PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

K Brosas still keeps high standard when it comes to love life

K Brosas, umaming sinubukan ang dating apps para magkadyowa.
by PEP Troika
Published Jul 13, 2022
k brosas love life
K Brosas not settling for anything less when it comes to love: “Ano to, basta lang magkadyowa? E di ang tawag dun, booking. Tapos na tayo dun, teh! Ayoko na rin. Been there, than that. Bet ko, kaedad ko o higher. Kasi parang… kung younger, pwede siguro iyong five years, nasa 40s…”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Natawa si Pokwang nang hiningan ko siya ng reaksiyon sa sinabi ng best friend niyang si K Brosas na sa kabila ng mga pinagdaanan ni Pokwang — nagkadyowa, nagka-baby, at nakipaghiwalay — pero siya ay waley pa rin!

Read: K Brosas, matagal nang alam ang breakup nina Pokwang at Lee O'Brian

Sabi ni Pokwang nang nakatsikahan namin sa nakaraang mediacon ng TikToClock, “Alam mo naman ang kumare kong ‘yan. Pinagtatawanan na lang namin. But, hindi naman siya nawawala sa prayers ko, di ba?

“Sabi ko lang sa kanya, ‘Sis, ramdamin mo lang. Nandiyan lang ‘yan. Darating talaga sa ‘yo yung panghabang buhay. At yun naman ang pray ko sa kanya na magkaroon siya ng makakasama na pang habang buhay.”

k brosas pokwang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman nawawalan ng pag-asa si K, pero ang isa raw sana sa gusto niyang mangyari ay magka-baby siya uli.

Sabi naman daw ng OB Gyne ni K ay puwede pa naman siya kahit 40-plus na siya. Pero dahil sa pagnanais na magka-baby, sinubukan na rin pala ni K ang pagpapa-preserve ng egg cells niya na tinatawag na "mature oocyte cryopreservation."

Kuwento ni K sa tsikahan namin sa mall show at Kiddiecon ng Sing Galing Kids nung Sabado, July 9, “Two or three years ago, bago ako mag-45, nagpunta ako sa OB ko, tapos nagtanong ako.

“Ano pala 'yan… sobrang tagal, kasi kailangan mo ng malusog na egg. So, pag-hinarvest yun, imagine every ano, magkano yun?

“Tapos, pag hindi pa kiyeme, waley! Tapos mag-injection para to make sure. Pero ang first ko tinake, yung estrogen, eight thousand plus pala yun, pagkamahal-mahal!

“Yung blood extraction lang yun for that certain test, para malaman kung viable ba o ano… okay pa naman at my age.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-suggest daw ang doktor ni K na puwede rin niyang subukan ang natural na paraan. Pero paano naman daw niya magagawa yun, e, wala naman siyang dyowa?!

“Sabi nga ng doktor, ‘Gawin mo na in natural way.’ Ha? Paano? Ano, Immaculate Conception?” bulalas ni K.

Mahirap na nga raw at magastos kapag merong kan pinapa-freeze na egg cells kaya hindi na niya itinuloy.

“Sabi ng doktor, mas mura sa abroad, Singapore. Kasi, yung frigidaire… Imagine mo, okay na, may viable ka na, healthy egg, tatlo man yan.

“Ipi-freeze mo ngayon 'yan. Tapos, maghahanap na ng surrogate o ikaw. Maghanap ka ng sure blue-eyed… para makakuha ka ng Malia 2.0 [anak ni Pokwang]. Hanap ka ng afam, di ba? Ayun, mga ganun.

“Nangangarap lang naman ako noon. Kasi, narerentahan pala yun, yung freezer.

“Sabi ko nga sa doktor ko, ‘Puwede ba sa ref ko na lang?!’ Di ba? Ganun kakumplikado,” pahayag ng isa sa Sing Masters ng Sing Galing.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Nakakatawa talaga itong magkaibigang Pokwang at K.

Ang sabi pa ni K, “Hindi pa naman ako menopause. Puwede pa naman daw. Pero malay mo, di ba? Diyos ko! Don’t forget, Janet Jackson, 50 years old!

“Kapapa-check up ko pa lang naman, e. Kasi, kasama sa general check-up. Healthy pa naman ang ovaries ko and everything.

“Nakakahiya naman na manawagan ng sperm donor.

“Kung meron tayong tinatawag na stem cell therapy, kailangan ko ng sperm cell therapy. Mas maganda raw yun sa stem cell. Charot!”

JERRY OLEA

Sinubukan din ni K ang mga dating app para makapaghanap ng gusto niyang dyowa, pero hanggang sa ngayon ay wala pa rin daw.

“Maniwala ka sa akin, Tinder, tinray ko na. Bumble, waley! Madami sa abroad!” bulalas ni K.

Sa profile daw niya, hindi siya nagpi-filter para makita nila ang totoo niyang hitsura na walang make-up.

“Yung mga nagti-Tinder, yung mga litrato nila, punung-puno ng ano, para silang mga alaala. Punung-puno ng filter. Pag makita mo na, who you?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayoko ng ganun. Ako, keeping it real. Bumble, ikaw ang magpi-first move, di ba? Kasi, ang inaasahan ko, afam. Sana. Yung hindi ako kilala."

Tapos na rin daw siya sa dyowang mas bata sa kanya o kaya yung kumuha lang ng partner para magkadyowa lang.

“Ano to, basta lang magkadyowa? E di ang tawag dun, booking. Tapos na tayo dun, teh! Ayoko na rin. Been there, than that.

“Bet ko, kaedad ko o higher. Kasi parang… kung younger, pwede siguro iyong five years, nasa 40s…”

E, kung nasa 20s?

“Day! Hindi ko keri! Ayokong maging tiyahin. Hindi na nga tiyahin, nanay na yun, e! Kasi, di ba, yung anak ko, magtu-25 na, e!

“Although I have nothing against sa mga taong 25, wala akong pakialam sa kanila. Dun sila masaya, e.

“Kaso ako, na-try na rin 'yan when I was 29. Nagkadyowa ako ng 19. So, alam ko na yung feeling!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So kumbaga, kahit paano, na-try ko na. At minahal ko yung tao! Pero hindi talaga magwo-work.

“Kasi, nauna pang ikaw yung mas intimidating. Maraming labada. Since 18 years old, single ano na, independent.

“Lahat ng bag ko, walang nagbigay niyan. Pera ko lahat 'yan. Nai-intimidate sila dun.

“So, kahit gaano mo kamahal yung tao, pag mas malaki ang kinikita ng babae — para lang sa akin yun, ha — parang it will always come up.

“Kasi, ego yun, e. Lalaki yun, e. Gusto niyang maging provider, e. Yun ang vow nila, e.

“So, pag kumuha ka ng mas bata, lalo na pag ganun kabata, tapos walang trabaho, ganda lang…”

Kailangan din ba, mas matangkad kesa sa kanya yung lalaki?

“Hindi, na-in love na rin ako sa 5’4”… 5’8” ako. Sabi ko sa inyo, been there, done that.

“Kaya ngayon, karapatan kong magkaroon ng mataas na standard. Karapatan ko yun.

“Kasi, lahat ng hinanakit, pinagdaanan… dinaanan kong mag-isa. Wala akong katuwang,” madamdaming hanash ni K.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Hulyo 16, Sabado ng 6:00 p.m., mag-uumpisa sa TV5 ang Sing Galing Kids.

Kasama rito ni K bilang Sing Masters sina Donita Nose at Randy Santiago. Ang panel of Sing Galing Kids Jukebosses ay binubuo nina Jona, Gloc-9, Morissette, at Ethel Booba.

Arkidia Ates sina Queenay at Mari Mar Tua. Kasali rin sa show ang mascot na si Genie, pati na sina Zendee, Yoyo, at Tyronia.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
K Brosas not settling for anything less when it comes to love: “Ano to, basta lang magkadyowa? E di ang tawag dun, booking. Tapos na tayo dun, teh! Ayoko na rin. Been there, than that. Bet ko, kaedad ko o higher. Kasi parang… kung younger, pwede siguro iyong five years, nasa 40s…”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results