GORGY RULA:
Sa darating na weekend ay matatapos na ang Flower of Evil nina Lovi Poe at Piolo Pascual. Matindi na ang drama at action scenes nung nakaraang Sabado at Linggo, at isa sa kapansin-pansin ay ang action scenes ni Lovi.
Pinatunayan ng 33-anyos na aktres na hindi lang siya pandrama, kundi kaya rin niyang mag-action.
Wala akong na-miss sa mga episodes nito at isa sa tinutukan ko ay si Lovi. Kasi, ang daming demands nitong role na ginagampanan niya bilang police investigator na si Iris Castillo-del Rosario.
Nakikitang pinag-aralan ni Lovi itong role na ipinagkatiwala sa kanya dahil nakukuha niya ang kilos ng isang pulis na dumaan sa matinding training. Makikita mo sa mga kilos niya lalo na sa pagtakbo na alam mong hindi basta tumatakbo lang.
Maliit lang siyang babae, payat, pero convincing sa mga kilos niya na kaya niyang makipaglaban sa lalaki.
“At least for the duration of this series, I fulfilled my dream of being an Action Queen,” sagot ni Lovi na ipinadala sa amin ng management niya.
Kaya raw sa set at kahit iyung mga nakapanood sa kanya, sinasabing tama ngang anak siya ni Da King FPJ. Kaya tinatawag na siyang si LPJ o ang Da Queen.
Malaking bagay ang mga kasamahan niya sa series dahil pawang magagaling dito sina Piolo, Joross Gamboa, Paulo Avelino, pati ang iba pang co-actors na sina Joem Bascon, JC de Vera, Edu Manzano, at Agot Isidro.
Kaya nga nai-deliver nang maayos ni Lovi ang dapat gampanan sa Pinoy adaptation na ito ng K drama na Flower of Evil.
“I loved working with all my co-actors in the show because they were extremely dedicated to the project.
“Piolo, my leading man, was very supportive and encouraging, and so were Paulo Avelino, JC de Vera and the rest of the cast,” dagdag na pahayag ni Lovi.
“I was blessed that I got to work with Lovi Poe na napakagaling,” sabi naman ni Piolo.
Malaking challenge kay Lovi kapag nabibigyan siya ng project na bago sa kanya.
- Is Lovi Poe ready to leave her showbiz career to settle down?
- Lovi Poe grateful to work with her "mahal" Piolo Pascual in "Flower of Evil"
- Netizens atwitter over snapshots of Francine Diaz, Lovi Poe with Kim Soo Hyun
NOEL FERRER:
After nitong Flower Of Evil, ibang Lovi naman ang next mapapanood natin—the musical side of her sa ASAP Natin ‘To Las Vegas.
Dito at least, maipapakilala na niya ang sarili niya personally sa TFC viewers. Abang-abang tayo sa susunod niyang gagawin sa Kapamilya Channel.
JERRY OLEA:
Bago pa mag-Oktubre ay ibinabando na ng mga Kapamilya ang ASAP Natin ‘To Las Vegas na gaganapin sa Nobyembre 5, Sabado ng 5:00 p.m. sa Orleans Arena ng Las Vegas, Nevada, USA.
Maliban kay Lovi, magpapakitang-gilas sa nasabing The Entertainment Capital Invasion sina AC Bonifacio, Belle Mariano, BGYO, BINI, Darren Espanto, Donny Pangilinan, Gary Valenciano, Iñigo Pascual, Jane de Leon, at Janella Salvador.
Magpapasiklab din sina Kiana V, Kim Chiu, Kyle Echarri, KZ Tandingan, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Zsa Zsa Padilla.
Special guests sina Bamboo, EZ Mil, Jim Brickman, at Sharon Cuneta.
Tampok din sina Bailey May, Balrok, Cheesa Laureta, Dessa, Francisco Martin, Jessica Sanchez, Rizza Navales, Vaughn Mugol, Deedee Magno Hall, Jet Flores, at Red Concepcion.
Ang halaga ng tiket ay $350, $250, $160, $130, $85 at $55, taxes and fees excluded.
