JERRY OLEA
Umatras si Joed Serrano sa kandidatura niya sa pagka-senador noong nakaraang eleksyon. Bakit?
“Kasi, naramdaman ko, kahit marami tayong bakla, parang hindi nagkakaisa,” sabi ng actor-producer na si Joed nitong Disyembre 5, 2022, Lunes, sa Winford Resorts and Casino, Manila.
“Parang mapapahiya ako na, feeling ko, magkakaisa ang mga bakla? Parang hindi, e.
“At saka parang inisip ko nung time na yun, nagpapakabayani ako para sa mga bakla pero sila, hindi naman yata ako susuportahan. Deadma na lang to the highest level.
“Parang… o, sige, kanya-kanya na lang tayo. Tutulong na lang ako in my own little way.”
Read: Joed Serrano withdraws candidacy for senator because of "required PHP800M campaign budget"
Feeling ba niya, ayaw siyang seryosohin ng iba?
“Feeling ko nung time na yun, ahh… hindi sa ayaw seryosohin. It’s just that akala nila, dahil ma-candid ako, ma-joke ako, akala nila, nagbibiro pa rin ako,” himutok ni Joed.
“But I took that advice from Ogie Diaz. I felt the love of Ogie Diaz, even si Mommy Cristy Fermin. Kahit na galit siya na sinasabi niya, ‘Hindi ka mananalo!’
“Kasi ayaw lang niya talaga ako na sumabak sa pulitika, na-appreciate ko yun. Why? Because it’s for my own good.
“Lalo na ngayon na merong inaanak ako na sobrang mahal ko, ayokong ma-drag siya into politics. So, somehow ginabayan din ako ni Lord,” sey pa ni Joed.
Siyanga pala, ang Godfather Productions ni Joed ang producer ng 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga na I Am Toni, na gaganapin sa Enero 20, 2023 sa Araneta Coliseum.
Co-produced iyon ng ina ni Toni na si Mommy Pinty.
Si Joed din ang producer ng launching film ni Sean de Guzman na Anak ng Macho Dancer (2021). Proud si Joed sa dalawang best actor na natamo ni Sean at sa sunud-sunod nitong projects.
Read: Direk Joel Lamangan, nagdilang-anghel tungkol sa pagiging best actor ni Sean de Guzman
Plano pa rin niyang iprodyus ang pelikulang Matinee Idol na maglulunsad kay Charles Nathan.
E, iyong iba pang alaga niya sa Anak ng Macho Dancer, may plano pa ba siya? Kumusta na sila?
Read: The Fresh Men of Anak ng Macho Dancer: Sean de Guzman, Charles Nathan, Ricky Gumera, David Lucas
Napangiti si Joed, “Si Miko Pasamonte, hindi na siya naghuhubad. Active siya sa church, born-again talaga siya.
“Si Ricky Gumera, ang alam ko, nagdyowa, nag-asawa. Nagpakasal na yata.
"Si Mhack Morales, tuloy pa rin, with Vivamax yata.
“Ang nasa akin na lang, si Charles. Kasi sa akin galing ang pangalan. And he’s still gonna do Matinee Idol.”
Bakit si Charles lang ang naiwan?
“Yung totoo? The fact na hindi ko naka-sex yun, ha?”
Sa limang lalaki na inihambalang sa poster ng Anak ng Macho Dancer, sino o ilan ba ang nakatalik niya?

“Dun sa lima? Isa lang, e. Yung ini-expect niyo na si Miko Pasamonte, hindi, ha?! Kahit binigyan ko yun ng house and lot, wala!” pagdidiin ni Joed.
“Walang sex yun. Kaya ko yun, magbigay na walang sex, ano ba?!”
GORGY RULA
Inamin ni Joed na nag-worry siya sa mga pamba-bash kay Toni Gonzaga.
Read: Toni Gonzaga, may pa-concert sa 20th anniversary niya sa showbiz; deadma sa bashers
“Natakot ako, nung Shopee, di ba? Dun sa hindi kumita, hindi ako worried. Dun sa bashers, na baka ako… “ saad ni Joed.
“Pero nung naglabasan, lalo na yung mga write-up after ng presscon ni Toni nung November 17, wala naman. Buti na lang, wala. Sana huwag. Ano ba ang puwede nilang tirahin sa akin?”
Ano na ang nangyari sa prinodyus niyang pelikulang Kontrabida kung saan bida si Nora Aunor?
Read: Nora Aunor-starrer Kontrabida wins NETPAC Prize at 6th Hanoi International Film Festival
“We plan to release it sa Mother’s Day, at sa birthday ni Ate Guy. Kaya namin siya hindi isinali sa filmfest kasi alam naman natin na yung tema ng pelikula ay hindi pambata, hindi pam-Pasko,” sabi ni Joed.
“Plus of course, nandun pa rin yung takot namin na… Kasi ako, honestly, hindi pa ako pumapasok ng sinehan. I don’t know why. Hindi ko alam.
“Parang ito yung totoo, nakakatakot as a producer din, ha? Pero parang naramdaman ko na yung mga tao, after pandemic, parang nakasanayan na, ‘Ay! Puwede palang walang sinehan!’ ‘Ay! Pwede palang manood lang sa bahay!’
“Alam mo yung ganun? Iba yung restaurant, iba yung concert, e. Iba yun. Pero yung movie kasi, ba’t ka papasok? E, mapapalabas din naman after one year sa Netflix. May ganun.
“So it’s a challenge ngayun, yung Metro Manila Film Festival kung paano nila maeengganyo. Kaya ako, yung Godfather Film Festival, it’s also a challenge.
“Kaya ang plano ko, pagsama-samahin ang Nora, Vilma, Maricel, Sharon. Para mabuhay ulit yung mga Noranians, Vilmanians, Sharonians, alam mo yung ganun?”
Kumusta na iyong gusto niyang i-produce na biopic niya, na pagbibidahan dapat nina Wendell Ramos at Charles Nathan?
“Kausap ko si Wendell last week. Ahh, siguro kung mapapanood nyo yun sa sinehan, wala masyadong bold!” bulalas ni Joed.
“Kasi, bawal naman sa sinehan, di ba? So it’s a story lang, and maganda yung story na yun kasi pauwi ito dun sa pagiging ninong ko, yung inaanak ko.
“Actually, pinag-iisipan kong magkaroon ng baby. Yung surrogacy ba yun? Hindi yung ano, ha, hindi yung ganun,” pagmumuwestra ni Joed sa pakikipagtalik sa babae.
“Wala. Hindi naman kaya.”
Diretsuhang sinabi ni Joed na hindi niya kayang mambuntis ng babae. Ang gusto niya, if ever na kukuha siya ng surrogate mother, ay Amerikana.
Pagbuntong-hininga ni Joed, “Dream kong mag-anak kasi masarap pala yung maging tatay. I mean, nawala ako sa showbiz nang nine months.
“Hindi ako nagplano ng kahit ano because yun, nag-yaya ako sa inaanak ko. Nagpaka-yaya talaga ako.”
NOEL FERRER
Iba talaga ang pangarap, at iba rin ang nakaugat sa katotohanan. Pero good luck kay Joed sa birthday concert na ito ni Toni sa Araneta Coliseum.
Sana nga, kahit percentage lang ng 31M voters ay manood at bumili ng tickets para sa concert na ito.
Maganda ngang sukatan ang magiging box-office results ng MMFF 2022 movie ni Toni Gonzaga na My Teacher.
Tapos, hetong concert na ito na sana, itinaong may bagong hit song si Toni na siyang puwede niyang maging anthem.
Oh well, si Toni na ba ang susunod sa yapak ni Pops Fernandez na isang singer at host na may monicker na concert queen? Let us wait and see.
