PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis, Yen Santos receive death threats fom bashers

Paolo at Yen, nakunang magkasama sa isang hotel isang araw pagkatapos ng Urian.
by PEP Troika
Published Nov 22, 2022
Paolo Contis, Yen Santos
Deadma pa rin daw ang rumored couple na sina Paolo Contis at Yen Santos sa bashers sa kabila ng ilang pagbabanta sa kanilang mga buhay.
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram

GORGY RULA

Inatake na naman ng sangkatutak na bashers sina Paolo Contis at Yen Santos pagkatapos manalo ni Yen ng Best Actress sa 45th Gawad Urian.

Read: On The Job: The Missing 8 sweeps 45th Gawad Urian; John Arcilla, Yen Santos win top acting honors

Kaagad-agad nag-post si Paolo sa kanyang social media account para batiin ang rumored girlfriend sa pagkapanalo nito.

Read: Paolo Contis, nag-post agad ng pagbati matapos magwaging Best Actress ni Yen Santos sa Urian

Halos magkasunod pa dahil may nakakuhang magkasama sina Paolo at Yen sa lobby ng Shangri-La EDSA.

Sabi ni Paolo, nag-check-in sa naturang hotel si Yen nung araw ng Urian dahil doon na ito nagpaayos kasama ang best friend niya. Sinamahan daw ang aktres ng kaibigan niya na dumalo sa Urian dahil nasa shooting noon si Paolo ng pelikulang Pangarap Kong Oscars.

Sa hotel daw natulog si Yen, at si Paolo naman ay 6 a.m. na-pack up sa shooting kaya doon na siya sa Shangri-La tumuloy para maki-breakfast kay Yen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat ang ang aktor na tila laging may sumusubaybay sa kanya at nakukunan agad sila ng larawan.

Nung Linggo, November 20, ay 30th birthday naman ni Yen, at kasama niya si Paolo na nag-celebrate.

Read: Yen Santos celebrates 30th birthday with rumored boyfriend Paolo Contis

Hindi na binanggit sa amin ni Paolo kung saan sila nag-celebrate ng kaarawan ni Yen, pero nasa out of town daw sila.

Biniro ko si Paolo kung nag-out of town ba sila "as a friend." Pabiro rin niya akong sinagot ng “No, as best actress!”

Ipinost ni Paolo sa kanyang Instagram account ang pagbati niya kay Yen ng “Happy Birthday My Best Actress!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ay pinutakti na naman siya ng matinding bashing.

Sabi ni Paolo, nasasanay na siyang naba-bash, pero itong mga huli niyang natatanggap ay mga pagbabanta na. May death threats na ang ibang bashing sa kanila.

May ifinorward nga si Paolo sa akin na comment ng isang basher na sinabing "sana ma-murder" na raw ito. Meron ding nagku-comment na gusto na nitong mamatay sila ni Yen.

“Sino ngayon sa amin ang mas nagkakasala? Ever since naman never ko pinapansin ang mga bashers,” text sa akin ni Paolo.

Ito ang dahilan kaya tinanggal na muna ni Paolo ang comments section sa kanyang Instagram para wala nang kanegahan.

JERRY OLEA

OA iyong inaasam na matigok sina Yen at Paolo, huh?! Hindi pang-Urian ang ganun ka-hysterical na hanash!

Basta, masaya tayo para kay Yen sa best actress award niya para sa pelikulang A Faraway Land na pinagtambalan nila ni Paolo!

MABUHAY!!!

NOEL FERRER

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

The best weapon is always a good work!

Ituloy lang nina Paolo at Yen ang maganda nilang trabaho. Patuloy na gumawa ng magagandang pelikula at serye, at tatahimik din ang bashers nila!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Deadma pa rin daw ang rumored couple na sina Paolo Contis at Yen Santos sa bashers sa kabila ng ilang pagbabanta sa kanilang mga buhay.
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results