JERRY OLEA
Agaw-eksena sina Super Tekla, Rufa Mae Quinto, Rhian Ramos, at ang buntis na si Rita Daniela sa GMA Thanksgiving Gala nitong Hulyo 30, 2022, Sabado ng gabi, sa Shangri-La The Fort, BGC, Taguig City.
Fierce and fabulous si Super Tekla, kabog si Boobay pati na ang mga starlet na pahara-hara.

Hindi matatawaran ang pa-boobah ni Rufa Mae, maging ang kaseksihan ni Rhian.

Mag-isa lang sa pagrampa si Rhian, pero present din sa event ang travel buddy na nali-link sa kanya.

Solo flight din si Paolo Contis. Hindi niya isinama ang kanyang friend na madalas siyang ipagluto ng baon na ulam.

Parehong mag-isa sina Bianca Umali at Megan Young dahil nasa South Korea sina Ruru Madrid at Mikael Daez para sa taping ng Running Man Philippines.
Walang ka-date si Carla Abellana. Ang estranged husband niyang si Tom Rodriguez ay nananahimik sa Amerika.
Hiwalay sa pagrampa sina Rita Daniela at Ken Chan, maging sina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso.
Buwag na talaga ang RitKen tandem, pati na ang Cassy-JD love team.

Separate din siyempre ang arrival ng mag-ex na sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, pati sina Max Collins at Pancho Magno.
Magkakasabay dumating sina John Lloyd Cruz, Miles Ocampo, Maja Salvador, at Rambo Nuñez. Sina John Lloyd at Miles ay kabilang sa mga talent ng Crown Artist Management ni Maja at fiance na si Rambo.

Earlier ay nakipagdiwang din sina Maja at Miles sa 43rd anniversary ng Eat Bulaga. Busy ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards kaya absent siya sa celebration at Thanksgiving Mass ng mga legit Dabarkads, pero hindi siya puwedeng mawala sa pasasalamat ng mga Kapuso para sa kanilang ika-72 anibersaryo.
Andiyan din ang Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, maging sina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista, Bea Alonzo at Dominic Roque.
Nakatawag-pansin din ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, Sophie Albert at Vin Abrenica, ang pogilicious na si Marco Gumabao, at ang produkto ng StarStruck na si Cristine Reyes.
Ka-date ni Gina Alajar ang anak ni Mark Gil na si Sid Lucero. Si Mark (RIP) ay kapatid ng estranged husband ni Gina na si Michael de Mesa.

Magkasama ang mag-amang Benjie at Andre Paras, pati sina Hayden Kho Jr. at Scarlet Snow Belo, at mag-inang Jean Garcia at Kotaro Shimizu.

As expected, magkaka-partner sina Senator Bong Revilla at Lani Mercado, Christopher de Leon at Sandy Andolong, Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, Gabbi Garcia at Khalil Ramos, Barbie Forteza at Jak Roberto, Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Rocco Nacino at Melissa Gohing, Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla, Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.
Magkakatambal din sa gabing iyon sina Jasmine Curtis-Smith at Jeff Ortega, Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix, Mikee Quintos at Paul Salas, Shayne Sava at Abdul Raman, Derrick Monasterio at Elle Villanueva, Allen Ansay at Sofia Pablo, Michael V at wifey na si Carol Bunagan, Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, Jake Vargas at Inah de Belen, Shaira Diaz at EA Guzman, Juancho Trivino at Joyce Pring, Liezel Lopez at Martin del Rosario, Rodjun Cruz at Dianne Medina, Benjamin Alves at Chelsea Lobato, Mikee Quintos at Paul Salas.
Nagdagdag ng kislap sa pagtitipon sina Sanya Lopez, Alice Dixson, Andrea Torres, Kylie Padilla, Solenn Heussaff, Beauty Gonzalez, Eula Valdez, Jaclyn Jose, Jackie Lou Blanco, Lianne Valentin, Iya Villania, Carmi Martin, Camille Pratts, Direk Laurice Guillen, Ina Feleo, Manilyn Reynes, at ang Kapuso Little Princess na si Jo Berry.
Present din sina Kim Domingo, Michelle Dee, Winwyn Marquez, Maxine Medina, Celeste Cortesi, Beatrice Luigi Gomez, Myrtle Sarrosa, Ashley Ortega, Pauline Mendoza, Therese Malvar, Jillian Ward, Thea Astley, Klea Pineda, Kate Valdez, Chariz Solomon, Sheena Halili, Valeen Montenegro, Valerie Concepcion, Jessica Villarubin, Elijah Alejo, Althea Ablan, Hannah Precillas, Chynna Ortaleza, Aicelle Santos, Vaness del Moral, Maricris Garcia, at Maey Bautista.
Pam-prestige ang pagdalo roon ng National Artist na si Ricky Lee, maging ng veteran actors na sina Gabby Concepcion, Albert Martinez, at Ricky Davao.
Nagpakitang-gilas din sina Xian Lim, Mark Bautista, Mike Tan, Buboy Garovillo, Marco Gallo, Kirst Viray, Jason Abalos, David Licauco, Abed Green, Kelvin Miranda, Chris Tiu, John Feir, Kim de Leon, Yasser Marta, Sef Cadayona, Richard Yap, Mark Herras, Gabby Eigenmann, Paolo Paraiso, Rafael Rosell, Teejay Marquez, Royce Cabrera, Gil Cuerva, Marco Alcaraz, Ervic Vijandre, Saviour Ramos, Prince Clemente, Radson Flores, Nikki Co, Jon Lucas, Lucho Ayala, Kristofer Martin, Kimson Tan, Dion Ignacio, Migs Villasis, Anjo Damiles, Mikoy Morales, Anthony Rosaldo, Sandro Muhlach, Joaquin Manansala, Will Ashley, Matt Lozano, at marami pang iba
GORGY RULA
Ang dami nang nagtanong sa amin kung bakit hindi nakadalo sa GMA Thanksgiving Gala ang Chairman at CEO ng GMA 7 na si Atty. Felipe L. Gozon.
Tinext ng PEP Troika si GMA Network Films Inc. President And Programming Consultant To The Chairman And CEO Atty. Annette Gozon-Valdes, hindi raw maganda ang pakiramdam ng kanyang ama.
“He wasn’t feeling well eh, nanghihina. But it’s not COVID naman [smile emoji],” text niya sa PEP Troika.
Sayang nga at wala siya sa eleganteng selebrasyon ng 72nd anniversary ng GMA 7.
Tinanong din namin ang manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila kung bakit wala sila ni Dennis Trillo, pero wala pa kaming natatanggap na sagot.
Absent din ang karamihang Dabarkads ng Eat Bulaga! na kasi-celebrate lang ng kanilang 43rd anniversary.
Read: Coney Reyes, special guest sa 43rd anniversary ng Eat Bulaga!
Nakakatuwa at talagang kinarir naman ng mga Kapuso artists ang selebrasyong ito.
Mabuti at nandoon si Tim Yap sa red carpet para interbyuhin sila para doon na rin nila mapasalamatan ng iba ang nag-sponsor ng gown, suit at pati ang alahas na suot.
Tumaas lang ang kilay ng karamihan sa pagpasok ni Alice Dixson na naka-yellow gown.

Black ang white na old Hollywood ang motif, di ba? Wala na siyang mahugot na gown sa cabinet niya? Wala naman siguro siyang statement sa suot niyang yun?
May ilang nagtatanong din sa amin, bakit parang ang lungkot daw ng mukha ni Heart Evangelista nang rumampa sila ni Senator Chiz Escudero sa red carpet? Parang wala nga siya sa mood noong gabing yun.

Bukod kina Marian Rivera at Heart, gandang-ganda kami kina Maricel Laxa, Beauty Gonzalez, at Gabbi Garcia.
May iilang kahit anong ganda ng suot, hindi pa rin nila nadadala nang maganda at ang baduy pa rin ng dating.
NOEL FERRER
Sabay-sabay na ginanap nitong Sabado ng gabi ang GMA Thanksgiving Gala 2022, 70th FAMAS Awards, pati ang tribute sa yumaong Queen of Visayan Movies na si Gloria Sevilla, at concert ni Rachel Alejandro.
May awards sa glamorous event ng Kapuso Network, and the winners are…
Sparkle Stars of the Night: Alden Richards (male) and Sanya Lopez (female)
Sparkle Love Team of the Night: Mavy Legaspi and Kyline Alcantara
Glamorous Star of the Night: Heart Evangelista
Couple of the Night: Dingdong Dantes and Marian Rivera
TikTok Crowd Favorite: Miguel Tanfelix (male) and Sofia Pablo (female)
Belo Beauty of the Night: Bianca Umali
Beautederm Scene Stealer Award: Bianca Umali
Frontrow Male Icon: Marco Gumabao
Frontrow Female Icon: Rhian Ramos
Agree ba kayo sa choices ng mga hurado?
At any rate, noong tinake over ng grupo ng National Artist na si Ricky Lee bilang Jury Head ang FAMAS kasama ang mga premyado at iginagalang na filmmakers na sina Paolo Villaluna, Mac Alejandre, Dodo Dayao, academicians, atbp film practitioners, nagkaroon tayo ng pag-asa sa pagbabagong-bihis ng FAMAS.
With the list of nominees of winners, mukha bang nagbabalik tayo sa dating gawi sa FAMAS… na ikinagalit nga ba ng bagyong Ester?
Kabilang si Ricky Lee sa may special awards sa FAMAS, pero minabuti niyang sa GMA Thanksgiving Gala dumalo.
Present sa 70th FAMAS Awards ang major winners na sina Vince Tañada (best actor at best director para sa Katips), Charo Santos-Concio (best actress para sa Kun Maupay Man It Panahon), Johnrey Rivas (best supporting actor para sa Katips), at Janice de Belen (best supporting actress para sa Big Night).
Best picture ang Katips ng Philstagers Films, na si Atty. Vince Tañada rin ang executive producer.
Sa pagkakaalam namin ay nakadalawang special screening last year ang Katips, pero ang showing nito sa mga sinehan ay sa darating na Miyerkules, Agosto 3 pa lamang.
Kasabay ng Katips na ipapalabas sa local cinemas ang Bakas ni Yamashita, Maid in Malacañang, at Bullet Train na bida ang 58-anyos na si Brad Pitt.
Nagwagi rin ang Katips sa mga kategoryang best original song (“Sa Gitna ng Dulo,” music by Pipo Cifra, lyrics by Vince Tañada), best musical score (Pipo Cifra), at best cinematography (Manuel Abanto).
Nakasungkit ng dalawang parangal ang A Hard Day, best editing (Law Fajardo) at best sound (Albert Michael Idioma, Alex Tomboc, Pietro Marco Javier).
Best screenplay ang Big Night (Jun Lana), best production design ang Kun Maupay Man It Panahon (Whammy Alcazaren), best visual effects ang My Amanda (Santelmo Studio), at best short film ang See You George! (Mark Moneda).
Heto ang talaan ng special awards: Lifetime Achievement Awardee:
Tessie Agana Exemplary Awardee for Public Service: Senator Imee Marcos
Hall of Fame for Best Actor: Allen Dizon
Hall of Fame for Best Editing: Jess Navarro
FPJ Memorial Awardee: Senator Jinggoy Estrada
Susan Roces Celebrity Awardee: Nora Aunor
Don Jose R Perez Memorial Award: Moira Lang
1st Outstanding Public Service Award: Pangasinan Representative Christopher de Venecia
2nd Outstanding Public Service Award: Dr. Edinell Calvario
German Moreno Youth Achievement Award: Ranz Kyle and Ana Guerrero
FAMAS Presidential Award: Congressman PM Vargas
Angelo “Eloy” Padua Award for Journalism: Renz Spangler
Maganda sana na tulad ng dati ay may specific citation ang mga nominado at may thorough explanation ang mga nagsipagwagi. Hindi yung pahulaan na lang at matter of taste na lang mga jury.
READ MORE:
