PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anak nina Zsa Zsa Padilla at Dolphy na si Zia, ikakasal na

Zsa Zsa Padilla, daughter Zia mark 10th death anniversary of Dolphy.
by PEP Troika
Published Jul 10, 2022
Zsa Zsa Padilla, Zia Quizon, Dolphy
Zia Quizon (right photo, wearing specs) nagbigay-pugay sa yumaong ama at King of Comedy na si Dolphy sa ika-10 death anniversary nito. Si Zia ay nakatakdang ikasal sa nobyo nito, at gaganapin ang kasal sa Serbia.
PHOTO/S: Jerry Olea / @ziaquizon Instagram

NOEL FERRER:

Ngayong Hulyo 10, Linggo, ang 10th Death Anniversary ni Tito Dolphy.

Kahapon pa lang, nag-post na si Zsa Zsa Padilla ng paghahanda ng puntod ng Hari ng Komedya sa Heritage Park at ang sabi’y, "All Set For Tomorrow, Dolphy’s 10th Death Anniversary."

Zsa Zsa Padilla

Mamayang gabi naman ay lilipad si Zsa Zshing para sa kasal ng anak niyang si Zia Quizon sa Serbia. Ikakasal si Zia sa longtime boyfriend niyang si Alexsa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang post ni Zia sa kanyang social media account ngayon ay ito (published as is):

"Dear Papa,

"How I miss you, How I wish that you were here, To walk me down the aisle, And smile, And maybe shed a tear

"I knew this day was coming / And I knew that you’d be gone, / But still I hear you humming, / Strumming to a joyful song

"No, it isn’t how I planned it, / But he’s all I hoped he’d be, / There is family that’s chosen, / And I chose what’s best for me

"Maybe somewhere you are watching / Over on some distant star, / And I’m sorry you won’t be here, / But the truth is you are."

Aleksa, Zsa Zsa Padilla, Dolphy

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta naman si Zsa Zshing sa pagpapakasal ni Zia?

Ang sagot lang ng kaibigan natin ngayong umaga ay, "Masaya kapatid!"

Buti na lang, nalaman natin na dito pa rin naman sa Pinas ang magiging homebase ni Zia at ng mapapangasawa niyang si Aleksa. Best wishes, Zia! And yes, nandito lang lagi kami para kay Zsa Zsa at sa pamilya ninyo!

GORGY RULA:

Naalala kong meron silang ipinapatayong museum sa Batangas bilang pag-alala kay Mang Dolphy. Hindi ko lang tiyak kung sa Calatagan ito, pero matatagpuan daw ito sa 14-hectare Dolphyville Estates.

Involved din daw si Zsa Zsa sa pagpapatayo nito, na tumutulong kay Eric Quizon. Doon ay ilalagay nila ang lahat na mga memorabilia ng King of Comedy.

Sana matapos na ito, dahil kailangan talagang maitago itong mga mahahalagang bagay na may kaugnayan kay Mang Dolphy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Baka makakaya mo na rin, Sir Noel, na i-push sa pagiging National Artist si Mang Dolphy, na nararapat naman talaga. Ano kaya ang kulang, bakit hanggang nomination lamang siya?

Samantala, sinisikap pa rin ng magkakapatid na Eric, Epy, at Vandolph na maipagpatuloy ang kanilang programang Quizon CT na napapanood tuwing Linggo sa Net 25.

Tipong travel comedy program ito na parang gag show, bilang pagbibigay-pugay na rin sa kanilang namayapang ama. Hindi ko na ito nasisilip, pero ang pagkakaalam ko ay tuloy pa rin sa Net 25.

Ang alam ko ay inalok ito ng Quizon brothers sa ABS-CBNat GMA-7, pero hindi pasok. Kaya ang laki ng pasasalamat nilang kaagad na tinanggap ito ng Net 25.

JERRY OLEA:

Tampok sa cable channel na Cinema One ang movies ng nag-iisang King of Comedy tuwing Martes ng 9:00 a.m. ngayong Hulyo.

Matutunghayan ang mga timeless na pelikula ni Dolphy gaya ng Father Jejemon sa Hulyo 12; Home Along Da Riles 2 sa Hulyo 19; at Dobol Trobol sa Hulyo 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Palabas din ngayong Hulyo sa Cinema One tuwing Linggo ng 11:00 a.m. ang mga pelikulang tinampukan nina Fernando Poe Jr. at Susan Roces.

Take note na Hulyo 28, 1941 ang kapanganakan ng movie queen na si Susan kaya bale birthday presentations niya ang mga pelikulang ito.

Panoorin ang mga ito sa “FPJ: Hari ng Pinoy Cinema” block sa Cinema One simula ngayong Hulyo 10 sa Ang Daigdig Ko’y Ikaw; at susundan ng Pilipinas Kong Mahal sa Hulyo 17; Mahal, Ginagabi Ka Na Naman sa Hulyo 24; at Salaginto’t Salagubang sa Hulyo 30.

Kilala bilang tahanan ng Pinoy blockbuster movies, mapapanood ang Cinema One sa Cignal Channel 45, SKYcable Channel 56, at iba pang local cable service providers.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zia Quizon (right photo, wearing specs) nagbigay-pugay sa yumaong ama at King of Comedy na si Dolphy sa ika-10 death anniversary nito. Si Zia ay nakatakdang ikasal sa nobyo nito, at gaganapin ang kasal sa Serbia.
PHOTO/S: Jerry Olea / @ziaquizon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results