NOEL FERRER
Isang napakaganda at grounded na Juliana Gomez ang bumungad sa PEP Troika sa Piña Festival 2022 na naantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19.
Lumagi ang 21-anyos na si Juliana sa Ormoc ngayong pandemic at naibahagi niya na nahasa ang skill niya sa fencing.
And wait, there’s more… nakahiligan din niya ang pagbe-bake. Habang ang kanyang amang si Richard ang tagahanda ng main dishes, ang ina ang taga-set ng table, si Juliana ang tagahanda ng dessert.
Nakakatuwa si Juliana na lalo pang napalapit sa kanyang pamilya dahil buo ang panahon nila.
Okay naman sa kanya ang mag-face-to-face classes na ulit sa UP pero naghihintay pa rin siya ng official declaration ng state university.
Tito Jerry at Tito Gorgy, hindi ba kayo natutuwa sa anak-anakan nating si Juliana? Sobrang nakaka-proud siya.
JERRY OLEA
Umuwi agad sa Ormoc City si Juliana pagka-announce na magkakaroon ng community quarantine sa NCR noong Marso 2020.
Handa na ba siya if ever mag-face-to-face classes na muli sa UP Diliman, kung saan incoming fourth year student siya?
“I haven’t heard anything from UP,” sambit ni Juliana.
“I’d rather stay here in Ormoc just because I feel like I’m more productive here. Because when I’m in Manila, I spend 60 percent of the time in the car.
“And I don’t see my parents often there. And there’s just the three of us. My family is really in Ormoc.”
Magpapalit ng posisyon ang parents niya. Magiging Manila-based na si Goma bilang congressman ng fourth district of Leyte, samantalang mananatili na si Lucy sa Ormoc bilang bagong mayor ng lungsod.
Paano mababago ang dynamics nila sa pamilya?
“I think, not really,” malumanay na tugon ni Juliana.
“Kasi, when Mama was in Manila, Dad would fly to us. But now that mom is in Ormoc, I think we’ll be coming to Ormoc more often.
“And we don’t mind 'coz I really think my life is, you know, my training, and my friends get to come here. Online classes, I’ve adjusted.”
Solong anak si Juliana. Gusto ba niya ng maraming anak sakaling mag-asawa siya?
Napakunot-noo ang dalaga, “I really haven’t thought of that yet, to be honest. In fact I haven’t… I don’t even think about marriage.
“I’m so focused about what I want for myself. Is that selfish? Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Is that selfish? Is that OK?”
Maraming pets sa bahay nila… may aso, baboy, gansa, bibe, turkey, pagong, at mga manok.
Read: Lucy Torres-Gomez, Richard Gomez build animal kingdom in their Ormoc City home
Napangiti si Juliana, “My dad has had a few pets. They add to the vibe of the house. It’s fun. It’s fun having them around.
“Adds noise. Tatlo lang kami, e.”
ON BOYFRIEND MIGGY BAUTISTA
May Instagram account si Juliana pero hindi siya active dito. Na-surprise daw si Juliana na naging news ang pagpo-post niya sa IG ng boyfriend niyang si Miggy Bonnevie Bautista.
Read: Juliana Gomez posts lake adventure with rumored boyfriend Miggy Bonnevie-Bautista
Bakit siya na-surprise, e, celebrity siya?
Pagpapakumbaba ni Juliana, “No, I think my parents are, but not me. I’m just on the side… I’m just an extension of, you know…”
Nai-invade ang kanyang privacy dahil nasa public eye ang kanyang mga magulang?
“It’s OK because I’m not too public about my life. So, anything I post is, you know, safe for everyone to see,” sambit ni Juliana.
Yung pag-e-escort noon ni Andres Muhlach kay Juliana sa prom, e, nag-viral.
“I think it’s only viral because of who our parents are. Natuwa yung mga tao dun. We had a good time,” kuwento ni Juliana.
“We’re still friends… It’s just that, at that time we were entering college. I went to UP, and then later on he went to Spain.”
Sabi ni Marco Gallo, isa sa mga reasons kaya umalis ito before sa bansa ay dahil may regret ito na hindi pinush ang panunuyo kay Juliana. Parang heartbroken ito?
Read: Marco Gallo explains why he and Juliana Gomez broke up
“Ohhhh… I didn’t know he’s that serious. At that time I was just about, what, 17. I think he was around the same age.
“So I can’t say much about that relationship cuz it was… I think it was like a… wala, e, bata kami, e.”
Napanood ba niya ang butt exposure ni Marco sa pelikulang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso? Nag-viral ang trailer niyon at pinagpistahan ang flawless butt ni Marco.
“Really. I have not seen the movie. But good for him na he has a new project. Good for him,” sambit ni Juliana.
Integrated na sa family ni Juliana ang boyfriend niyang si Miggy. Supportive ang kanyang parents sa kanilang relasyon. Nagsimula muna sila ni Miggy bilang very good friends.
Na-intimidate ba si Miggy sa parents niya na celebrities?
“No. I don’t think he’s intimidated,” sabi ni Juliana.
“My parents are actually very relaxed about it because, ahhhmm, wala, like they always see him around.
“And we both fence.”
Ano ang reaksiyon nina Goma at Lucy nang i-introduce niya si Miggy as her boyfriend?
“Nothing 'coz I didn’t introduce him. It was just something my family knew. It was not something na a big moment.”
GORGY RULA
Sabi nga ni Mayor Lucy Torres-Gomez, napakabait ni Juliana, suportado nila ang lahat na ginagawa nito.
Pati sa love life ng dalaga ay hindi isyu sa kanila ang pakikipag-boyfriend nito. Nakikita namang tanggap ang boyfriend nitong si Miggy na ka-bonding ni Juliana sa fencing.
Sabi ni Mayor Lucy, “I don’t want to complicate something that’s very normal. It’s part of growing up.
“Kami ni Juliana… she knows the rules. Juliana is an easy child. Even before, she has never been… hindi siya yung madrama. Hindi siya demanding.”
Sabi naman ng ama, si Cong. Goma, “Hindi ko na sila mapipigilan, e. Ang layu-layo ng Ormoc, nakakapunta sila dito, e.
“Since nandiyan na, sige. Basta nakikita mong nandiyan.”
Sa pagluluto naman ang isa sa bonding ng mag-amang Cong. Goma at Juliana. Kung sa mga ulam ang specialty ng actor-politician, ang anak naman niya ay bongga sa desserts.
“Pag nag-vlog ako… dito ko ginagawa sa bahay. Pag nandiyan si Juliana, tinatawag ko. ‘Juliana, halika dito magluto tayo sumama ka dito sa episode na ‘to.’ Enjoy naman siya.
“Si Juliana magaling gumawa ng desserts at magaling siya gumawa ng mga sandwiches,” kuwento ni Cong. Goma.
Hindi pa masabi kung susunod din ba si Juliana sa yapak ng mga magulang niya na pasukin ang pulitika.
Sabi naman ni Juliana, puwede siya sa public service na hindi na kailangang tumakbo sa eleksyon. Nakakapagsilbi naman daw siya kahit wala siyang posisyon.
Pero hindi pa rin masasabi, ayon kay Cong. Goma, dahil Public Administration ang kursong pinag-aaralan ni Juliana sa UP.
“Hindi ko alam kung interesado ba siya sa pulitika o gusto niyang maging abogado in the future. Yun naman ang kababagsakan niya,” pahayag ni Cong. Richard.
NOEL FERRER
At nang makausap ko si Miggy na boyfriend ni Juliana ay sinabihan ko ito ng, “Take care of our Juliana” na mabilis naman niyang sinagot ng “I will.”
Hayyy, tumatanda na nga tayo, mga Ka-Troika. Ang gaan at saya lang ng pakiramdam na nasa maayos na kalagayan ang mga kaibigan natin sa industriyang ito.
