JERRY OLEA
Gabi-gabi ay ina-update ng Netflix Philippines ang talaan ng Top 10 Movies at Top 10 TV Shows.
Ngayong Hulyo 21, Huwebes ng umaga, nanguna sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines ang marvelous film na Spider-Man: No Way Home.
Sa nasabing superhero film ay nagsanib-puwersa ang tatlong Peter Parker/Spider-Man na ginampanan nina Tom Holland, Andrew Garfield, at Tobey Maguire.
Ito ang pinakasakalam na blockbuster movie ng 2021, maging ng pandemya.
Umabot sa $1.9B ang worldwide gross nito. Ito lang ang pelikula last year na lumampas sa $1B-mark.
Ngayong 2022, isa pa lang pelikula ang naka-$1B… ang Top Gun: Maverick ni Tom Cruise na naka $1.2B.
At any rate, dalawang pelikulang Pinoy ang nasa Top 10 ngayon ng Netflix Philippines.
Nasa pang-apat na puwesto ang 366 nina Bela Padilla at Zanjoe Marudo. Si Bela ang sumulat at nagdirek ng pelikulang ito, kung saan tampok din si JC Santos.
Nasa ikasiyam na puwesto ang Kasal, kung saan love triangle sina Paulo Avelino, Bea Alonzo, at Derek Ramsay.

Bukas, July 22, ay mag-i-streaming na sa Netflix ang action thriller na The Gray Man nina Ryan Gosling at Chris Evans.
Sa Top 10 TV Shows, pumuwesto muli sa number 1 ang 2 Good 2 Be True nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ito na lamang ang Pinoy TV show sa Top 10.
Ligwak na ang isa pang KathNiel series na The Promise (Pangako Sa ‘Yo), maging iyong The World Between Us nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.
Waley na rin sa Top 10 ang Umbrella Academy at Money Heist: Korea — Joint Economic Area.
PERO sa Top 10 TV Shows ay anim na K-dramas ang nakapuwesto ngayon — Extraordinary Attorney Woo (2), Alchemy of Souls (4), Backstreet Rookie (5), Ghost Doctor (6), Remarriage & Desires (7), at She Would Never Know (9).
Ang tatlo pang nasa Top 10 ay Resident Evil (3), Stranger Things 4, at Kung Fu Panda: The Dragon Knight.
Sa Hulyo 29, Biyernes, ay streaming na sa Netflix Philippines ang Kapuso series na The First Nanny (First Yaya) nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, pati na ang pelikulang The Entitled nina Alex Gonzaga at JC de Vera.
Ang buod ng The Entitled ayon sa website ng Netflix, “After learning her estranged father is a hotel mogul, Belinda bumbles her way through a new, sophisticated lifestyle with the help of a charming lawyer.”
Ang The Entitled ay idinirek ni Theodore Boborol, at kasama rin sa cast nito sina Ara Mina, Johnny Revilla, Melai Cantiveros, at Andi Abaya.
Sa Agosto 12 naman mag-i-streaming ang 2017 movie nina Piolo Pascual at Yen Santos na Northern Lights: A Journey To Love.
Idinirek ito ni Dondon Santos, at nasa cast din nito sina Raikko Mateo, Joel Torre, Sandy Andolong, Tirso Cruz III, Maricar Reyes, Glydel Mercado, Jerald Napoles, at K Brosas.
NOEL FERRER
Malamang na mas lalakas pa ang Netflix at ang iba pang streaming platforms ngayong pataas na naman ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Hindi naman aabot sa pagla-lockdown o pagsasara ng industriya, pero ibayong pag-iingat muli. Easily transmissible ang COVID virus ngayon kaya ibayong ingat talaga and we cannot let our guards down.
Kahit ako na gusto na buhay at suportado ang mga kaibigan natin sa mga sinehan, there’s nothing like being cautious again at mag-Netflix at online na lang muna.
Ngayong Hulyo 21, Huwebes, ay streaming na sa Netflix ang ikalima at bale panghuling season ng animated sci-fi series na Jurassic World Camp Cretaceous.
Sa Agosto 5 mag-i-streaming sa Netflix ang seryeng The Sandman. Ang buod nito, “After years of imprisonment, Morpheus — the King of Dreams — embarks on a journey across worlds to find what was stolen from him and restore his power.”
Inaabangan din siyempre sa Netflix ang prequel series na The Witcher: Blood Origin, ang pelikulang Guillermo del Toro’s Pinocchio, at ang anthology series na Guillermo del Toro’s Cabinet of Curiosities.
Sa Agosto 21 naman magpi-premiere sa HBO ang 10-episode fantasy series na House of the Dragon, na prequel ng Game of Thrones.
Sa Vivamax, coming soon ang Episode 8 ng High (School) On Sex (Hulyo 24, Linggo), Scorpio Nights 3 (Hulyo 29, Biyernes), Episode 1 ng Wag Mong Agawin Ang Akin (Hulyo 31, Linggo), Purificacion (Agosto 5, Biyernes), documentary na Patayan Files: Pinakamalalaking Murder Cases ng Dekada ‘90 (Agosto 12, Biyernes), at Lampas Langit (Agosto 19, Biyernes).
Maraming choices maging sa GagaOOLala at HeyPogi.
May bubuksan pang JuaNetwork ngayon na bago, di ba?
Hinihintay rin natin kung kailan ba talaga magiging available iyong AQ Prime Stream at Director’s Cut by AQ.
The more, the merrier!!!
GORGY RULA
Napanood ko ang 366 pero hindi ko pa natatapos. Parang maganda siya. Magaling ang tatlong bida, at malaki ang nagagawa nito sa ikagaganda ng pelikula.
Nasusubaybayan ko rin ang 2 Good 2 Be True, at okay rin. Pero medyo nabagalan na ako rito. Kumukupad na ang takbo ng kuwento. Pero alam kong type ng mga KathNiel fans ang mga pakilig nina Kathryn at Daniel.
Si Sanya Lopez naman ay nagsisimula nang mag-promote ng bagong single niyang "Hot Maria Clara." Isasabay na rin niya ang pag-promote ng First Yaya sa Netflix.
