PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anthony Taberna grateful daughter Zoey is now cancer-free

"Halos balik na po ang kanyang nawalang lakas."
by PEP Troika
Published Nov 23, 2022
anthony taberna daughter zoey
Anthony Taberna on daughter Zoey: "Nakita po namin nung siya po ay may sakit na halos hindi po makatayo, halos ay hindi po makagulatay, pero ngayon po ay halos balik na po ang kanyang nawalang lakas."
PHOTO/S: Jerry Olea / @iamtunying28 on Instagram

JERRY OLEA

Nag-update si Anthony Taberna aka Ka Tunying sa kalagayan ng daughter niyang si Zoey.

Read: Anthony Taberna's daughter Zoey now cancer-free: "I thought that it was the end for me."

“Si Zoey po ngayon ay cancer-free,” sabi ni Ka Tunying sa mediacon ng Kuha All noong Nobyembre 21, 2022, Lunes, sa Sixty-Four restaurant ng Evia Lifestyle Center, Daang Hari, Almanza Dos, Las Piñas City.

“Salamat po sa Panginoong Diyos! Salamat din po sa inyo na kasa-kasama po namin na nagpe-pray para kay Zoey.

“Hindi po madali ang taon na ito para sa aming pamilya dahil ito pong taon na ito ay nag-umpisa sa amin na para kaming pinagsakluban ng langit at lupa, sabi nga.

“Nung nagpunta po kami sa Singapore, para po kaming mga ulila po dun. Wala kaming kakilala.

“Yung doktor na kausap namin, hindi nga namin alam kung ano ang background nun. Baka kung ano lang ang gagawin kay Zoey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero apparently po, tinuruan po kami ng Panginoong Diyos kung saan po kami pupunta, ano ang dapat naming gawin.

“Every step of the way po, wala po kaming ginawa kundi manalangin. At umabot po sa pagkakataon na si Zoey po ay akala namin, mawawala na.

“Dahil meron pong ganung mga moment habang nasa ospital po siya. Pero sa kabutihan po ng Panginoong Diyos, siya po ay unti-unting gumaling.

“At ngayon po ay kasa-kasama namin siya. Masaya, nakabalik na po siya sa eskwela.

“Although twice a week lang po siyang nagpe-face to face pero napakalaking achievement na po yun kung titingnan po sa Zoey na nakita po namin nung siya po ay may sakit na halos hindi po makatayo, halos ay hindi po makagulatay, pero ngayon po ay halos balik na po ang kanyang nawalang lakas.

“Salamat po sa inyong lahat na kasa-kasama naming nag-pray para kay Zoey!”

NOEL FERRER

Mahigpit kong niyakap si Tunying nang magkita kami sa 40th anniversary concert ni Martin Nievera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mananatiling malapit sa puso ko si Anthony dahil hindi niya ako pinahindian sa pagsisimula pa ng karera niya sa TV sa Magandang Umaga Pilipinas.

Pinanday na ng panahon, pero nananatiling nakaugat sa pagmamahal sa kaibigan at pamilya.

Sa kanyang pinagdaanan kay Zoey, buong puso niyang nai-post ito sa Facebook: “Makulimlim ang panahon, parang naging senti tuloy ako. Di maiwasang alalahanin ang mga malulungkot na nangyari sa taong ito.

“January 22, 2022 ang picture na ito. Kamay namin ito ni Zoey habang nakaratay siya sa pagamutan dun sa Singapore halos sampung buwan na ang nakakalipas. Ito yung mga panahon na alam kong pinipilit niyang maging matapang kahit napakasakit, napakakirot ng kaniyang pakiramdam.

“Sa aking upuan ay tinawag niya ako na tumabi sa kaniyang higaan. Hiling niya sakin ‘Daddy, hawakan mo po yung kamay ko. When I'm holding your hand, I don't feel alone,’ sabi ni Zoey.

“Yun naman ang gagawin ko at kahit ano pang sabihin niya upang maibsan ang kaniyang lungkot, takot at iniindang kirot. Kanina sa pagsamba, naluha man ako ay hindi dahil sa kalungkutan kungdi kaligayahan nang basahin ng aming Pastor na si Bro. Riovida Roy ang talata na wari ay kasagutan sa aking tanong noon pang unang nagkasakit si Zoey.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ito rin ay testamento ng pakikinig ng Diyos nang pagalingin Niya si Zoey. ‘Kung ipahintulot man ng Panginoon na kayo'y magkasakit o magdanas ng hirap, siya na inyong guro, ay hindi magtatago sa inyo. Maririnig ninyo ang kanyang tinig at siya ang laging kaalakbay ninyo upang ituro ang inyong daraanan. Ngunit ang Diyos ay naghihintay upang tulungan kayo at kahabagan, Siya ay Diyos na makatarungan. Mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.’ (Isa. 30:20-21 at 18)

“Kaya huwag tayong magtatampo kung tayo man o ang mahal natin sa buhay ang magkasakit. O kahit na dumaan sa iba pang uri ng pagsubok. Tutulong Siya at maaawa sa lahat ng sa Kaniya'y lubos na magtitiwala. Salamat po muli, Ama sa biyayang dulot ng pagsamba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Balik-mainstream TV si Ka Tunying sa programang Kuha All umpisa sa Nobyembre 26, Sabado ng 5:00 p.m. sa ALLTV.

“Marami po tayong pinagdaanan nitong mga nakaraang panahon. Ang Kuha All po ay nabuo kasama po namin ang pangasiwaan ng bagong Channel 2, ang ALLTV,” lahad ni Ka Tunying.

“Ito po ay isang uri ng public service program. Kung inyo pong mapapansin sa teaser, usung-uso po kasi ngayon ang napakaraming mga krimen, napakaraming mga aksidente.

“May mga magaganda rin namang bagay na nakukuhanan ng video. May mga kababayan po tayo dahil nga po sa cellphone na may camera na nakukuhanan po lahat ng bagay — lahat po tayo ay parang reporter na.

“Lahat ng tao yata ngayon ay sinaniban na ng mga cameraman at reporter. So nakukuhanan po ang mga pangyayari na yan araw-araw.

“Pero hindi lang po ang mga videos na nagte-trending ang gusto nating ipakita. Gusto nating makausap mismo yung mga tao na nagte-trending sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At hindi lang po ang layunin ay makausap sila kundi para po matulungan po sila.

“For example ito pong pilot episode po natin, pasabog po ito. Meron po kayong malaking aabangan dito, e.

“Sila po ay biktima ng krimen pero hindi lang po nalaman natin na sila ay biktima ng krimen — nakapagtuturo din po tayo sa mga tao kung paano makakaiwas sa krimen na ito.

“At meron po kaming pasabog na saya all. May ‘all’ po, e. May saya all dimension po itong programa natin.

“Yun po yung public service component niya. Matutulungan po natin yung tao na nabiktima o kaya’y parte ng video na atin pong ipe-present.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Taberna on daughter Zoey: "Nakita po namin nung siya po ay may sakit na halos hindi po makatayo, halos ay hindi po makagulatay, pero ngayon po ay halos balik na po ang kanyang nawalang lakas."
PHOTO/S: Jerry Olea / @iamtunying28 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results