PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ghost Month, Ang Probinsyano end, Darna start

Ang daming affected ng sinasabing "Ghost Month" na yan!
by PEP Troika
Published Jul 23, 2022
Jane de Leon, Coco Martin
Ang daming affected ng "Ghost Month!" Samantala, matapatan kaya ng Darna starring Jane de Leon ang record na nai-set ng FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin?
PHOTO/S: Screenshot from Darna and FPJ's Ang Probinsyano

JERRY OLEA

Urong-sulong! Atras-abante!

Ang telefantasyang Voltes V: Legacy na napabalitang magpapasiklab ngayong 2022, sa 2023 pa pala magbo-volt in.

Kaya hindi na ito makakasalpukan ng fantaseryeng Darna ni Jane de Leon, na lilipad na sa Agosto 15, Lunes, kesehodang sakop iyon ng Ghost Month.

Opo! Hanggang Agosto 12, Biyernes na lang ang adventures ni Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano (FPJAP). Kapagkuwan ay papalitan ito ng Darna.

Ang Lolong ni Ruru Madrid ang “magpapatumba” sa wakas sa FPJAP ni Coco Martin.

Hulyo 29 hanggang Agosto 26 ang Ghost Month, at iniwasan iyon ng Beautehaus na ineendorso ni JC Santos.

Kahit ready na ang Beautehaus by August, minabuti ng CEO nito na si Rei Anicoche-Tan na sa Setyembre na mag-open ang pinakamalaking beauty clinic ng Angeles City, Pampanga.

Umiwas din sa Ghost Month ang entertainment and emergency app na Juanetworx, kaya inilunsad na ito noong Hulyo 21, Huwebes sa makasaysayang Club Filipino sa Greenhills, San Juan City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga ni Ma’am Edith Fider na isa sa primemovers ng Juanetworx, “Kung mapapansin n’yo, biglaan itong patawag namin. Wala kaming PR.

“Wala kaming guest list na sinunod. Ang sa amin lang, mga kaibigan namin. Hinahabol namin ito… kasi, balak sana namin, ahh, i-delay pa.

“Pero naghahabol kami ng Ghost Month. Mga takot po sa Ghost Month yung mga nasa loob ng kumpanya kaya minadali namin ito.”

Yung AQ Prime Stream at Directors Cut By AQ, katapusan ng Hunyo sana mag-uumpisang makipagkumpitensya sa Vivamax.

Ang kasunod na pralala, Hulyo 15. Ang latest… mag-o-ocho-ocho ang nasabing streaming platforms sa Agosto 8, Lunes.

Sinasabing masuwerte ang numero 8 na kung patagilid ay simbolo ng “infinity.”

Hulyo 15-17 sana ang opening weekend ng Joseph The Dreamer (JTD) musical sa Maybank Performing Arts Center sa BGC, Taguig City.

Pero noong Hulyo 15 ay nag-positibo sa COVID-19 ang ilang cast members ng musical kaya naudlot ang pagpapalabas ng musical na pinagbibidahan nina Sam Concepcion, Audie Gemora at Gary Valenciano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuloy ang opening night ng JTD nitong Hulyo 22.

Joseph The Dreamer

May isa pang showbiz event na gaganapin din sana noong Hulyo 15, Biyernes. Dahil sa COVID-19, naudlot din iyon at wala pa tayong balita kung kailan iyon itutuloy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang inaasahang game changer na Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ay Setyembre sana magpapayanig sa local TV landscape, sa pangunguna ni Willie Revillame at ng kanyang programa. Ang latest, Oktubre na ang target launch nito.

Yung pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told ay nakailang presscon na. Akala natin ay itataon ang pagpapalabas nito sa first death anniversary ni PNoy.

When will it be finally told?

Nang matalo sa eleksyon noong Mayo 9 ang isang kilalang aktres, nag-press release ang kampo niya na magpa-file sila ng protesta. Dinaya raw sila nang bonggang-bongga.

Dalawang buwan na ang lumipas pero wala pa tayong nababalitaan na paghahain ng pormal na reklamo.

GORGY RULA

May iba namang producers na hindi na iniisip ang Ghost Month na iyan. Itong pinagdaanan nating mahigit dalawang taong nasa pandemya ay mas matindi pa sa kinatatakutan at iniiwasang Ghost Month.

Kung talagang maganda ang isang proyekto, aabangan at panonoorin iyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In fairness sa Darna, ang daming na-curious sa ganda ng trailer nito. Kaya puwedeng marami ang mag-aabang dito.

Pero lalong gumaganda ang takbo ng kuwento ng Lolong at na-hook na sa kuwento nito ang ilang nakilala ko.

Tingnan natin kung mababawasan ang viewers ng Lolong sa pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano na mapapanood sa apat na istasyon, at kung maitatawid hanggang sa Darna.

Ang Voltes V: Legacy ay next year pa mapapanood. Masusing tinututukan ni Direk Mark Reyes ang special effects nito.

Sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ang mga bida sa Voltes V: Legacy pero meron pa silang isang cute na mini-series, ang What We Could Be na dinirek ni Jeffrey Jeturian at collaboration ng Quantum Films sa GMA-7.

Ang pagkakaalam ko, ito ang ipapalit sa timeslot ng Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Excited ako rito dahil keri ni Direk Jeffrey magpakilig sa kuwento, lalo na’t bagay naman sina Miguel at Ysabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin nila rito si Yasser Marta na magaling daw sa seryeng ito.

NOEL FERRER

Flooded ang social media sa mensahe ni Coco Martin tungkol sa pagwawakas ng FPJ’s Ang Probinsyano at nasa huling tatlong linggo na lang ito!

Magkakatuluyan ba ang Cross My Heart at Friends In Love tandem nina Sharon Cuneta-Rowell Santiago?

Sharon Cuneta, Rowell Santiago

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa dulo na rin ba si Ma’am Charo Santos-Concio? Sana!

Nang mawala si Tita Susan Roces, sina Shawie at CSC na ang tumayong moral compass ng show.

Soon, Coco will have to do his movie for the MMFF 2022 kaya kailangan talagang tapusin na ang teleserye.

Sino at ano kayang teleserye ang makakapantay ng record na isinet ng FPJ’s Ang Probinsyano?

Kaya kaya ni Jane de Leon na kinokontra ni RR Enriquez?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang daming affected ng "Ghost Month!" Samantala, matapatan kaya ng Darna starring Jane de Leon ang record na nai-set ng FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin?
PHOTO/S: Screenshot from Darna and FPJ's Ang Probinsyano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results