GORGY RULA
Nagsimula nang mag-taping ng Running Man Philippines sa South Korea.
Sabi ng ilang napagtanungan namin, masaya at exciting ang mga unang ginawa nila. Hanggang dun lang ang puwedeng isagot sa akin ng aming source dahil bawal daw ikuwento ang mga kaganapan doon.
Pero mukhang ang saya ng pitong participants ng Kapuso reality show na sina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Buboy Villar, Lexi Gonzales, at Angel Guardian base sa mga nai-post nila sa kani-kanilang Instagram account pagdating nila roon.
Ang ganda ng kuwarto na tutuluyan nila na ipinakita ni Glaiza sa Instagram.
Si Kokoy ay ipinost ang coffee mate daw niya na si Mikael.
Bago sila tumulak patungong South Korea nung nakaraang linggo, nakatsikahan namin sila sa isang mediacon via Zoom.
Tinanong namin kung ano ang suportang ibinigay ng kanilang dyowa na halos dalawang buwan nilang hindi makakasama. Gaano nila ito ka-miss?
Sabi ni Glaiza, nakakasanayan na nila ng asawa niyang si David Rainey ang mahiwalay nang matagal-tagal kapag nasa lock-in taping siya.
“Nasa Ireland naman si David. So, parehas kaming magiging busy kaya enjoy namin pareho yung kabisihan namin.
“Yung suporta naman, laging nandiyan. Kung ano man yung projects na ginagawa ko, lagi naman nakasuporta si David,” pakli ni Glaiza.
Read: Glaiza de Castro on husband David Rainey: "Finally, nandiyan na siya. Magkasama na kami forever."
“Mag-e-enjoy ako sa Korea. Alam ko, naiingit siya dahil baka makita ko ang BTS dito,” bulalas ni Mikael patungkol sa misois niyang si Megan Young.
Pero sa huling post ni Mikael sa Instagram, sinabi niyang malaking adjustment ito sa kanya dahil matagal-tagal niyang hindi makakasama ang kanyang “Boneezy” na si Megan.
Read: Megan Young and Mikael Daez: Making Love Last Forever
Bahagi ng caption ni Mikael sa kanyang IG post, “Nobody to make coffee for me, wala na akong ka-ragnarok and I don’t have my two favorite food items — Soba and Chia.
“However, I also stand by my prediction that there’s so much that both of us will learn from this separation.”
Baka maka-selfie pa raw niya sa daan ang BTS member na si Seok-jin.
Sinagot naman siya ni Megan ng, “Fofo just make sure that it’s Kim Seokjin… Baka sa ibang Seokjin ka magpa-picture hehehe!”
Pa-safe naman ang sagot ni Ruru Madrid. Pero obvious namang si Bianca Umali ang tinutukoy niyang kailangan nilang magsakripisyo na mapalayo uli nang matagal-tagal.
Read: Ruru Madrid on relationship with Bianca Umali: “It's not that gusto naming ilihim ito sa mga tao.”
“Sa ganitong klaseng sitwasyon, siyempre maraming sakripisyo yan. Lalo na’t parang panibagong lock-in na naman ito.
“Tapos this time, nasa ibang bansa ka pa. Pero kaya naman ‘yan as long as nagtitiwala kayo sa isa’t isa.
“Alam mo kung paano i-handle ang maraming bagay. Siyempre, mami-miss nyo ang isa’t isa.
“Dapat alam nyo na kung papaano niyo gagawin diyan, at kung papaano ang pagiging solusyon niyo,” pahayag ng bida ng Lolong.
NOEL FERRER
Hindi sumagot si Lexi Gonzales sa tanong na ito dahil hindi pa hayagan ang relasyon nila ni Gil Cuerva.
Read: Gil Cuerva at Lexi Gonzales, umaming "dating" ang relationship status
Si Buboy Villar naman ay ginagawa na lang biro ang sagot na sinasabi niyang masaya raw ang love life niya.
“Basta, happy ako. Busog ako!” bulalas ni Buboy.
Read: Buboy Villar, sinusulit ang panahon sa mga anak bago lumipad sa South Korea
Pero si Kokoy de Santos ay itinukso kay Angel Guardian na baka magkadebelopan silang dalawa sa Korea.
Ang daming nagka-crush kay Angel at baka pati si Kokoy ay ma-attract. Pero tinukso ni Buboy si Kokoy na baka kay Mikael daw ito ma-develop.
Sabi ni Kokoy, “Siyempre, wala namang imposible, di ba? I mean... alam ko, maraming nagkakagusto.”
Reaksiyon naman ni Angel, “Tulad po ni Buboy, busog po ako and happy po ako. Open answer yun, ha? Hindi ako nag-no, hindi ako nag-yes.”
Basta ako, aabangan ko ang magaganap dito dahil kasama ang isa sa mga paborito kong Kapuso na si Ruru Madrid!
JERRY OLEA
Malihim talaga si Kokoy. May naulinigan tayong malapit sa puso nito, pero mas minabuti nilang manatiling tahimik sa estado ng kanilang relasyon.
Kaya hayaan natin sina Gil at Lexi kung ayaw nilang aminin sa publiko ang kanilang pagmamahalan.
Ganun din sina Alexa Miro at Congressman Sandro Marcos, di ba?
Iyon ngang sexy actress at actor-politician, nabalitaan nating meron nang pandemic baby pero hindi pa umaamin.
Iyong sikat na aktor at mahusay na aktres, magdadalawa na ang supling pero quiet pa rin. Baka pag tatlo o apat na ang kanilang mga anak, saka sila aamin?
At any rate, excited ako kay Buboy Villar sa Running Man Philippines.
Abang-abang ako sa mga pasiklab niya sa reality variety show na ito!
