GORGY RULA
Napabilib ni Bela Padilla si Lorna Tolentino na naging artista sa pelikulang If na isinulat at idinirek ni Bela. Special participation lang si Lorna sa pelikulang ito na kinunan pa sa South Korea.
Nagustuhan daw ni Lorna ang script kaya tinanggap niya ito at nag-shoot sila sa naturang bansa nung nakaraang buwan.
Si Bela ang lead actress sa pelikulang ito na co-production niya sa Viva Films. Ka-partner niya rito ang Korean actor na si Yoo Min Gon, kasama rin si Buboy Garrovillo.

Lorna Tolentino and Yoo Min Gon
Natuwa si Lorna sa istilo ng pagdidirek ni Bela.
“Naku-control niya lahat. Na-mesmerize ako sa kanya, kasi kaya niya gawin lahat. Alam niya ang ginagawa niya.
“Pero nahirapan din daw siya kasi siya rin ang artista. Pero magaling siya,” puri ni Lorna kay Bela.
Na-enjoy raw ni Lorna ang ilang araw na shooting sa South Korea kaya gusto niyang makasama uli sa susunod na gagawin ng actress/writer/director.
Eto nga't may kasunod na agad na isang project ni Bela si Lorna. Nagustuhan din niya ang script na isinulat ni Bela, kaya kahit special participation uli, okay lang sa kanya dahil sa Switzerland kukunan ang pelikula.
“Okay lang sa akin kahit one shooting day lang, at least makakapag-Switzerland, di ba?”
Ang tentative title ng bagong project na ito na gagawin nila ay White Noise, at lead actor daw rito si Jericho Rosales. Excited si Lorna sa project na ito ni Bela na nakatakdang i-shoot sa Switzerland sa susunod na taon.
Sinabi raw sa kanyang mas makakapag-focus si Bela sa pagdidirek dahil hindi siya artista sa pelikulang ito.
JERRY OLEA
Nakapag-multi-tasking na si Bela bilang writer, direktor, at lead actress sa pelikulang 366 kasama sina Zanjoe Marudo at JC Santos.
Read: Bela Padilla, masaya sa mga papuri kina Zanjoe Marudo at JC Santos sa 366
Naitawid ni Bela nang maayos ang nasabing obra, kaya looking forward tayong mapanood ang mga susunod na pelikulang idinirek niya.
Saludo tayo kay Lorna bilang aktres kaya isa pa iyon sa pinananabikan natin sa bagong pelikula ni Bela.
NOEL FERRER
Pumasa sa Netflix ang directorial debut ni Bela. Hoping tayo na mag-streaming din diyan ang iba pang obra na idinirek niya.
Pagkatapos ng pelikula, subukan din kaya ni Bela ang pagdidirek ng limited series? That we have to see!
