JERRY OLEA
Walang love life ang 20-anyos na TikTok star at proud Batangueña si Queenay.
Read: TikTok star Queenay is a proud Batangueña
Gusto ba niyang magka-boyfriend ng artista, yung taga-showbiz din?
“Actually, hindi naman po ako maano sa ganyan, kung aktor or hindi,” tugon ni Queenay sa kiddiecon ng Sing Galing Kids noong Hulyo 9, Sabado, sa Vista Mall-Taguig.
“Pero siyempre, meron pong feeling na… scared, parang takot, fear na parang… paano pag naging showbiz?
“Baka mamaya, alam mo yun? Iba ang feeling kasi ng non-showbiz at showbiz siyempre.
“Ang daming intriga, ang daming mabubulatlat na ano. Pero ganun pa man ay depende na lang po siguro kung sino ang nakalaan para sa akin.
“Hindi naman po ako nagde-demand kung non-showbiz.”
Gusto ba niyang magkaroon ng ka-love team?
Mabining pagngiti ni Queenay, “Opo naman. Gusto ko naman din po. Opo naman, why not, di ba?
“Parang natutuwa din po ako, kasi ang dami rin pong love team na ano, like Belle Mariano and Donny Pangilinan.
“Di ba? Nakakatuwa lang din po na makakita and parang hindi ko rin naman po parang kino-close yung sarili ko bilang ako lang.”
Parehong NBSB (no boyfriend since birth) si Queenay at 26-anyos na Kapampangan na si Mari Mar Tua.
Read: Sing Galing champion Mari Mar Tua wants Joshua Garcia or Teejay Marquez as loveteam partner
Pareho rin nilang bet si Joshua Garcia, at swak na swak sila bilang online hosts ng Lakwatsika, at Arkidia Ate sa Sing Galing Kids.
Meron ba silang competition ni Mari Mar? Maituturing ba silang magkaribal?
“Ay! Wala, wala naman po. Kasi, very close naman po kami talaga,” kainaman na lahad ni Quuenay.
“And ako naman po, I’m so happy sa lahat ng achievements niya. Kumbaga, support ako sa kanya.
“And talagang masayang-masaya ako sa career, sa path na tinatahak niya. And sobrang proud ako.”
Kilala niya si Teejay Marquez?
“Opo, kilala ko naman po. Alam ko na crush ni Mari Mar si Teejay Marquez,” pag-amin ni Queenay.
“Kasi, nagkukuwentuhan kami ni Mari Mar. So, kapag kunyari po, naka-stand by kami. Nagkukuwentuhan muna kami niyan ni Mari Mar.
“So, parang habang nagkukuwentuhan po kami, minsan naka-stand by kami, kuwentuhan muna kami na parang, ‘O ganyan…’
“Tapos minsan, inaasar ko na, ‘O, si Teejay Marquez,’ ganyan-ganyan. Parang ayun, minsan nagkukulitan kami.
“And siguro, napansin din nga talaga ng mga production na parang… maganda silang magsama, na very makulit.
“And very happy vibes lang talaga yung dalawa.”
Sa Hulyo 16, Sabado ng 6:00 p.m. mag-uumpisa sa TV5 ang Sing Galing Kids.
Sing Masters dito sina K Brosas, Donita Nose, at Randy Santiago.
Ang panel of Sing Galing Kids Jukebosses ay binubuo nina Jona, Gloc-9, Morissette, at Ethel Booba.
GORGY RULA
Honestly, hindi ko rin nakilala si Queenay. Akala ko nga, “Binay” ang tawag sa kanya.
Pero habang nakakatsikahan namin siya, parang naalala kong isa siya sa paboritong TikTokerist.
Nalaman naming Queenee Pearl Mercado pala ang tunay niyang pangalan. Kaya ayun, si Queenay pala siya na kilala ng mga bagets at nasa Gen Z.
May dating si Queenay, at nakakatuwa kapag nagpupuntong Batangueña na siya. Mainam ang sagot ni Queenay sa nagtanong kung inaral ba niya ang Batangueña accent.
“Hindi naman ho, hindi ko siya inaral. Kumbaga ho, nasa katawan ko na lang ho kung paano ko… depende sa environment,” paliwanag ni Queenay.
“Kumbaga, dahil ho garine, siyempre may mga iba tayong viewers, baka hindi ako maintindihan!
“Kaya ngayon, kaya ko naman hong mag-switch. Nakakapag-adjust ho ako depende sa kaharap ko.
“Pag Batangueño ang kausap ko, e, di kami’y diretsuhang garine ho ang usapan! E, di Batangueño kung Batangueño! At puro kung puro!
“Pero kung pag ho… mga ganyan… mga professional, ganyan. Or may iba ho kasi na baka hindi maintindihan yung pagsasalita ko kaya iniiba ko rin ho.
“Ina-adjust ko rin yung sarili ko. Kaya ho ayun, nasa katawan ko na yung pag-a-adjust.”
Nagswak din si Queenay sa magandang samahan ng Sing Galing na nakikita ang suportahan nilang lahat.
Kahit ang gagaling sa biritan ng Sing Masters at Jukebosses, kumanta rin siya sa nakaraang mall show ng Sing Galing Kids at naitawid naman niya dahil charming kasi siya.
NOEL FERRER
Sabi nila, maiksi lang ang shelf life ng mga social media stars pero kinakitaan si Queenay ng kakaibang charm.
Sana nga, ma-develop pa ang kanyang kahusayan at patuloy rin ang kanyang goodwill.
I’m sure malaki ang maitutulong niya sa Sing Galing Kids at sa kung saan pa man siya mapadpad.
