hangga’t tumitibok ang puso ko… maano ka talaga, e. Gusto ko talaga yung feeling na in love, may minamahal, may pakilig-kilig, inspirasyon.

“Lalo na ma-experience mo pag nagsilakihan na ang mga anak mo sina Pepe at si Pilar. Ay naku! Magdadrama ka talaga.

“Para sa akin talaga, importante na meron ka talagang kasamang tumanda,” sabi pa ni Karla.

O pag ibig na makapangyarihan… ikaw ba, may kasama ka na sa pagtanda?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Senator Robin Padilla ang special guest ni Korina Sanchez sa kanyang programang Korina Interviews na mapapanood bukas, Linggo ng hapon, sa NET25.
PHOTO/S: Screen grab from Korina Interviews/Net25
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results