PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joaquin Domagoso focuses on work after love child issue

Joaquin's manager: "He’s an actor! Walang mawawala sa kanya!”
by PEP Troika
Published Jul 23, 2022
John Gabriel, Joaquin Domagoso, Jovani Manansal
“Joaquin Domagoso is not a matinee idol. He’s an actor! Walang mawawala sa kanya!” bulalas ng manager ni Joaquin na si Wowie Roxas. Ang nasa litrato ay ang mga alaga ni Daddy Wowie na sina John Gabriel, Joaquin Domagoso, at Jovani Manansala.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Life goes on for Joaquin Domagoso matapos mabunyag kamakailan na isa na siyang ama sa edad na 20.

READ: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro

Isa si Joaquin sa mga panauhin sa grand launch ng entertainment app na Juanetworx nitong Hulyo 21, 2022, Huwebes, sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City.

Kasama ni Joaquin sa pagtitipon ang talent manager niyang si Daddy Wowie Roxas, pati na ang ibang bagitong artista sa kuwadra ni Daddy Wowie.

READ: Juanetworx streaming app, ginabayan ng namayapang Healing Priest na si Fr. Suarez

Ayon kay Daddy Wowie, natapos nang i-shoot ni Joaquin ang pelikulang Big Boyz kung saan bida rin ang dalawa pa niyang alaga na sina John Gabriel at Jovani Manansala.

Introducing sa Big Boyz ang 16-anyos na si Bo Bautista (daughter nina Harlene Bautista at Romnick Sarmenta), ang magkapatid na sina Javi at Sophia de Leon (mga anak ni Cheenee de Leon), at ang kuya ni Jovani na si Joaquin Manansala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Daddy Wowie mismo ang nag-produce ng nasabing movie, with Rechie del Carmen as director. Nasa cast din ng Big Boyz sina Alice Dixson at Gardo Verzosa.

Inaasam ni Daddy Wowie na makalusot ang Big Boyz sa darating na Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

“Sexy comedy ito na may drama. Sa istorya, masahista si Jovani. Si John, nakakausap ang mga hayop sa Manila Zoo. Si Joaquin Domagoso, hacker,” kuwento ni Daddy Wowie.

May dalawa pang prinodyus na movie si Daddy Wowie kung saan bida rin si Joaquin Domagoso, at nabenta na niya pareho sa GMA-7.

Una, yung That Boy In The Dark kung saan bulag ang papel ni Joaquin Domagoso. Co-stars dito si Glydel Mercado at ang daughter niyang si Aneeza Gutierrez. Ang isa pa ay MOX: Mindanao Overload Xpedition na tungkol sa mga nagte-trail na 4x4.

“Sa Mindanao iyon ginawa. Sila rin ang mga bida, sina Joaquin, Jovani. Ang mga bagong artista ko, mga anak ng mga talent ko!” sambit ni Daddy Wowie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nananalig si Daddy Wowie na malalampasan ni Joaquin Domagaso ang isyu ng pagiging ama nito sa murang edad.

“Joaquin Domagoso is not a matinee idol. He’s an actor! Walang mawawala sa kanya!” pagdidiin ni Daddy Wowie.

Nagbanggit si Daddy Wowowee ng mga sikat na artistang may anak sa pagkabinata tulad nina Aga Muhlach at Piolo Pascual.

“Bakit si Aga? Si Piolo. Basta magaling ka lang… saka iba na ang panahon ngayon.”

Tanggap na?

Tumango si Daddy Wowie, “Oo. Akala ko nga, baog. Hindi pala!”

Kailan niya pagsasalitain si Joaquin kaugnay sa isyu?

Napakunot-noo si Daddy Wowie, “Huwag na. Useless. Yun namang fans, hindi nagbago. Nag-support nga, e. Tuluy-tuloy naman ang trabaho niya.”

Nilinaw ni Daddy Wowie na hindi nakatali si Joaquin sa love team with Cassy Legaspi.

“Hanggang First Lady lang yun. After that, may iba nang ka-partner si Joaquin,” paliwanag ni Daddy Wowie.

“Kaya natawa nga ako, e, sa mga nagsabi na masisira na ang career niya. Hindi! Kasi, aktor siya!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi ko siya inaano na matinee idol. Gusto ko, pangmahabaan.”

Nagalit ba siya nung pinasabog na ang nasabing isyu kay Joaquin?

“Hindi! Alam mo, kahit pasabugin nila, wala akong pakialam! Iba na kasi ngayon, e! Kumbaga sa ano, takot ako kung hindi ako nagpo-produce,” pagmamatuwid ni Daddy Wowie.

“Alam naman ni Joaquin na lalabas at lalabas yun. Nag-usap naman kami, ‘O, anak, ganito iyan. Anong gagawin mo?’

“In-expect ko na yun na lalabas. Wala namang natatago na ano, e… alam na yun ni Joaquin.

GORGY RULA

Nang kumalat ang balitang nakabuntis si Joaquin Domagoso, narinig naming gusto na raw itong aminin ng young actor sa publiko.

Wala raw siyang balak na itago, para sa kanyang magiging anak at sa babaeng minahal niya. Pero pinigilan lang daw ito dahil campaign season noon at baka makaapekto pa sa kandidatura ng kanyang amang si dating Manila Mayor Isko Moreno.

Ngayong lumabas na ito at hindi na puwedeng itago, hindi puwedeng iwasan na lang ito palagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakilala namin si Joaquin na mabuting tao at paninindigan daw niya ang responsibilidad niya bilang ama sa kanyang anak. Kaya alam naming magpapakalalaki siyang harapin ito, at sa tamang panahon ay magsasalita siya kaugnay rito.

Hindi naman puwedeng laging may nakaharang sa mga gustong magtanong sa kanya tungkol sa isyung ito.

Sabi nga ni Daddie Wowie, wala namang mawawala sa alaga niya at hindi naman ito matinee idol. Kaya magpakalalaki na siya!

Test of character na rin ito kay Joaquin bilang isang lalaking may paninindigan at kayang harapin ang responsibilidad na nakaatang sa kanya.

NOEL FERRER

Kahit sino ang makausap ko, nagsasabing mabait daw talagang bata si Joaquin Domagoso. Kaya kahit anong isyu man ang ipukol sa kanya, may bearing yung kindness at pagiging good person ni Joaquin.

The next challenge is for Joaquin to prove his mettle as an actor. Kasi, lagi akong naniniwala, na hindi pagsagot ng kahit na anong isyu ang solusyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The best weapon always is a good work!!! So, go for it, Joaquin! Galingan mo sa mga susunod na projects mo!

Masuwerte ka at may mga mabubuting tao sa likod mo katulad ni Daddy Wowie!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Joaquin Domagoso is not a matinee idol. He’s an actor! Walang mawawala sa kanya!” bulalas ng manager ni Joaquin na si Wowie Roxas. Ang nasa litrato ay ang mga alaga ni Daddy Wowie na sina John Gabriel, Joaquin Domagoso, at Jovani Manansala.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results