JERRY OLEA:
LONG LIVE WAKANDA! Mahigit $331M agad ang worldwide gross ng Black Panther: Wakanda Forever sa unang weekend pa lamang nito.
Humamig ito ng $181M+ sa North America, samantalang lampas $150M sa international market.
Sa talaan ng global grosses ng 2022 movies, nasa ika-12 puwesto na ito, at siguradong pasok na sa Top 10 after the second weekend.
Pila-pila ang moviegoers noong Nobyembre 12, 2022, Sabado, sa SM Mall of Asia. Pasado 4:00 p.m. ako nakapila para manood sana sa IMAX (PHP670 ang tiket) subali’t sold out na iyong nalalapit na screening. Ang natitira sa IMAX ay iyong LFS (last full show) na pasado 11:00 p.m. ang umpisa.
Ang running time ng Black Panther: Wakanda Forever ay 2 oras 41 minuto kaya aabutin iyon ng 2:00 a.m. Iyong tatlong Director’s Club (PHP490 ang tiket) sa MOA ay sold out na rin noong Sabado.
Ang earliest screening na available ay 8:30 p.m, sa isang regular cinema (PHP370 ang tiket).
Kaso, may dalawa pa akong kasama, at magkakahiwa-hiwalay kami ng upuan dahil kokonti na lang ang available seats doon.
Kaya ang pinili ko ay iyong 8:45 p.m., screening para magkakatabi kami ng upuan. Mahigit apat na oras kaming naghintay para mapanood ang Black Panther: Wakanda Forever. Worth it!
Sa umpisa pa lang ay napaluha na ako nang ipakita ang mga larawan ni King T’challa (Chadwick Boseman). Lumuha rin ako sa mid-credit scenes, kung saan dinalaw ni Shuri (Letitia Wright) si Nakia (Lupita Nyong’o) sa Haiti.
Humaplos at kumurot sa aking puso ang lead single ng pelikula, ang awit ni Rihanna na "Lift Me Up."
Itong Black Panther: Wakanda Forever ang ika-30 pelikula sa Marvel Cinematic Universe (MCU). Wala nang eksena sa pagtatapos ng closing credits.
Mabuti at sinabi iyon ng isang security guard sa sinehan, dahil naghihintay pa iyong mga masusugid na tagasubaybay ng Marvel films.
Sakdal husay nga si Angela Bassett bilang Ramonda, ang Sovereign Queen Mother ng Wakanda. Nawa’y ma-nominate siyang best supporting actress sa 95th Academy Awards o Oscars.
Tumatak din ang pagganap ni Tenoch Huerta Mejia bilang Namor, ang hari ng Talokan, at tinagurian bilang K’uk’ulkan.
Siya nga pala, kasabay ng Black Panther: Wakanda Forever na nag-open sa local cinemas noong Nobyembre 9, Miyerkules, ang Security Academy kung saan tampok ang mag-amang Jeric at AJ Raval.
- Boy Abunda on rumored return to GMA-7: "I wanna go back to television."
- Hunk actor, ibinuko ng guwapong model na nag-"service" sa kanya
- Ariella Arida admits Bb. Pilipinas losing Miss Universe franchise in 2019 was "pinakanakaka-heartbroken"
- Presenting the 8 Metro Manila Film Festival 2022 official entries
GORGY RULA:
Pumanaw si Chadwick Boseman noong Agosto 28, 2020 dahil sa colon cancer. Mabuti at hindi ni-recast ng producers ang karakter ni T’Challa the Black Panther.
Iconic ang pagganap doon ni Chadwick. Iginalang at pinagpugayan si Chadwick sa sequel. “Wakanda Forever!” ang battlecry ng Wakandans sa Black Panther (Pebrero 2018).
Ipinagpatuloy ng Black Panther: Wakanda Forever ang feminist themes ng naunang pelikula. Kapuri-puri rin ang pagganap ni Danai Gurira bilang Okoye, ang heneral ng Dora Milaje.
Isiniwalat sa sequel na ang husband ni Okoye na si W’Kabi ay nakakulong kaugnay sa mga kaganapan ng previous movie. Ilan lamang ang eksena ni Martin Freeman bilang CIA agent na si Everett K. Ross pero importante iyon sa pagsulong ng kuwento.
Bukas, Nobyembre 16, Miyerkules, mag-o-open sa local cinemas ang Mahal Kita, Beksman ni Christian Bables, at ang horror movies na The Menu at Prey for the Devil.
Nobyembre 23 naman ang playdate ng An Inconvenient Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, animated film ng Disney na Strange World, Bones and All, at She Said.
Nobyembre 30 nakatakda ang theatrical release ng Violent Night, pati Triangle of Sadness na tampok si Dolly de Leon.
Disyembre 7 ang showing ng animated na Puss in Boots: The Last Wish at Call Me Papi. Disyembre 14 makikipagsalpukan ang launching film ni Jeric Gonzales na Broken Blooms sa inaabangang Avatar: The Way of Water.
“Balik Saya” ang tema ng 48th Metro Manila Film Festival mula Disyembre 25, 2022 hanggang Enero 7, 2023. Walong pelikula ang kalahok dito.
Naunang nai-announce ang Partners In Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi; Labyu With An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria; My Teacher nina Joey de Leon at Toni Gonzaga; at Nanahimik Ang Gabi nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo at Mon Confiado.
Ang apat pang official entries ng MMFF 2022 ay My Father, Myself nina Jake Cuenca, Sean de Guzman at Dimples Romana; Deleter ni Nadine Lustre; Mamasapano: Now It Can Be Told nina Edu Manzano, Aljur Abrenica at Paolo Gumabao; at Family Matters nina Noel Trinidad, Liza Lorena, Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon at Nikki Valdez.
NOEL FERRER:
On top of these titles, interesado rin ako sa mga magagandang pelikulang featured sa in10City, ang 10th edition ng QCinema International Film Festival mula Nobyembre 17 hanggang 26.
The festival features 58 films, including six short film production grantees, with seven sections of full-length films and three shorts programs.
Opening film ang Palme d’Or-winning class satire na Triangle of Sadness which stars Dolly de Leon. Closing film ang To The North na tinampukan ni Soliman Cruz.
Kabilang din sa QCinema 2022 ang huling pelikula nina Cherie Gil at Miguel Faustmann na Elehiya; ang 12 Weeks na nagpanalo kay Max Eigenmann bilang best actress ng Cinemalaya 2022; at ang Kapag Wala Nang Mga Alon na pinagbidahan ni John Lloyd Cruz sa direksyon ni Lav Diaz.
Ipapalabas din sa QCinema ang Nocebo na tampok si Chai Fonacier, at Itim nina Charo Santos at Tommy Abuel sa direksyon ni Mike de Leon.
Naka-line up din sa QCinema ang mga banyagang pelikula na She Said; Bones and All; In The Mood for Love; Nanny; Ajoomma; Plan 75; Return to Seoul; Autobiography; Arnold is A Model Student; Crimes of the Future; at Walk Up.
Ipapalabas din ang mga banyagang pelikula na I Have Electric Dreams; Holy Spider; Corsage; Close; Saint Omer; Utama; Next Sohee; The Ordinaries; Piaffe; Joyland; Angry Son; Stranger by the Lake; at marami pang iba.
Hybrid ang screenings… in-person at online. Ipapalabas ang mga pelikula sa Gateway, Trinoma, Powerplant, Cinema 76, at SM North EDSA.
PHP300 ang tiket sa bawat movie. Online screening, which is exclusive for QCShorts 2022, QCShorts 2021, and RainbowQC Shorts, will be in partnership with VivaMax and will be from November 22-26.
Ang tiket ay PHP299 sa bawa’t set ng short films.
Sana, tuluy-tuloy na ang pagkabuhay ng industriya ng pelikula na labis na nanahimik noong panahon ng pandemya!
