PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapuso artist, lilipat sa NET25; showbiz icon, babalik sa GMA

Si Boy Abunda ba ang showbiz icon na babalik sa GMA-7?
by PEP Troika
Published Dec 7, 2022
blind item network transfer

GORGY RULA

Isang kilalang Kapuso artist ang nakatakdang ipakilala ng NET25 bago matapos ang taong ito.

Nakakaaliw ang artist na ito na kinagat ang pinasikat niyang linya, kaya iyon ang gagamiting title ng unang programa niya sa NET25.

Matagal na pala sa NET25 ang best friend ng Kapuso artist na dati ring taga-GMA-7, at ito ang naghikayat sa kanyang lumipat.

Nakapagpaalam daw nang maayos ang dating Kapuso artist sa GMA-7 kaya walang problema ang paglipat niya sa NET25.

Nakapag-pictorial na rin siya para sa gagawin niyang programa sa NET25, at sobrang tuwa niya sa magandang pag-welcome at pagtrato sa kanya.

Baka iha-handle na rin daw siya ng NET25 Star Center ni Eric Quizon.

Read: Eric Quizon, kinuhang head para sa talent management arm ng NET25

NOEL FERRER

Owwww…. mag-aartista ba siya? O pam-boost siya sa morning show ng NET25?

Kumbaga sa personality na ito, siya ang puwedeng ituring na makabagong Debraliz Valasote!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

I don’t suppose ininda naman ng GMA-7 ang pag alis niya, lalo na kung career advancement ito.

Good luck!!!

JERRY OLEA

“Nasa kama na, lumipat pa sa banig.”

“Nasa papag na, lumipat pa sa lapag.”

“The grass is always greener on the other side.”

Applicable ba sa nasabing Kapuso artist ang alinman sa mga kawikaang iyan?

Inaasahan nating GMA Network pa rin ang mamamayagpag sa 2023. Love love love ng sandamukal na taga-ibang bakod na lumipat dito.

Oh, well… kung pakiwari ng Kapuso artist na ito ay mas maggu-grow ang kanyang career sa NET25, sino ba tayo para kuwestyunin ang kanyang pasya?

At any rate, kaabang-abang ang tinutukoy sa Instagram post ng GMA Network ngayong Disyembre 7, Miyerkules:

“Handa na BA ang lahat sa HOMECOMING ng isang SHOWBIZ icon? Abangan ang kanyang pagbabalik sa GMA coming soon!”

BA! BA! BA! BA! BA! BA!

gma instagram post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results