PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derrick Monasterio Elle Villalnueva no label relationship

Derrick at Elle, kumportable sa "no label" relationship
by PEP Troika
Published Oct 29, 2022
Derrick Monasterio
Elle Villanueva
Ayon kay Derrick Monasterio, more than friends daw ang turingan nila ng kanyang Return to Paradise love team partner na si Elle Villanueva. Aniya, "More than friends, I say. Sobrang special talaga sa akin si Elle, e. Pero yung relationship kasi namin wala kaming label na ganito kami. Pero yung napi-feel namin towards each other, at least, ako love ko talaga siya. (Photo credit: GMA)

GORGY RULA

Hindi raw pang-showbiz at hindi raw promo sa Return to Paradise ang closeness ng dalawang bidang sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Thankful si Derrick na si Elle ang naka-loveteam niya sa Kapuso afternoon drama series na ito na nasa last week na.

Kaagad daw silang nagkapalagayan ng loob at sobrang close daw nilang dalawa na kilalang-kilala na nila ang isa’t isa.

Pahayag ni Derrick sa nakaraang farewell mediacon ng Return to Paradise, “Kahit papaano, marami akong alam sa personal life niya. Parang minsan kahit wala sa script yung mga lines, sinasabi ko para ma-trigger ko siya, para gumana sa kanya.

“'Tapos, marami rin siyang alam sa buhay ko, gaganti din na kami lang ang dalawang nakakaalam. Hindi alam ng director na may nangyayaring personalan. May process kami kumbaga.”

Hindi pa sila magkasintahan pero sobrang kumportable na nila sa isa’t isa na madalas ay nakayakap si Derrick kay Elle, at nag-a-‘I love you’ sila sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganun lang talaga kami ka-close na parang kami talaga. Kasi comfy talaga kami sa isa’t isa. Hindi kami naiilang kahit saan kami hawakan sa isa’t isa, like true friends

“Malambing din kasi akong tao. Sobrang touchy kong tao, like yayakapin ko lang parati, mga ganun. Gusto ko lang siyang lambingin, habang naghihintay ng take, ganyan.

“More than friends, I say. Sobrang special talaga sa akin si Elle, e. Pero yung relationship kasi namin wala kaming label na ganito kami. Pero yung napi-feel namin towards each other, at least, ako love ko talaga siya.

“At lagi ko namang sinasabi sa kanya like randomly sabihin ko sa kanya ‘love you’ ganyan, kasi love ko talaga siya.

“Nagla-love you din siya sa akin. Hindi naman ibig sabihin na boyfriend-girlfriend kayo,” sabi pa ni Derrick.

Okay na raw muna sa ngayon ang ganung pagtitinginan dahil mas pina-prioritize daw muna nila ang kanilang career.

Ang hiling lang ni Elle, sana huwag lang daw siyang lokohin ni Derrick, dahil totoo naman ang ipinapakita niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung una, nagugulat ako kasi sobrang open ni Derrick sa akin. Sobrang appreciative niya sa akin. Na-overwhelm ako nung una. Na-appreciate ko siya, kasi he’s just super gentlemanly with me.

“All I ever asked from him is to be transparent and huwag ako lolokohin o bobolahin. Basta everything, sa work, sa personal life, kung ano mang pambobola na ginagawa niya, basta huwag ako.

“Sabi ko, just be genuine with me and then we’re gonna have very harmonious relationship,”pahayag ni Elle.

NOEL FERRER

Sabi naman ni Derrick, ayaw daw muna niyang magmadali sa ngayon dahil kabi-break lang niya sa dating girlfriend, at ayaw raw niyang gawing rebound si Elle.

“Kung bibigyan ako ng chance. Pag ready na kaming dalawa. Kabi-break ko lang din naman e, several months ago. So siyempre alam mo yun… parang gusto ko muna ng time sa sarili ko rin, saka gusto ko lang din mag-focus sa work.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Luckily, siya yung ka loveteam ko,” saad ni Derrick.

“Sobrang naging okay ang relationship namin ngayon. Hindi naman namin hinahanap yung boyfriend-girlfriend. But yun nga sabi namin, we’re not closing any doors,” sabi naman ni Elle.

Sana, nakatulong talaga ang closeness nilang dalawa para mapagbuti pa ang kanilang pag-arte dahil lagi na lang may comment na tinimbang sila ngunit kulang sa acting department.

Sana kahit papaano nag-improve na at passing grades na ang ibibigay na marka ng mga manonood sa acting nina Derrick at Elle dito sa Return to Paradise.

JERRY OLEA

Kung ukol, bubukol. Sa tamang panahon, matatanto nina Derrick at Elle kung paraiso ba ang hahantungan ng kung ano man ang meron sila ngayon.

Balak daw nina Derrick at Elle na magbakasyon sa Siargao. Na-enjoy kasi nilang dalawa ang taping sa isang beach resort sa Quezon. Kaya gusto rin daw nilang ma-experience ang mag-beach pero sa ibang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang usapan kasi namin, parang gusto naming mag-Siargao, e. Ina-eye namin. Gusto namin mag-beach,” sabi ni Derrick.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Derrick Monasterio, more than friends daw ang turingan nila ng kanyang Return to Paradise love team partner na si Elle Villanueva. Aniya, "More than friends, I say. Sobrang special talaga sa akin si Elle, e. Pero yung relationship kasi namin wala kaming label na ganito kami. Pero yung napi-feel namin towards each other, at least, ako love ko talaga siya. (Photo credit: GMA)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results