PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mariel Padilla's TV comeback supported by husband Robin Padilla

Mariel, naseksihan kay Robin dahil sa sitwasyong ito...
by PEP Troika
Published Nov 23, 2022
mariel padilla robin padilla family
Mariel Padilla on husband Robin Padilla: "I found it so nice na no matter how busy he is, kung alam niya na kaya niya, idya-juggle niya yung oras niya para sa mga anak namin. Pero at the same time, hindi niya nakakalimutan yung tungkulin niya. Pero I just found it na parang ang galing niya. Sabi ko nga sa kanya na, for me, I found it very sexy…"
PHOTO/S: Jerry Olea / @marieltpadilla on Instagram

JERRY OLEA

OK lang kay Senator Robinhood Padilla na tinanggap ng wife niyang si Mariel Rodriguez-Padilla ang pagho-host sa daily morning show ng ALLTV na M.O.M.s (Mhies On A Mission).

“Robin is very, very supportive,” lahad ni Mariel sa mediacon noong Nobyembre 22, 2022, Martes, sa The Crossing Cafe, Daang Hari Road, Molino IV, Las Piñas.

“Sobra! We were together last night, sinabi niya, ‘O, presscon niyo na pala,’ ganyan. He’s very supportive. He’s super-happy na kami nina Ruffa [Gutierrez] at Ciara [Sotto] ang magkakasama.

“Nung start, when we first got married, nung unang-unang panahon pa lamang, in my head akala ko baka he would be the type who would make me stop working.

“Alam mo yun, kasi parang… di ba, alam mo yun, feel ko siya yung parang type na pag-aalagain niya ako ng mga bata, paglulutuin, ganun, alam mo yun.

“Pero he said, I’ll never forget na sinabi niya, ‘Hindi, huwag. Dapat gawin mo pa rin yung ginagawa mo.’ Because I feel that he knows na yun ako. Yun ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And we cannot lose ourselves. No matter how much we love our husbands, our family, our kids — we shouldn’t lose ourselves.

“So, hindi ko naman inano na, ‘Ahh, focus na ako, dito lang ako sa trabaho ko!’ Ginagampanan ko pa rin yung kailangan kong gawin sa pamilya ko.

“That’s why I am so, so, so grateful sa ALLTV nung sinabi ko sa kanila na, ‘Ito po yung kaya kong ibigay. Kasi, nanay po ako. My kids are small, they still need me.’

“I am so, so, so grateful na binigyan nila ako ng show na ito knowing na nanay po ako, and at the same time, while I’m doing this, I promise na I will give din my best po talaga.”

Mag-uumpisa ang M.O.M.s (Mhies On A Mission) sa Nobyembre 28, Lunes ng 11:00 a.m.-12:00 nn sa ALLTV, ang bagong Channel 2.

Read: Mariel Rodriguez, Ruffa Gutierrez, Ciara Sotto reveal what they can offer to their new ALLTV show

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Kumusta si Senator Robin pag nasa bahay nila?

“Si Robin, pag nasa bahay, alam mo talagang gusto niyang magpahinga,” pagngiti ni Mariel.

“Gusto nun yung pagod na pagod siya talaga. Gusto niyang magpahinga pero bilib ako sa kanya. Because yesterday, my other daughter kasi, si Isabella, parang… dahil first time na… nakakulong the whole pandemic, nakakulong. Tapos first time mag-face-to-face.

“So, lahat ng mga viral infection na nasasagap ngayon, ini-embrace. To boost the immune system kasi, di ba? Kailangan talagang lalabanan ng immune system mo.

“So ahhm, nung September nilagnat. Nung October nilagnat. Kahapon nilagnat na naman! So si Robin, nagpa-panic na. ‘Yung anak ko yata, tinamaan ang baga! May ano! Humina na ang baga.’ Nag-panic siya.

“Kahapon, we dropped everything nung umaga. Siya mismo, dinala niya sa doktor yung anak niya, hawak-hawak niya. Pina-X-ray niya. Of course, perfect po ang heart and yung chest as I expected.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero ibinigay ko na yun sa kanya para meron siyang peace of mind. After nun, nagpunta siya sa plenary, and wala siyang iniisip. Alam niya na okay yung anak niya.

“But I found it so nice na no matter how busy he is, kung alam niya na kaya niya, idya-juggle niya yung oras niya para sa mga anak namin. Pero at the same time, hindi niya nakakalimutan yung tungkulin niya.

“Pero I just found it na parang ang galing niya. Sabi ko nga sa kanya na, for me, I found it very sexy… na oo, iyon talaga ang mga naganap, mhie!

“Sabi ko talaga. Sabi ko, ‘I think very sexy yung ginawa mong yun yesterday. It makes me love you more,’ ganyan-ganyan. Ganyan ang mga ganap namin.”

Baka makabuo muli sila ng baby?

Mabilis na sagot ni Mariel, “Ay! Hindi na po! OK na po kami talaga sa dalawa. Hindi ko na po kaya. Hindi na po sexy yun pag meron pa uli. OK na talaga!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Aabangan natin ang pagsasama ng mga babaeng na-link kay Robin (Ruffa at Mariel) at parehong na link kay JLC (Ruffa at Ciara).

I’m sure they have since moved on after those experiences. Let’s see how much they’ve grown at kung anong wisdom ang nadala sa kanila ng motherhood at iba’t ibang relasyon nila.

Sana rin lang, hindi sila mag-agawan ng topic at guests ni Toni Gonzaga, kasi halos pareho sila ng pinanggagalingan.

Basta, aabangan natin ito. Lalo na kung paano nila gagawing kakaiba at kaaya-aya at may kabuluhan din naman.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mariel Padilla on husband Robin Padilla: "I found it so nice na no matter how busy he is, kung alam niya na kaya niya, idya-juggle niya yung oras niya para sa mga anak namin. Pero at the same time, hindi niya nakakalimutan yung tungkulin niya. Pero I just found it na parang ang galing niya. Sabi ko nga sa kanya na, for me, I found it very sexy…"
PHOTO/S: Jerry Olea / @marieltpadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results