GORGY RULA
Parang taga-Ormoc na rin si Joross Gamboa dahil tuwing may malaking event ang naturang lungsod, kasama ang magaling na aktor basta available siya.
Kasama si Joross sa stars na naglaro sa Celebrity All-Star Basketball na ginanap sa Ormoc City Superdome nung Oktubre 17, 2022, Lunes ng gabi.

Read: Mayor Lucy at Congressman Goma, bongga ang mga pasabog sa 75th charter anniversary ng Ormoc City
Bago nagsimula ang laro, nakatsikahan namin si Joross at nabanggit niyang two days na lang at matatapos na ang pelikula nila ni Paolo Contis na Pangarap Kong Oscars.
Bilib si Joross kay Paolo na kaagad niyang nakasundo sa shooting.
“Magaling si Paolo. Kasi kaya niya rin mag-comedy saka mag-drama, e… anytime siyang mag-switch ng ganun,” bulalas ng magaling na aktor.
Sinundan siya namin ng tanong kung nagkasapawan ba sila ni Paolo sa ilang eksena.
“Hindi. Dahil ang bida ay ang pelikula,” napapangiting sagot ni Joross.
Tinanong din ng PEP Troika si Paolo kung paano sila nagbibigayan ni Joross sa mga eksena na hindi magkakaroon ng sapawan.
Aniya, “Walang sapawan na nangyari. Actually, puro bigayan at batuhan ng ideas kami ni Joross.
“He was very giving and very professional.”
NOEL FERRER
Excited din si Joross sa MMFF 2022 movie nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria na Labyu With An Accent, kung saan kasama rin siya cas.
Hindi lang siya kasama sa mga eksenang kinukunan ngayon sa Amerika. Dito raw sa Maynila ang mga eksena niya.
My pagkamaharot daw ang mga eksena nila ni Coco.
Kuwento ni Joross, “Kami yung dito sa ano… mga gigolo kami, mga agogo dancer.
"Nakakatuwa naman na, kumbaga, parang Probinsyano pa rin, e, same group. Nakakatuwa.”
Interesting ang ginawa nila ni Coco para sa pelikulang ito. At okey rin ang pelikula nila ni Paolo.
Maganda rin ang pagtanggap sa comedy series nila ni Roxanne Guinoo na Hoy, Love You! Season 2 sa TV, at Season 3 na sa iWantTFC, excited din ako sa gagawin project ni Joross na may pagka-long term.
Abangan!
JERRY OLEA
Very giving si Joross sa basketball game sa Ormoc City Superdome, huh?!
Magiliw siyang nagpalitrato sa fans, ganundin sina Gab Lagman, Paul Salas, Marco Alcaraz, at JC de Vera.
Give na give at napaka-professional din ni Joross sa mga eksena nila nina Coco at Zeus Collis sa pelikulang Labyu With An Accent na kinunan noong Setyembre sa The One 690 Entertainment Bar sa Roces Ave., Quezon City.
Magiliw ring nagpa-picture sina Joross at Coco sa 690 Hunks base sa Facebook posts ng mga kaibigang Wilbert Tolentino at Frankendal Fabroa.
Matpid sa costume si Joross bilang agogo hunk!
November 5 nakatakdang mag-resume sila ng shooting sa 690. Kasama rin sa eksena ang bidang babae na si Jodi Sta. Maria.
Naka-close ni Joross sina Mayor Lucy and Congressman Goma nang magsyuting siya ng pelikulang Three Words to Forever sa Ormoc.
Kumusta ang reunion nila sa Ormoc kaugnay sa pagdiriwang ng 75th Charter Anniversary ng lungsod?
Pagbibiro ni Joross, “Ay! Mukhang magpapa-rebook ako ng flight. Kasi, aampunin nila ako rito for three months!
“Suki tayo dito sa Ormoc. Love natin ang Ormoc!”
