PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Calista, sumailalim sa training sa choreographers ng K-pop stars

Nakatrabaho ng choreographers nila ang 2NE1 at si Ji Chang Wook
by PEP Troika
Published Aug 23, 2022
Calista
Exciting ang pasabog ng Calista members na sina (L-R) Olive, Anne, Elle, Denise, Laiza, at Dain na sumailalim sa lessons mula sa choreographers na nakatrabaho ang K-pop idols na 2NE1 at Ji Chang Wook.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Dumaan sa isang linggong training ang P-pop group na Calista sa dalawang Korean choreographers bilang paghahanda sa pangalawang single nilang pinamagatang "Don’t Have Time."

Ang Calista ay binubuo ng all-female members na sina Anne, Olive, Dain, Denise, Elle, at Laiza.

READ: P-pop group Calista pinayanig ang Araneta Coliseum sa kanilang unang concert

Medyo fierce at palaban ang dating nila sa kanilang unang single na "Race Car"; itong sa pangalawang single ay medyo sweet naman daw at K-pop ang dating.

Kaya naghanap ang T.E.A.M. ni Tyrone Escalante at ng Merlion Events ang Productions, Inc. ng magaling na choreographers sa South Korea na siyang magtuturo sa Calista. Gusto raw nila, K-pop ang look sa kanilang second single.

Ayon kay Tyrone, sa tulong ng agent na si Mr. Jung, nakuha nila sina Lee Eun Kyung, na tinawag din nilang si A. Dan, at si Park Ji Yeon o si B.B.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si A. Dan ang presidente ng Echo Entertainment sa Korea, at ang dami na niyang naturuan ng choreography kagaya ng grupong 2NE1, at naging concert choreographer ng mga sikat na Korean stars na sina Na Hoon Ah at Ji Chang Wook.

Si B.B. naman ay ang team leader ng ERICA at dance director ng Pearl Star Dance Team. Siya ang main dancer sa concert ni Lim Young-woong, at naging concert choreographer nina Yeon-Ja Seojin Park at Ji Chang Wook.

Calista

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpapasalamat ang mga taga-Calista dahil talagang pinagtiyagaan silang turuan ng dalawang Korean choregraphers kahit hirap sa communication, dahil hirap silang mag-English. Napaka-strict daw sa kanila, pero ang sweet naman.

Sabi ng member nilang si Elle, “Pag may tinuturo silang steps sobrang detalyado talaga. Strict din po sila sa time. Katulad ng breaktime, pag 10 minutes, 10 minutes babalik agad kami.”

Dagdag na pahayag ni Dain, “Ang sweet po nila kasi grabe po yung patience nila na kahit nagkakaroon po ng language barrier, may time po na hindi kami nagkakaintindihan, and minsan naintindihan po namin sila sa body language, and ayun po, parang naintindihan po nila na hindi namin masyado nagi-gets, tinitiyaga nila ang pagturo talaga.”

Calista

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Vroom, vroom!!! Nilinaw ni Tyrone Escalante na nandiyan pa rin ang Pinoy choreographer nilang si Vimi Rivera. Bilib daw sila sa pagtuturo ng mga Pinoy choreographers, pero kailangan nila ng additional training para sa K-pop style ng pagpi-perform.

"We respect naman the Filipino choreographers, but we want to achieve lang na magkaroon ng additional knowledge, which is K-pop.

"So, eto gusto namin ma-experience. And luckily, may nakausap kaming Korean choreographers, at si Mr. Jung ang nagdala," saad ni Tyronne.

"Hindi naman siya nawawala. Kahit may additional learnings nga po kami, andun pa rin po yung Filipino culture. P-pop kami basically. Hindi naman mawawala yun,” dagdag na pahayag ng isa pang member ng Calista na si OIive.

In-announce din ng Korean agent na si Mr. Jung na inaayos nila ang posibilidad na madala ang Calista sa South Korea para makapag-perform doon at magkaroon ng collaboration sa isang K-pop group.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Dain, "Libre lang naman po mangarap. Itodo na po namin, ang BTS, BLACKPINK."

"Kahit sino naman po, ang gagaling nilang lahat sa 4th gen," pakli ni Elle. Vroom, vroom!!!

NOEL FERRER

OK naman na makilala tayo sa international market, support tayo diyan!

Pero kailan kaya darating ang panahon na hindi na natin kailangang manggaya ng ibang kultura para matanggap sa ibang bansa kundi by virtue of our being Pinoys?

Yung parang hindi lang token ang Pinoy culture para lang masabing naisingit at may tinge na Pinoy pa rin kundi Pinoy na talaga sa ubod at kaibuturan niya.

Sabi nga, libreng mangarap. Yun na ang pangarapin natin bilang pagpapayabong ng ating kultura.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Exciting ang pasabog ng Calista members na sina (L-R) Olive, Anne, Elle, Denise, Laiza, at Dain na sumailalim sa lessons mula sa choreographers na nakatrabaho ang K-pop idols na 2NE1 at Ji Chang Wook.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results