PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy Abunda, magkaka-show sa GMA-7? 

Boy Abunda, dumalo sa event ng Filipino community kasama si Harnaaz Sandhu.
by PEP Troika
Published Oct 10, 2022
Boy Abunda, Bong Quinta, and Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu
TV host Boy Abunda (right) may photo-op moment kasama ang partner na si Bong Quintana (left) at Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu (center) sa isang event ng Filipino community sa New York.

JERRY OLEA

Pinangunahan ni Tito Boy Abunda ang pagbibigay-pugay sa tatlong natatanging babae noong September 23, 2022 sa Players NYC sa Gramercy Park, New York City, USA.

Tampok sa event si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu at ang Fil-Am businesswomen na sina Loida Nicolas Lewis at Olivia Quido-Co.

Ang event ay inorganisa ng Friends of the Philippines Society USA Incorporated (FPHSUSA Inc), at dinaluhan ng ating mga kababayan mula sa tri-state area (New York, New Jersey, at Connecticut), supporters at allies ng Filipino community, executives mula sa Miss Universe Organization, mga negosyante at iba pa.

Sumentro sa women empowerment ang usapan. Ibinahagi ni Asia’s King of Talk Boy Abunda ang ilang natatanging kuwento ng kasaysayan sa Amerika.

Hindi naging madali ang daan para sa mga kababaihan para mabigyan ng mga karapatang hindi nila natatamasa noon gaya ng right to vote.

Sa loob ng mahigit isang oras, makulay ang pagbabahagi ng tatlong bisita ng kanilang mga kuwento ng tagumpay, adhikain, at pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyang-halaga ng Los Angeles-based CEO ng O Skin Care na si Olivia Quido-Co ang paggabay ng kanyang mga magulang at salita ng Diyos sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo sa Amerika, South America, at iba pang bansa.

Sa pagtatapos ng programa, ginawaran ng Asian American Minority Business Excellence Award si Quido-Co.

Ayon sa event organizers na sina Jerry Sibal at Edwin Josue, “FPHSUSA Inc has bestowed an award to Olivia Quido-Co for her breakthrough success in the mainstream USA with her skin care line as endorsed by the Miss Universe Organization.”

Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, Loida Nicolas Lewis, Olivia Quido-Co and Boy Abunda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Bago umalis si Kuya Boy papuntang Amerika, binanggit niya sa press launch ng Rana Pharmaceuticals noong Agosto 27 sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City na pagbalik niya galing sa mga commitment niya sa New York, pag-uusapan na ang tungkol sa TV program niya sa GMA-7.

May narinig kasi kaming may show nang inaayos sa Kapuso Network, pero wala pa rin munang masasabi si Kuya Boy sa ngayon.

Mas mabuting hintayin na lang ang announcement ng GMA-7 kapag na-finalize na ang lahat.

Curious lang kami kung ibabalik ba niya ang showbiz talk show sa Entertainment TV o meron pa siyang isa ring show sa GMA News and Public Affairs.

NOEL FERRER

Exciting ang mga kaganapan sa local TV landscape.

Noong Setyembre 13 ay nag-umpisa na ang ALLTV, ang bagong Channel 2, kung saan nag-host pa si Boy sa isa nilang event.

Sabi ni Boy sa mediacon noon ng Rana Pharmaceuticals, “The players? The more, the merrier… para mas maraming pamimilian. Mas maraming choices ang manonood.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“That should be exciting lalo na ngayon na katapat na ng telebisyon ang socials.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV host Boy Abunda (right) may photo-op moment kasama ang partner na si Bong Quintana (left) at Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu (center) sa isang event ng Filipino community sa New York.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results