GORGY RULA
Si Kiray Celis ang isa sa masuwerteng lumipat sa Kapuso Network dahil sunud-sunod ang mga trabaho niya magmula nang nag-transfer siya.
Kabilang si Kiray sa bagong afternoon drama ng GMA-7, ang Return to Paradise, na magsisimula na sa Lunes, August 1, 2022, pagkatapos ng Eat Bulaga.
Thankful si Kiray dahil tamang-tama na ngayon lang siya nagsisimulang mag-ipon para sa sarili.
“Ngayon kasi, parang sa tagal ng panahon na nagwu-work ako, parang ngayon pa ako nag-e-enjoy,” pakli ni Kiray sa mediacon ng Return To Paradise.
“Ang weird nga, e! Ngayon kasi, parang nabibigyan na ako nina Mama at Papa na mag-save na for myself.
"Sa tagal-tagal na nagtatrabaho ako para sa parents ko, since three years old ako, and para sa family ko, ngayon lang ako nakapag-save para sa sarili ko.
“Kaya ngayon lang ako nag-enjoy na mag-work na mag-work. Kasi, meron na akong natatago para sa sarili ko,” dagdag niyang pahayag.
Maayos daw ang pakikisama ni Kiray sa trabaho, at kasundo niya ang co-actors at production staff.
Kaya wala tayong naririnig na hindi magandang kuwento tungkol sa kanya. Isa rin ito sa mga dahilan kaya hindi nawawalan ng trabaho ang artista sa isang network.
Itong Return to Paradise ang maglulunsad sa bagong Sparkle talent na si Elle Villanueva bilang Kapuso sexy actress. Ka-partner niya rito si Derrick Monasterio, at kasama rin sa seryeng ito ang pagbabalik-Kapuso ni Eula Valdes.
READ: Did Kiray Celis's boyfriend tattoo her face on his chest?
READ: Kiray Celis gifts father with "63K sa 63 years old birthday boy!"
JERRY OLEA
Tanggap daw ng pamilya ni Kiray ang kasalukuyang non-showbiz boyfriend niya.
Napapag-usapan na minsan ang mag-settle down, pero ayaw raw niyang asyumera kung kailan magpu-propose ang boyfriend.
“Pag nagmu-mall kami, nagtitingin na siya ng mga diamond ring. Sabi ko, 'Hindi ako bababa sa PHP500,000. Kailangan, mas mataas.'
“May trabaho naman siya. So, galingan niya, ‘no?! Sa tagal-tagal na panahon na hindi ako nag-boyfriend, tapos yun lang pala yung hinintay ko, di ba?
“Pero alam niya na deserved ko. Nagtingin-tingin na siya. Naririnig-rinig ko, pero natatawa lang ako sa kanya.
“Ang hirap naman mag-assume pero napapag-usapan naman namin. Ang sarap sabihin na ramdam mo kapag tamang tao para sa ‘yo.”
NOEL FERRER
Nag-umpisa na ang Ghost Month ngayong Hulyo 29, 2022, Biyernes.
Abangan natin ang pagsisimula ng bagong Kapuso teledrama na Return To Paradise sa Lunes ng hapon kung paano ito papalo sa ratings at kukunek sa audience.
Ang papalitan nitong Apoy Sa Langit ay matataas ang ratings ngayong finale week. Bagong putahe itong tambalan nina Elle at Derrick.
Base sa trailer, bongga ang production values. Sabi ko nga lagi, ang audience ang panalo!
