JERRY OLEA
Piping saksi ang mga halamang dagat ng yayamaning isla sa pagliliwaliw ng limang magkakatropang bortalicious ng alter world.
Isa sa pangkat ay ang kilalang negosyanteng nakipaghiwalay sa kanyang gandarang asawa na dugong-artista.
Lumadlad ang tunay na pagkatao ng kilalang negosyante dahil mas maliGAYa siya sa kapwa lalaki.
Katuwang ng kilalang negosyante sa pagsisid ang bulung-bulungan na karelasyon nito—ang makisig at pinagpalang aktor na hindi gaanong active sa local showbizlandia.
Ang makisig at pinagpalang aktor ay isa raw sa mga dahilan ng paghihiwalay ng kilalang negosyante at ng kanyang gandarang asawa.
Kaya malaya na si kilalang negosyante na makipaglaro sa pinagpalang aktor, kahit magpagulung-gulong pa sa mga kastilyong buhangin.
Nagbakasyon ang lover boys sa yayamaning isla kasama ang mga kabarkadang sumusuporta sa kanilang swordplay.
Doon ay malaya nilang nagagawa ang gusto nilang gawin alang-alang sa lollipops and roses.
Ang nakakawindang, nakakagulantang, nakaka-Lucrezia Borgia… ka-join sa kanilang grupo ang mestisong aktor na matagal nang pinagdududahan ang tunay na kasarian!!!
- Aktres, magsasalita na tungkol sa estado ng pagsasama nila ng asawa
- Female star na produkto ng talent search, inilalako ng talent manager sa mga pulitiko at businessmen
- Anak ng showbiz personality, sigurado na ang magandang kinabukasan
NOEL FERRER
Iba talaga kapag kinokontra ang hiyaw ng damdamin.
Nakakaawa lang ang mga babaeng natanso ng mga “alter” na ito.
Samantalang itong si mestisong aktor… naku naku, sasabihin na naman, mabait naman ito, hamuna! Oo naman, marami naman talagang mababait na bading, ‘no?!
GORGY RULA
Narinig ko rin ang kuwentong iyan at marami pa akong nasagap. Pero napag-isip isip ko, buhay naman nila yun.
Karapatan nila kung ano ang gusto nilang gawin.
Pero ang dalawang aktor na ito ay may career na pinangangalagaan. Mahirap pa kung gusto nilang magpakatotoo.
Kaya hindi na namin inaasahang may aamin o may mag-a-out sa kanila. Hayaan na lang nating mamayagpag ang kanilang career.
Ang dinig ko ang isang aktor na kasama doon sa grupong nagbakasyon, galit na galit daw ang dating leading lady dahil feeling niya ay nagagamit siya nang bonggang-bongga.
Pero sa paglipas ng panahon, humupa na ang lahat, at okay na ang lahat. MaliGAYa si aktor sa pinili niyang buhay, at maluwalhati si leading lady sa napili niyang love life.
