GORGY RULA
Personal na kinausap ni Kim Atienza sina Camille Prats at Iya Villania para magpaalam nang sinabi sa kanyang kasama pa rin siya sa bagong programang TikToClock.
Ang TikToClock ay ang game show na ipapalit sa Mars Pa More, ang morning show na hinu-host nina Camille, Iya, at Kuya Kim.
Pahayag ni Kuya Kim sa virtual mediacon ng TikToClock, "Two months bago natapos ang Mars Pa More, sinabi sa amin ni Charles na, 'Guys, wala na ang Mars Pa More.'"
Si Charles Koo ang program manager ng Mars Pa More at TikToClock.
Patuloy ni Kuya Kim, "Ako rin, akala ko, wala na rin ako, wala na ang Mars Pa More. Kasama ako dun.
"On the same day, Charles talked to me, [GMA] management talked to me na dun sa bagong show, kasama ako. Nagulat ako. Kasama pala ako dun.
"Akala ko, wala na ang Mars Pa More, wala na din ako."
Minabuti ni Kim na siya na mismo ang magsabi kina Camille at Iya, bago pa ito kumalat at baka magkaisyu pa.
"Ang dilemma ko ngayon is how to tell Cams and Iya… Alam mo sa showbiz minsan, ang daming nangyayari, ikaw ang huling nakakaalam.
"Sabi ko, it’s my duty now, it’s my responsibility to tell Cams and Iya first and foremost, bago makaabot sa kanila galing sa iba na kasama ako sa TikToClock. Kailangan sa akin manggaling.
"So, the minute that Charles told me that I was part of TikToClock, I asked permission to Charles.
"Sabi ko, 'Can I tell Camille and Iya? Because ayoko sa iba manggaling.'
"Alam mo naman dito sa showbiz, ikaw lang ang hindi nakakaalam, alam na ng buong network, ikaw lang… ganun ba. So, I have to tell them.
"So, I called them right away on that same day. Sabi ko 'I’m part of the new show. I just found out now, through Charles, that I’m part of the new show.'
"And then, mabait yung dalawa… 'Kim, we’re so happy for you. We will pray for you. I hope you will succeed,'" dagdag niyang pahayag.
Sa July 25 ng 11:15 a.m. na magsisimula itong TikToClock. Tampok dito ang iba’t ibang palaro, sayawan, at kantahan na mas pina-intense ng giant clock.
Sa show na ito, bawat minuto ay mahalaga. Bawat countdown, may panibagong aabangan.
"May partisipasyon dito ang studio audience, pati ang home viewers na puwede ring manalo ng cash prizes.
NOEL FERRER
Actually, noong nag-uusap kami ni Kim about the new show, part of it longs for new program assignments, too, for Camille and Iya who were really nice to him sa short stint niya sa Mars Pa More.
Ramdam naman daw ni Kuya Kim ang sincerity nina Iya at Camille na masaya sila sa bago niyang show.
"Malungkot kaming tatlo na nawala yung Mars Pa More. Kasi, that was on air for ten years, e.
"Pero yung sincerity nila sa pagsabing happy sila sa akin… yung dalawang yun, totoong tao yun, e."
JERRY OLEA
“This too shall pass.” Mars No More na ang morning show nina Camille at Iya, at dapat nilang tanggapin iyon.
Masaya tayo para kay Kuya Kim, at hopia tayo na tumagal ang TikToClock nila nina Pokwang at Rabiya Mateo.
Exciting ang pakikipagsalpukan nito eventually with Lunch Out Loud, na simula sa Hulyo 16, Sabado, ay tuwing 11:00 am na mapapanood sa TV5.
