PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Gomez relishing last days as mayor of Ormoc City

Richard, may mga bilin kay Lucy Torres-Gomez bilang bagong mayor ng Ormoc City.
by PEP Troika
Published Jun 27, 2022
richard gomez
Outgoing Ormoc City Mayor Richard Gomez's two reminders for incoming Mayor Lucy Torres-Gomez, his wife: “One, always wear your ID — we should always follow the orders/rules that we set. And, two, be careful with the documents you sign. You should really be extra careful with the things you attach your name to.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Gorgy Rula

JERRY OLEA

Nag-last flag ceremony si Richard “Goma” Gomez bilang mayor ng Ormoc City nitong Hunyo 27, 2022, Lunes ng umaga.

Sa susunod na Lunes, ang maybahay na niyang si Lucy Torres-Gomez ang mangunguna sa flag ceremony ng lungsod.

Manila na ang magiging base ni Goma bilang bagong congressman ng ikaapat na distrito ng lalawigan ng Leyte.

Open na ba siya sa possibility na gumawa muli ng pelikula o TV series?

“Siguro mahihirapan, pero puwedeng pag-isipan,” tugon ni Goma nang mainterbyu namin nitong Hunyo 26, Linggo ng gabi, sa Ormoc Museum.

“Katulad nung time na ginawa namin yung Three Words To Forever (2018), dito namin syinut yung mga 90 percent of the film.

“So, sina Sharon [Cuneta], sina Kathryn [Bernardo], they were here for about a month, nagsyusyuting kami dito.”

Naging opportunity ang film para maipakita sa mga tao kung gaano kaganda ang Ormoc.

Isa rin sa maipagmamalaki ni Goma sa panunungkulan niya bilang mayor ng Ormoc ang peace and order situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Bago ako naging mayor, ang Ormoc City used to be the drug capital of Region XIII,” lahad ni Goma.

“And when I became mayor, yun talaga ang prinioritize ko, na kailangan matanggal yung problema ng droga.

“In less than a year, na-achieve namin na manalo kami na one of the safest cities in the Philippines.”

NOEL FERRER

After ng Piña Festival na nagtapos kagabi, at laging may special front row access ang PEP Troika, nagkaroon ng courtesy call kay Mayor Goma ngayong Monday morning ang media. Halos hindi namin namalayan ang 4.1 na magnitude ng earthquake na naganap dahil sa ganda at saya ng usapan.

Tumuloy ang grupo sa Alto Peak Café na may masarap na sikwate at suman at mangga, then sa Lake Danao na isang napakagandang Eco-Tourism place.

Dumaan din kami sa COVID isolation place ng mga taga-Ormoc na ngayo'y housing project na, at ang tawag ay Ormoc Highlands with two model units na inayos mismo nina Goma at Lucy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May Lechon Festival, na major event, ngayong Lunes ng gabi, June 27.

Samantalang bukas, June 28, ang kanilang inauguration as Mayor Lucy at Congressman Goma, at darating sina ZsaZsa Padilla at Andrew E.

Sobrang ninanamnam ni Goma ang last days niya bilang mayor ng Ormoc at magiging based na siya ulit sa Manila kapag congressman na siya. Pero babalik-balik siya ng Ormoc as much as he can katulad ni Lucy noon.

Nang matanong kung ano ang magandang reminder ni Goma kay Lucy ngayong ire-relinquish niya ang pagka-mayor niya ng siyudad, sagot niya, “One, always wear your ID — we should always follow the orders/rules that we set.

“And, two, be careful with the documents you sign. You should really be extra careful with the things you attach your name to.”

Napakagandang pangitain at prinsipyo. Dahil sa huli’t huli, napangalagaan nina Goma at Lucy ang kanilang pangalan at reputasyon, lalo na sa kanilang komunidad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Nakikita namin kung gaano kamahal si Mayor Goma ng leaders niya at mga staff na present sa last flag raising sa munisipyo ngayong Lunes.

Pati mga athletes niya na nakapaglaro na sa SEA Games ay dumating din para magbigay-pugay sa kanya. Narinig kong sinasabihan niya ang mga ito na tuluy-tuloy lang ang training.

Nakakatuwa talaga si Mayor Goma dahil kilala niya ang lahat na athletes na talagang binabanggit niya ang pangalan ng bawat isa.

richard gomez athletes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong nasa Kongreso na ang actor-politician at nasa legislative na siya, tinanong namin siya kung ano ang naiisip niyang gawin para sa ating film industry.

Unang naisip daw niya ang bumuo ng film archive dito sa atin. Nanghihinayang siya sa mga magaganda nating film classics na wala na tayong nakukuhang kopya ngayon.

Natawa na lang siya nang tinanong namin kung meron pa kayang kopya ng pelikula niyang Tuklaw at Super Islaw. Nalaman daw niya sa Regal Films na wala nang makukuhang kopya ng Super Islaw.

Pero napakaraming pelikula ni Mayor Goma na dapat talagang i-preserve at dapat na mapanood ng mga millennials at nasa Gen Z. Mabuti raw na karamihan sa mga magagandang pelikulang nagawa niya ay na-restore ng ABS-CBN Film Restoration.

Pero sana, suportahan daw ng bagong administrasyon natin ang pagpapagawa ng isang film archive sa ating bansa.

“Alam mo, ang dami nating pelikula na hindi na-store nang mabuti. Nabubulok and inaamag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s very important na through the funds coming from the national government, gumawa tayo ng film archive. Nang sa ganun, ma-restore natin… yung ma-restore natin yung film stock.

“Kasi pag tingnan mo yung mga films natin noon, nasa Quiapo na. Ginagawang torotot, e. Yun talaga ang gusto kong palakasin.

“It’s very important sa ating movie industry na meron tayong film archive… yung controlled yung temperature, controlled yung humidity,” saad ni Congressman-elect Richard Gomez.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Outgoing Ormoc City Mayor Richard Gomez's two reminders for incoming Mayor Lucy Torres-Gomez, his wife: “One, always wear your ID — we should always follow the orders/rules that we set. And, two, be careful with the documents you sign. You should really be extra careful with the things you attach your name to.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results