GORGY RULA:
May mga naiintriga na sa brown chair na laging gamit ni Korina Sanchez-Roxas tuwing may ini-interview siya para sa Korina Interviews sa NET25.
Kahit saan siya magpunta para interbyuhin ang kanyang subject, dala nila itong dalawang malaking brown chair para makita talaga ang tatak-Korina Interviews.
Nung nakaraang episode kung saan pinuntahan niya sa opisina nila ang magkapatid na Senator Raffy Tulfo at DSWD Secretary Erwin Tulfo, dala rin niya itong brown chair.
Natuwa si Korina nang nakita niya ang malaking opisina ni Raffy sa Senate Building. Ganun daw pala ang opisina sa Senado.
Dahil noong senador pa ang asawa niyang si dating DILG Secretary Mar Roxas, never daw siya nakatapak sa opisina nito. Hiniwalay raw niya ang kanyang pagiging Mrs. Roxas sa kanyang trabaho bilang broadcast journalist.
Pagdating naman sa opisina ni Erwin Tulfo, natuwa si Korina na ang dami raw niya palang na-interview na mga dating DSWD Secretary.
"Pero ikaw ang pinakaguwapong DSWD Secretary, Erwin," hirit ni Korina.
Inilahad ng Tulfo brothers na sa kanilang sampung magkakapatid, talagang Mama’s boys silang lahat dahil sa ang mommy nila ang madalas nilang kasama.

Pero si Erwin pala ang pinakapaborito sa lahat dahil siya ang bunso. Si Raffy naman daw ang dumanas ng lahat ng hirap dahil kung kani-kaninong kamag-anak daw siya ipinatitira para maipagpatuloy lang ang kanyang pag-aaral.
Matinding disiplina raw ang dinanas nilang magkakapatid mula sa kanilang magulang. Pag nagkakamali raw, tiyak na may palo mula sa kanilang ina.
Pagdating daw ng daddy nila na miyembro ng Philippine Constabulary ay palo na naman sila ulit pag magsumbong na ang mommy. Malaki ang nagawa ng disiplinang iyun kaya ganun sila katapang at kadisiplinadong magkakapatid.
Naka-relate rin si Korina sa Tulfo brothers dahil ganun din daw ang disiplinang pinagdaanan niya sa kanyang magulang. Kaya kasintapang din siya ng Tulfo brothers.
Wala nang mahihiling pa ang magkapatid na Tulfo dahil hanggang ngayon ay kasama pa rin nila ang kanilang ina na 96 years old na pala, at siyang nagbibigkis sa kanilang magkakapatid.
READ: Erwin Tulfo's eldest daughter Erika Tulfo celebrates 18th birthday with Greek garden-themed party
JERRY OLEA:
Tiyak na kuwela ang susunod na makakapanayam ni Korina sa Korina Interviews ngayong Linggo dahil makaka-one-on-one niya si Tessa Prieto.
Masaya ang tsikahan nilang dalawa, at doon mari-reveal kung ilang libo na ba ang gowns ni Tessa, lalo na ang kanyang headdress na siya lang ang makakapagdala ng ganun.
Sabi nga ni Tessa, siya raw ang nagdadala ng bandera ng Pilipinas pagdating sa fashion sa ibang bansa. Mauungkat kaya ang pinagdaanan ni Tessa sa kanyang married life?
NOEL FERRER:
Interesting na subject talaga si Tessa. But is this the kind of interview na dapat sa free TV o sa online? I honestly want to know.
Sana, mag-subscribe na sa survey/ratings ang NET25 para may hard data. Dahil sa online, madaling makuha ang numbers.
- Victor Consunji, Rachel Carrasco all smiles at famous bridge in Paris
- Justin Cuyugan on breakup with Dawn Chang: "It was very traumatic."
- Sharon Cuneta lovingly calls out Mavy Legaspi for calling her "Ms."
- Bianca Lapus reveals son Yce deeply affected when he visited dad Vhong Navarro at detention facility
