PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ice Seguerra successful 35th anniversary concert

Parehong nakakatawa at nakakaiyak ang duet nina Ice at Vic Sotto.
by PEP Troika
Published Oct 16, 2022
Ice Seguerra during ingress for his concert. Right: A scene from Becoming Ice concert.
Ipinagdiwang ni Ice Seguerra (kaliwa) ang kanyang 35th anniversary sa showbiz sa pamamagitan ng isang concert, ang Becoming Ice. Kasama ni Ice sa concert ang kanyang mga mahal sa buhay (nasa larawan sa kanan) at mga taong naging bahagi ng kanyang career.
PHOTO/S: @iceseguerra Instagram / Gorgy Rula

JERRY OLEA

Tigmak ng luha si Ice Seguerra sa 35th anniversary concert niyang Becoming Ice nitong Oktubre 15, 2022, gabi ng Sabado sa The Theater at Solaire, Parañaque City.

Sa last stretch ng concert, nagpugay si Ice sa kanyang Daddy Dick.

Ipinakita sa LED screen ang mga huling araw ng kanyang ama bago ito pumanaw noong Nobyembre 2020.

Kapagkuwan ay pinapunta ni Ice sa entablado ang mga pinakamamahal niya sa buhay.

Ang mga ito ay ang ina niyang si Mommy Caring, ang brother na si Juanchi, ang daughter na si Amara, at wife na si “Liza All Access” (Liza Diño).

Liza Dino, Ice Seguerra, Amara, Mommy Caring, and Juanchi on the stage at the Becoming Ice concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumagaralgal na sabi ni Ice, “Kanina I brought people in. They’ve been my inspiration in this business, in the industry. My influences.

“But please allow me this moment to bring in… bakit sinunud-sunod ko ito, putragis?!” lumuluhang himutok ni Ice na siya ring direktor ng concert.

“Bring in people… really, really… I truly love. They’re the most important people in my life.

“And you’ve met my dad, he’s right there beside you now,” pagbibiro pa ni Ice bago nagpatuloy.

“And now I want you to meet my mother, and my brother. O, walang iyakan, ha, pucha! Guys, palakpakan nyo po ang nanay ko.

“Upo kayo, guys. Gusto mong humiga?” tanong ni Ice sa ina. “Gusto mong dumapa? Tumuwad? Ma, feel free!”

Ice Seguerra with Mommy Caring and brother Juanchi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang gabing iyon ay pagdiriwang din daw ng 35th anniversary ni Mommy Caring bilang stage mother.

“Iyakin na siya ngayon pero nung bata ako, mataray yan, e! Taas ng kilay niyan parati, hanggang ngayon naman,” kuwento ni Ice tungkol sa ina.

Sabi pa ni Ice kay Mommy Caring, “I wanna thank you because you pushed me. For believing in me even though there are many times that I didn’t believe in myself.

“Thank you, mommy. And bro, I love you! You’ve been my rock. You supported me.”

Dahil hilam na sa luha ang mga mata ni Ice, nagsabi siya sa banda, “Guys, mag-Bonggahan nga muna tayo. Mag-break nga muna tayo.”

Humataw pasumandali si Ice, “Panahon na para magsaya! Forget mo na ang problema! Whooo! Pa-dance-dance para sumigla! Rock en roll hanggang umaga!

“Wa ko type ang magpa-cry-cry! Type ko ay todo bigay! Kaya join na lang kayo! Let’s all have a good time!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“OK! I feel better now,” sambit ni Ice, saka kinantahan si Mommy Caring ng "Sa Ugoy ng Duyan."

Pagtatapat ni Mommy Caring, iyak nang iyak siya sa concert dahil kinanta ni Ice ang mga paborito niyang kanta.

Tinawag kapagkuwan ni Ice ang kanyang mag-ina, sina Amara at Liza.

“This is my beautiful family. I’m blessed and it makes me so happy that they’re here. Magkakasama kami ngayon dito,” emosyonal na lahad ni Ice.

“Alam ko, hindi sila kakanta. But the mere fact that they’re here with me means so much.”

Sabi ni Ice, nag-uumapaw ang love sa kanyang puso nang mga sandaling iyon.

Pagkakanta, ang sabi ni Ice, “This will never happen if it weren’t for these people…

“Ang sarap ng pakiramdam because we’re celebrating family here.”

Tinawag din ni Ice sa entablado ang maituturing niyang second mom na si Sylvia Sanchez para makumpleto ang kanyang pamilya.

Nag-duet sila ng "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga panauhin sa Becoming Ice sina Vic Sotto, Martin Nievera, Regine Velasquez, Chito Miranda, Juris, Sitti, Princess Velasco, Cooky Chua, Bayang Barrios, at Lolita Carbon.

May special participation si Gary Valenciano, at nagpasiklab din ang Drag Queens na sina Precious Paula Nicole, Eva Le Queen, Brigiding, Turing, Viñas de Luxe, at Marina Summers.

GORGY RULA

Sabi nga ni Ice, minsan lang ito mangyari na mag-celebrate ng kanyang 35th anniversary sa entertainment industry, kaya pagbigyan na raw siya.

Tinodo na niya lahat na kung saan nakasama ang ilang mga taong naging bahagi sa kanyang journey mula noong child superstar siya, hanggang sa ngayon na isa na ring director.

Mahigit tatlo’t kalahating oras ang concert, pero hindi umalis ang karamihan. Talagang hinintay ang finale niyang "Pagdating ng Panahon," pero hindi pa pala natapos dun.

Tinuluy-tuloy pa rin niya ang pagkanta, at nagsayawan na ang iba.

Touching ang participation ni Vic Sotto na isa sa itinuturing na tatay-tatayan ni Ice sa Eat Bulaga at Okay Ka, Fairy Ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Huwag kang iiyak! Huwag kang iiyak! Pag umiyak ka, papaluin kita!” pagbibiro ni Bossing Vic kay Ice.

“May tanong lang ako. Pag kumanta ba tayo, kakandungin kita?”

Sabi ni Ice, huwag na at baka hindi kayanin ng tuhod ni Bossing Vic.

Medyo emotional na si Ice nang kinanta nila ni Bossing Vic ang "Somewhere Out There."

Pagkatapos ng kanilang duet, ang tanong ni Ice sa tatay-tatayan, “Naiiyak ka?”

Tugon ni Bossing Vic, “Hindi! Ako pa?! Ice, thank you. Ako, I’m very proud of you. Very, very proud.

“Dahil alam mo, tuwing napapanood kita, nakikita kita, yung puso ko sinasabi, ‘Bata ko yan!’”

Sambot ni Ice, “Masarap maging bata mo.”

Natawa si Bossing Vic, “Itanong mo kay Pauleen!”

Kasama ni Bossing Vic sa concert ang asawang si Pauleen Luna na nakaka-text ko habang nagpi-perform ang dalawa.

Naiiyak na raw si Pauleen, habang kumukuha siya ng video. Ipinost ito ni Pauleen sa kanyang Instagram account ngayong Linggo, October 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng mahaba niyang caption, “Growing up, I watched you and Vic be a tandem on screen but what people don’t know is the relationship you have when no one is watching.

“Sabi mo nga last night, father and son. As you know, Vic isn’t the most ma-PR person in the world and that makes you more special cos I see how he values you and treats you like his own. He loves you so much and I am so blessed to witness it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa most applauded ang duet nina Ice at Regine Velasquez. Pero gusto ko rin ang Broadway medley nila ni Martin Nievera na may lifting pa, pati na ang folk songs niya kasama ang Tres Marias na sina Cooky Chua, Bayang Barrios at Lolita Carbon.

Congratulations kay Ice at sa Fire and Ice Media, Productions, Inc. nila ni Liza Diño.

Ang isa pa sa nakakaaliw sa concert ay ang panay pahid ni Ice ng Katinko sa ulo niya.

Hindi dahil sa major sponsor nila, kundi sa dami ng ginawa niya at sa haba ng show, mapapa-Katinko ka naman talaga!

NOEL FERRER

Congratulations kay Ice Seguerra sa kanyang successful 35th anniversary concert na Becoming Ice sa Solaire, at congrats din kay Jonathan Manalo sa kanyang successful ding concert na Mr Music sa Newport One Resorts naman.

Parehong puno ng guests ng mga nakasama nila sa trabaho ang kani-kanyang concert, at parehong nagkuwento ng kanyang musical journey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sino kaya ang mas tinao at kumita sa dalawang magkasabay na show?

Trivia, parehong guest si Gary Valenciano sa concert nina Ice at Jonathan—at parehong naka-video dahil nasa US Concert Tour pa si Mr Pure Energy.

Muli, sana’y maging hudyat na ito ng pagbabalik-sigla ng local concert scene!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinagdiwang ni Ice Seguerra (kaliwa) ang kanyang 35th anniversary sa showbiz sa pamamagitan ng isang concert, ang Becoming Ice. Kasama ni Ice sa concert ang kanyang mga mahal sa buhay (nasa larawan sa kanan) at mga taong naging bahagi ng kanyang career.
PHOTO/S: @iceseguerra Instagram / Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results