PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind item: Magandang aktres, hindi totoong nagmahadera sa event

Ang magandang aktres daw talaga ang pam-finale sa event.
by PEP Troika
Published Oct 10, 2022
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

“There are three sides to every story: your side, my side, and the truth. And no one is lying. Memories shared serve each differently.”

Sabi iyan ng American film producer na si Robert Evans sa libro niyang The Kid Stays in the Picture (1994).

Sumagi sa akin ang quotation na iyan kaugnay sa isang event last Friday sa probinsiya, kung saan ang beautiful actress ang finale sa programa sa halip na ang guwapong aktor.

Ipinagdiinan ng organizer na hindi kasalanan ng beautiful actress ang nangyari.

“Hindi siya nagmahadera. Hindi siya nag-attitude!” paglilinaw ng organizer na tumawag sa aming cellphone ngayong Oktubre 10, 2022, Lunes ng hapon.

“Pareho ng call time ang beautiful actress at guwapong aktor, at pareho silang dumating sa oras.

“Sa line-up ng performers ay ang beautiful actress talaga ang finale. Kasi, iyong mayor namin ay masugid na tagasubaybay sa network na bahagi ang beautiful actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakiusap ang handler ng guwapong aktor na isalang agad ang kanyang alaga dahil maaga ang call time nito kinabukasan para sa guesting sa isang TV show, at may mall show pa siya sa hapon.

“Gusto nga ng handler na mauna na si guwapong aktor bago pa ang isang mahusay na banda.”

Siyempre, hindi naman puwede iyon. Kaya napagkasunduan na pagkatapos mag-perform ng mahusay na banda, saka sasampa sa stage si guwapong aktor.

Dagdag pa ng organizer, “Pagkatapos ni guwapong aktor, hindi nag-alisan ang mga tao. Mainit din ang pagtanggap nila kay beautiful actress.”

NOEL FERRER

Nilinaw ng organizer ang isyung ito alang-alang din sa mayor ng kanilang bayan.

“Nakakahiya po na madamay sa isyu si Mayor at ang pamilya niya,” sabi pa ng organizer.

“Parehong sinuportahan at inabangan ng mga tao si beautiful actress at guwapong aktor. Pareho silang walang ere, at magiliw sa mga tao!”

GORGY RULA

May kaibigan akong sikat at magaling na aktres na takot kapag makakasabay niya sa ilang event ang ilang artistang sikat sa kanilang panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanggap kasi niya na pana-panahon talaga ang showbiz. Kung sino ang mas sikat ngayon, tanggap ni aktres na kahit iginagalang siya at sikat pa ring aktres, merong mga artistang pam-fans.

Kaya kapag may kasabay siyang ganitong tipo ng artista, ayaw niyang maging finale kahit siya ang gusto ng organizer bilang paggalang sa kanyang kalagayan.

Ayaw niya kasing sumusunod siya sa artistang tinitilian at pinagkakaguluhan. Pagdating sa kanya hindi na kasinlakas ng artistang sinusundan niya.

Kaya wala sa kanya kung sino ang pam-finale at pang-opening. Ang mahalaga rito ay kung ano ang talentong naiambag mo sa entertainment industry.

Kaya sa totoo lang, parang ka-cheapan na itong isyung ito nina guwapong aktor at beautiful actress. Bakit nga ba natin pinatulan?!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results