PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis, Barbie, Julie to star in Maria Clara at Ibarra

Sino kina Barnie at Julie Anne ang gaganap na Maria Clara?
by PEP Troika
Published Jul 8, 2022
dennis trillo barbie forteza julie anne san jose
Kapuso stars Dennis Trillo, Barbie Forteza, and Julie Anne San Jose were chosen to star in the historical-fantasy drama Maria Clara at Ibarra.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban / @barbaraforteza on Instagram / Bolichie Suzara

GORGY RULA

Tatlo ang mga bida sa bagong series ng GMA-7 na malapit na nilang simulan.

Sina Dennis Trillo, Barbie Forteza, at Julie Anne San Jose ang tampok sa isang historical portal fantasy na pinamagatang Maria Clara at Ibarra.

Kakaibang paglalahad ito ng libro ng Noli Me Tangere ng ating Pambansang Bayaning si Gat Jose P. Rizal.

Sisimulan ito ng kuwento ni Klay, isang nursing student na gustung-gusto nang magtrabaho sa ibang bansa. Pero magigising na lang si Klay isang araw na nasa mundo na siya ng Noli Me Tangere.

Makikilala niya sina Maria Clara, Ibarra, at iba pang mahahalagang karakter na naging bahagi ng nobelang ito.

Obviously, si Dennis ang gaganap na Ibarra. Abangan na lang kung sino kina Barbie at Julie Anne ang gaganap bilang Maria Clara at ang nasa Gen Z na si Klay.

Tiyak na ngayon pa lang ay naghuhulaan na ang mga fans nina Barbie at Julie Anne kung sino sa kanila ang gaganap na Klay at Maria Clara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binubuo pa ang ibang cast na gaganap sa mga mahahalagang karakter na bahagi ng nobelang Noli Me Tangere. Malaking project ito na dinig namin ay tatlong buwan silang mala-lock-in sa Ilocos.

JERRY OLEA

Ibang-iba ito sa 13-episode CCP telemovie na Noli Me Tangere (1993), na idinirek ng National Artist na si Eddie Romero.

Nagsyuting ang Noli Me Tangere sa Ilocos, at tinampukan nina Joel Torre (Crisostomo Ibarra), Chin Chin Gutierrez (Maria Clara), Tetchie Agbayani (Sisa), Subas Herrero (Padre Damaso), Manny Palo (Padre Salvi), Rolando Tinio (Pilosopong Tasio), at Daniel Fernando (Elias).

Nasa cast din sina Ruben Rustia (Kapitan Tiago), Jaime Fabregas (Alferez), Lloyd Samartino (Alfonso Linares), Atong Redillas (Basilio), Lorli Villanueva (Doña Consolacion), Caridad Sanchez (Doña Victorina), Perla Bautista (Tia Isabel), Nonie Buencamino (Albino), at marami pang iba.

noli me tangere 1993

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Chin Chin Gutierrez and Joel Torre in Noli Me Tangere

Natutuwa tayo na sa Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ipinagkatiwala ang papel na Crisostomo Ibarra.

Inakala ko na si Sanya Lopez ang magiging Maria Clara dahil sa debut single niyang "Hot Maria Clara."

Si Barbie Forteza ang tinaguriang Kapuso Primetime Princess. Premyadong aktres siya.

Dahil nasa title ng serye ang Maria Clara ay bida ang dating ng karakter na ito, at iyung nursing student na si Klay ay suporta lamang.

Hindi naman siguro nila ito gagawing "Maria Clara & Ibarra & Klay" in the tradition of Vince & Kath & James (MMFF 2016) and "James & Pat & Dave" (2020).

Andaming magagandang location para pagsyutingan sa Ilocos Sur at Ilocos Norte. Andiyan ang Calle Crisologo sa Vigan. Sandamukal din ang mga sinaunang simbahan, gaya sa Santa Maria, Bantay, Paoay, Sarrat, at Bacarra.

NOEL FERRER

Noble ang paggawa ng isang historical serye na ang pangunahing pakay ay mag-inform at mag-educate habang ine-entertain din ang mga manonood.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakakatuwa ang ganitong initiative ng GMA7 at kahanga-hanga ang pagtaya nila sa isang out-of-the-ordinary teleserye!

Sana, masuportahan natin ito kapag buo na, at kaisa tayong nananalangin na maganda sana ang kalalabasan nito. Grabeng trabaho at research ang nakapaloob dito, you bet!

Lagpas ito, I’m sure, sa tsismis! All the best!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso stars Dennis Trillo, Barbie Forteza, and Julie Anne San Jose were chosen to star in the historical-fantasy drama Maria Clara at Ibarra.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban / @barbaraforteza on Instagram / Bolichie Suzara
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results