GORGY RULA
Ano kaya ang mangyayari sa pelikulang ginawa ng isang promising singer-actress?
Ang latest na nabalitaan ng PEP Troika, pina-stop daw ng isang maimpluwensiyang tao ang distribution nito.
Sino naman itong maimpluwensiyang tao? Ano ang kinalaman niya kay promising singer-actress?
Natsitsismis silang dalawa, pero walang pag-amin.
Kahit marami na ang nagsasabing matagal na ang kanilang relasyon, tahimik lang sila at hindi nagsasalita kung ano talaga ang namamagitan sa kanila.
Kaya lang, heto na naman at nag-react daw itong si influential personality sa pelikula ni promising singer-actress na kinunan pa sa ibang bansa.
Maganda raw ang pelikula pero may mga daring scenes si promising singer-actress na walang pakialam kung nakita ang kabuuan nito.
Hindi raw nagustuhan ni influential personality ang mga ginawa ni promising singer-actress sa pelikula, kaya ipinarating niya sa producer na huwag nang ituloy ang pagpapalabas nito.
May deal pa naman si produ sa isang malaking streaming app, pero na-hold naat hindi alam kung itutuloy pa ba nila. Paano ngayon ang ipinuhunan ni movie producer sa pelikulang ito na nag-shoot pa sa ibang bansa?
Well, kaya namang bilhin na lang ni influential personality kung gusto niya, di ba? Para hindi na talaga maipalabas ito.
Curious tuloy ako sa pelikulang ito na mas daring sa unang pelikulang pinagbidahan ni promising singer-actress.
NOEL FERRER
O, medyo naguguluhan ako. Akala ko kasi, babaita itong si influential personality. Yun pala ay napagkakamalan lang dahil kamukha niya ang isang dating female singer na nag-a-identify ngayon as male.
Pero oo nga, powerful si influential personality, pero hindi ba ipinaalam sa kanya yun ni promising singer/actress, o kailangan pa ba?
Nag-frontal na si singer-actress sa unang movie na bida siya, di ba?
Ingat na rin lang itong si singer-actress at sana alam niya ang pinapasok niyang klase ng relasyon. Good luck na lang.
At sana, mag-work ito for them. In what way? Sila na lang ang nakakaalam, I guess!!!
JERRY OLEA
Noon pa inamin ng singer-actress sa one-on-one interbyu ko sa kanya na mas mapangahas itong pelikula niya na kinunan sa ibang bansa.
Ayon sa source ng PEP Troika, may threesome doon na dalawang banyaga ang kaeksena ng singer-actress. Nakaplaster ang dalawang banyaga pero ang singer-actress, nakabihadhad ang private part.
Sinabihan pa ako ng aktres na abangan ko ang ang streaming ng pelikulang iyon.
May natapos pang isang movie ang singer-actress na kinunan sa isang lalawigan ng bansa, sa ilalim ng isang premyadong direktor. Binuking ni direk na madalas may kausap sa phone si singer-actress kapag off cam ito.
Nagpralala ang singer-actress at influential personality na kesyo matalik lang silang magkaibigan. Meron kayang naniwala sa paeklay nilang iyon?
Dumalo ang influential personality sa isang star-studded showbiz event recently, pero hindi niya ka-date doon ang singer/actress.
