PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Avid AlDub fans still want Alden Richards-Maine Mendoza project

Alden Richards at Maine Mendoza, okay pa ba sa isa't isa?
by PEP Troika
Published Nov 4, 2022
alden richards maine mendoza abroad
Bagamat may kanya-kanya nang tinatahak na career at maging sa personal nilang buhay sina Alden Richards at Maine Mendoza, umaasa pa rin ang ilang avid AlDub fans na magsama muli ang dalawa sa isang proyekto.
PHOTO/S: @aldenrichards02 / @mainedcm on Instagram

GORGY RULA

Nakamamangha ang suporta ng ilang avid AlDub fans sa tambalang Alden Richards at Maine Mendoza.

Na-achieve nilang magpa-trending sa Twitter simula ng hatinggabi ng November 4, 2022, hanggang tanghali ng araw na ito.

Bale pang-604th na pa-trending na nila ang #BOYCOTTMZETxAPTxGMA604.

Matagal na nila itong itinu-tweet dahil sa panawagan nilang i-boycott ang GMA-7, APT, at MZet dahil walang planong projects ang mga ito na pagsasamahan nina Alden at Maine.

May kanya-kanya silang projects, at tila walang pinaplanong pagsamahin ang dalawa na binulabog entertainment industry noong 2015 dahil sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Kumakapit pa rin ang AlDub fanatics sa paniniwalang dapat pa ring pagsamahin sa isang project sina Alden at Maine.

Ito ay sa kabila ng nagdudumilat na katotohanang engaged na si Maine sa actor-politician na si Arjo Atayde, at may Start Up PH naman si Alden ka-partner si Bea Alonzo.

Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are engaged

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Alden Richards, "very proud" sa Start-Up PH; Bea Alonzo, may natutunan sa Kapuso actor

Pero teka, okay ba ang dalawa? Gagawin kaya nila ang isang project na pagsasamahan nila?

Mahirap magpanggap na sweet kayo, kung hindi naman talaga kayo okay.

Wala tayong magagawa kung todo pa rin ang suporta ng ilang fans sa AlDub loveteam, pero hindi kailangang magpa-trending na i-boycott ang GMA-7, APT, at MZet.

Nakaapekto kaya ito sa GMA, APT, at MZet?

May ibang grupo naman ng AlDub fans na sinusuportahan ang projects ng dalawa. Tanggap nilang may kani-kaniya nang tinatahak na career sina Alden at Maine, at hindi na kailangang magsama.

Siguro, tanggap naman nilang mahirap pang pagsamahin ang dalawa sa ngayon.

JERRY OLEA

Noong Oktubre 24 ang ikapitong anibersaryo ng benefit concert na Sa Tamang Panahon, na ginanap sa Philippine Arena. Doon unang nagtagpo sina Alden ay Yaya Divina Ursula Bokbokova Smash.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza tell each other: “God gave me you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahapon, Huwebes, ang kanilang 381st weeksary.

Nabuo ang kanilang tandem noong Hulyo 16, 2015 sa “Juan for All, All for Juan” segment… ang unang episode ng Kalyeserye.

Iyong Kapuso primetime series nilang Destined To Be Yours ay nagwakas noong Mayo 26, 2017.

Hindi phenomenal ang ratings niya, at maraming AlDub fans ang naghimutok na tinapos agad iyon.

May pralala ang ilang Kapuso executives na kesyo may follow-up project na pagbibidahan sina Alden at Maine. Iyon ba ang pinanghahawakan ng AlDub fanatics?

Ngayong 2022 ay masyadong abala si Alden kaya ewan kung kasama pa siya sa Dabarkads ng Eat Bulaga. Nasa noontime show si Maine pero ang Asia’s Multimedia Star…

Sa anibersaryo ng Eat Bulaga! noong Hulyo 30, waley si Alden. Noong araw ring iyon kasi ang GMA Thanksgiving Ball sa Shangri-La The Fort, BGC, Taguig City.

Kaso… si Maja Salvador, lagare sa tatlong ganap noong araw na iyon. Present si Maja sa anniversary celebration ng Eat Bulaga! sa Cainta, sa 70th FAMAS Awards sa Metropolitan Theater sa Manila, at dun nga sa makasaysayang GMA Thanksgiving Ball sa Taguig.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sakaling ikasal na si Maine kay Arjo Atayde, aasa pa rin kaya ang ibang AlDub fans na magtatambal muli sa pelikula o TV series sina Maine at Alden?

Sa tamang panahon!!!

NOEL FERRER

Naku, kahit ako ma’y maka-AlDub din... pero hindi naman ako ganun kapanatiko na pati personal na buhay ay panghihimasukan ko na at pati plano ng network at mga kompanyang nagtataguyod nito ay iboboykot ko na.

Kaninong kawalan iyon kung nagkataon?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagamat may kanya-kanya nang tinatahak na career at maging sa personal nilang buhay sina Alden Richards at Maine Mendoza, umaasa pa rin ang ilang avid AlDub fans na magsama muli ang dalawa sa isang proyekto.
PHOTO/S: @aldenrichards02 / @mainedcm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results