PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ice Seguerra on fighting for rights of LGBT couples

"Para sa akin, whether it’s same-sex union, civil union, semantics na lang yun."
by PEP Troika
Published Oct 4, 2022
Ice Seguerra and wife Liza Dino
Ice Seguerra on importance of lawmakers creating rights that would protect LGBT couples like him and wife Liza Diño: "Meron kaming joint account. Pero ang pinakaimportante talaga na magawan ng paraan is the house... Eto na lang. Suwerte rin kami, kasi okay kami sa family. Walang problema. But of course, it’s not about us. But, of course, it’s all about every Filipino.”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA:

Magkaiba ng istilo sa trabaho ang mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño pero nagkakasundo sila.

Ito ang isa sa na-realize ni Ice nang binuo nilang mag-asawa ang Fire and Ice Media and Productions, Inc.

Ang concert ni Ice na Becoming Ice ang first production nila, at dito napabilib si Ice kung gaano ka-organized si Liza pagdating sa pag-aayos mula sa konsepto ng show, hanggang sa marketing nito.

"Siya talaga, very organized. Meron pa siyang mga app na dina-download para sa organization. Ako naman, Diyos ko, kabaligtaran," bulalas ni Ice nang nakatsikahan namin sa DZRH nung Lunes, October 3, 2022.

"Ako kasi, nasa utak ko lang lahat, tapos I write it down. Ang maganda naman kay Liza, talagang dapat nakikita niya. Kasi, very visual siyang tao.

"Dapat ito yung one, ito yung two, ito yung three ganyan, which is very good for a production. Sobrang na-appreciate ko," dagdag niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ice Seguerra

Si Ice ang madalas na nakakaisip ng magagandang ideas, pero may ambag din daw si Liza pagdating sa creative.

"Ang galing din kasi si Liza, grabe siya mag-visioning. So, nakikita niya yung vision, ako naman nakikita ko na, 'Ah, okay,' kung papaano ko ma-execute yung vision na yun.

"So, nakakatuwa lang kasi, we worked well together," saad ng singer-songwriter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa October 15 na ang Becoming Ice na concert ni Ice sa The Theatre at Solaire. Bale selebrasyon ito ni Ice ng kanyang 35th anniversary sa showbiz at ang kanyang 39th birthday.

Ibabahagi raw niya rito ang buong kuwento ng buhay niya, ang lahat ng pinagdaanan niya hanggang sa naging Ice Seguerra na siya.

"Madami ring pinagdaanan, e. Parang these things are nice to talk about. Maganda siya to talk about and I think, marami ring maka-appreciate. That’s why it’s Becoming Ice, it’s my journey,” pakli ni Ice Seguerra.

NOEL FERRER:

Ito naman ang pananaw ni Ice tungkol sa ipinanukalang civil union rights sa mga LGBTQIA+ couple.

Sabi ni Ice, kahit ano man ang tawag dun, kailangang mabigyan daw ng patas na karapatan ang mga mag-asawang LGBTQIA na kagaya nila ni Liza.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"As long as there is a law that protects families and couples na LGBT, kahit ano pang itawag niyo diyan, wala akong paki.

"Ang importante ang proteksyon na nakapaloob dito. So, that’s what we need to look out for. Kung ano yung nasa loob ng panukalang batas na ito.

"For civil union, I think I remember when they had that conversation sa House, I was still in the government. I was invited.

"I think the most important ones naman were covered. Like property, of course, yung ma-recogize kami as partners, adoption, tapos yung right ng ano in terms of taxes.

"Sa hospital, kapag na-hospital ako, si Liza ang may karapatan to decide for me. Those things. Iyun yung mga major things that matter, e.

"Para sa akin, whether it’s same-sex union, civil union, semantics na lang yun. I don’t really care. As long as there is a protection for LGBT families, kahit ano pang itawag mo diyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masuwerte lang daw sila ni Liza dahil nandiyan ang suporta ng pamilya na kung sakaling may mangyari, hindi madedehado ang kung sino man ang maiwan sa kanila ni Liza.

"Meron kaming joint account. Pero ang pinakaimportante talaga na magawan ng paraan is the house.

"Coz we bought the house kung saan kami nakatira ngayon. Pero hindi namin puwede ipangalan sa amin pareho. So that’s the issue.

"Kaya nga kailangan may ganitong klaseng batas para maprotektahan si Liza.

"Eto na lang. Suwerte rin kami, kasi okay kami sa family. Walang problema. But of course, it’s not about us. But, of course, it’s all about every Filipino.”

Good luck kay Ice sa kanyang Becoming Ice, 35th Anniversary Concert.

JERRY OLEA:

Gaganapin ang Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert sa Oktubre 15, Sabado ng 8:00 p.m., sa The Theater at Solaire.

Susundan ng milestone event na ito ang 10-year hiatus ni Ice sa major concert stage matapos ipagdiwang ni Ice ang kanyang ika-25 na anibersaryo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobra akong excited na mag-major solo concert ulit after ten years. Miss na miss ko ang energy, ang emotions, and ang mga tao na nakaka-appreciate sa experience ng isang live event,” lahad ni Ice.

"Becoming Ice is very personal to me because this is the first time that I'm going to do a major concert as Ice Seguerra. At masaya ako na maibabahagi ko ang 35-year journey ko sa aking mga fans."

Ang mga tiket sa Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert ay mabibili sa TicketWorld. Ang mga presyo nito ay PHP7,200 para sa SSVIP; PHP6,100 para sa SVIP; PHP5,000 para sa VIP; PHP4,650 para sa Gold; PHP3,350 para sa Lower Box; at PHP2,250 para sa Upper Box seats.

Ang “Meet and Greet Package” para sa SSVIP tickets ay may eksklusibong meet and greet at merchandise item, habang ang SVIP at VIP tickets ay mayroong eksklusibong merchandise item.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ice Seguerra on importance of lawmakers creating rights that would protect LGBT couples like him and wife Liza Diño: "Meron kaming joint account. Pero ang pinakaimportante talaga na magawan ng paraan is the house... Eto na lang. Suwerte rin kami, kasi okay kami sa family. Walang problema. But of course, it’s not about us. But, of course, it’s all about every Filipino.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results