PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cosmo Manila contestants on joining bikini contests

"Pag nakikita nila, pag nagbi-bikini contest, bastusan na..."
by PEP Troika
Published Nov 3, 2022
cosmo manila king & queen contestants
The contestants of Cosmo Manila King & Queen 2022 in Halloween costumes.
PHOTO/S: Cosmo Manila

JERRY OLEA

Paseksihan ang mga kalahok ng Cosmo Manila 2022 bikini open sa Halloween party noong Oktubre 31, 2022, Lunes, sa Corte Ibiza, Morato Avenue, Quezon City.

Predominantly black ang sexy costumes ng finalists, na merong Spider-Man, Babaeng Gagamba, Maleficent Hunk, Dominatrix, at kung anu-ano pa.

Read: Mga kontesero at kontesera, nagbubunyi sa pagbabalik ng bikini contests

Itinanghal na Best in Halloween costume ang naka-police agent attire na sina Anita Gomez at Simon Abrenica.

Anita Gomez Simon Abrenica Cosmo Manila

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anita Gomez and Simon Abrenica

Tig-P15,000 ang cash prize nila para sa special award na iyan.

Pinay Barbie Doll ang peg ni Anita, na 19” ang waistline. Ultimate Himbo naman ang dating ni Simon.

Ang finals ng Cosmo Manila 2022 ay gaganapin sa Nobyembre 5, Sabado ng 7:00 p.m., sa Skydome ng SM North EDSA.

Sa kasaysayan ng local bikinilandia ay ito na yata ang pinakabongga ang mga papremyo, at pinakaginastusan.

Aba! Humigit-kumulang P1M ang inilaan ng producer na si Marc Cubales para pa lang sa stage, lighting and sound design sa finals, huh?! Kaya aligagang-aligaga sa preparations ang over-all director na si Bembem Espanto, at supervising producer na si Ms. Edz Galindez.

“Paparating na tayo sa exciting part! Lumpuhan at bardagulan sa Sabado night!” bulalas ng casting director na si Kagawad Leklek Tumalad.

Performers sa nasabing bikini open with a purpose sina Paul Salas, Kris Lawrence, SexBomb New Gen, at Batang Mama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hosts sina Michael Bristol, Joy Barcoma, at John Nite.

Ang tatanghaling Cosmo Manila 2022 King and Queen ay kapwa tatanggap ng P200,000 cash sa gabing iyon. Hindi OPM (Oh, Promise Me)!

Ang mga first runner-up ay tig-P40,000 cash. Ang mga second runner-up ay tig-P30,000 cash. Ang mga third runner-up ay tig-P20,000 cash. Ang mga fourth runner-up ay tig-P15,000.

Sa mediacon noong Oktubre 23 sa Le Reve events place, Quezon City, ang Darling of the Press na sina Nash Mendoza at Sahara Cruz ay kapwa wagi ng P20,000.

cosmo manila 2022

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nash Mendoza at Sahara Cruz

Ang Mr. & Ms. Photogenic na noong Setyembre 18 pa pinagbotohan ng handlers, agents, at production staff ay kapwa tatanggap ng P10,000 cash.

Kabilang pa sa special awards ng Cosmo Manila 2022 ay Mr. and Ms. Congeniality, People’s Choice, Viral King and Queen, JPP Model of the Year, Best in Candy Costume, Best in Personal Bikini, Production’s Choice, at marami pang iba.

Ang Cosmo Manila 2022 babes ay sina Jane Usison, Khat Gonzales, Claire Ramos, Sahara Cruz, Ver Johansson, Aya Valdez, Jannah Garcia, Milka Gonzales, Anita Gomez, Arianne Villareal, Jasmine Benigno Castro, Airah Graciela, Dimpol Ortega, Mae Burgos, Neah Cassandra Aguilar, Morena Carlos, at Deberly Bangcore.

Ang Cosmo Manila 2022 hunks ay sina Hawkin Madrid, Paul Jiggs Venturero, David Soledad, Christian Villarin, Nash Mendoza, Aaron Moreno, John Zafe, Simon Abrenica, Hanz Vergara, Jovy Angel, Ivan Bonifacio, Ronie Palermo, Curt del Rosario, RJ Absalud, at Allen Ong Molina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

cosmo manila king & queen contestants

NOEL FERRER

Pinaghalo ang veterans at newbies sa Cosmo Manila 2022.

Sa go-see pa lang ay andami nang nagpakitang-gilas sa kapangahasan, kabilang yung mga naging finalists ng Sexy Babe sa It’s Showtime, at yung may mga nagawang project sa Vivamax.

Sa unang photo shoot noong Setyembre 4 sa rooftop ng City Garden Grand Hotel sa Makati Avenue, Makati City ay may drone shots para sa teaser ng paligsahan. Naka-pin iyon sa Facebook page na Cosmo Manila King & Queen 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa nasabing Facebook page din ang coverage sa activities ng paligsahan, kabilang ang courtesy calls, mediacon at Halloween party.

Ayon sa producer na si Marc Cubales, iso-showcase ng palabas ang world-class na seksing katawan ng mga Pilipino.

Mensahe pa ni Marc sa talent agents and handlers ng palisahan, “Sama-sama tayo rito. The more na maging successful ang event natin, mag-level up tayo, pare-parehas tayong aangat.”

marc cubales riddler

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Marc din ang producer ng forthcoming film ni Direk Jay Altarejos na Finding Daddy Blake, kung saan bida si Carlos Dala at ang Cinemalaya 2022 best actor na si Tommy Alejandrino.

Nasa cast din ng pelikula sina Oliver Aquino, Gio Alvarez, Joyce Pilarsky, Marc Cubales, at ang Gawad Urian 2021 best supporting actress na si Dexter Doria.

Available ang tiket ng Cosmo Manila 2022 sa SM Tickets. Para sa mga detalye, makpag-alam sa cellphone numbers 09667088434 (Globe) o kaya 09602533903 (Smart).

Bahagi ng malilikom sa palabas ay nakalaan para sa Cosmo Foundation: Gintong Palad & Balikatan Foundation.

GORGY RULA

Ngayon pa lang nagbabalik ang ganitong patimpalak na sinasalihan ng mga professional na mga kontesero at kontesera sa local bikini world.

Ibang kuwento naman ito. Gusto nilang ipakita sa mga taong hindi lang ito pagandahan ng mukha at katawan, pakinisan ng balat, at patapangan sa pagrampa ng kapirasong tela lang ang suot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ito ng survival kung paano sila mabubuhay sa pagsali sa ganitong klaseng patimpalak.

Alam nilang iba na ang tingin sa kanila, pero dapat ay mas malaman daw ng mga tao na hindi ganun kadali ang pinagdadaanan nila. Kailangan nilang tiisin, kapalan ang mukha para mabuhay lang sila at maabot ang gusto nilang marating sa buhay.

Sabi nga ng isang sanay na sa pagsali sa mga bikini competition na si Khat Gonzales ng Pasig City, “Sa mga wala pong ideya sa bikini world, gusto ko lang pong iparating na huwag po sana tumingin lang po… pag sinabi kasi ng bikini, nakahubad, daring talaga.

“Hindi naman po nakikita lang sa ano, e, sa katawan lang. May ini-aim din po ang bawat sumasabak sa industriya namin.

“Kung ano po ang gusto nila. Especially po ako, sobrang laki po ng tulong ng bikini industry sa akin. Dahil ako po, nag-aaral po ako. So, ang source of income ko po, dito po nanggagaling sa bikini industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi lang po siya hubaran o labasan ng katawan. Meron din po itong naitutulong sa bawat isa po sa amin.

“Sa mga wala pong ideya, aralin po natin. Tingnan po natin bakit po nila ito ginagawa. Kasi hindi naman pag nasa entablado, kami po yun, e.

"Kasi sa likod po nun, may kanya-kanya po kaming story,” sabi pa ni Khat na nainterbyu namin sa DZRH noong Nobyembre 1, Martes ng gabi.

khat gonzales

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Khat Gonzales

Ang isa pang sanay na rin sa pagsali sa mga bikini competition na si Allen Ong Molina, malaki ang naitulong sa kanya at sa kanyang pamilya ang pagsali niya at pagpapanalo sa ganitong kumpetisyon.

Naitawid ni Allen ang pandemya dahil sa malaki-laki na ring naipon niya sa mga napanalunan niya sa mga bikini competition nung pre-pandemic.

Pero ang isa pang maipagmamalaki niya ay ang disiplina sa katawan. Malaking challenge din sa kanila na kailangang mapanatiling maayos at maganda ang pangangatawan, para sa mga susunod na sasalihang kumpetisyon.

Tuloy pa rin ang pagsali ni Allen dahil hindi siya nagpapabaya at napapanatiling healthy at maganda ang katawan.

allen ong molina

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ng tinaguriang Bikini King of the Philippines, “Para sa akin ang mga ganun, as long as may respeto ka sa sarili mo… para sa akin kasi, ang unang impression ng mga tao, ang bastos na parang nagbebenta ka lang ng katawan mo. Dapat hindi ganun.

“Ang hirap po kasing ipaintindi. Kasi, ang mga tao may sari-sariling iniisip na, e. Pag nakikita nila, pag nagbi-bikini contest, bastusan na. Alam nila parang… basta marami pang word na mas bastos sinasabi.

“Sa aming mga model, kung makikilala lang nila kami na sumasali sa ganitong bikini industry, hindi nila alam na kami inaalagaan namin ang katawan namin para ma-maintain namin na ganito. Kaya hindi kami kailangan magpabaya.

“Dito kasi ang ipinapakita mo dito, kung sino ka, na nakikita nila na healthy ka.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The contestants of Cosmo Manila King & Queen 2022 in Halloween costumes.
PHOTO/S: Cosmo Manila
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results