PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rocco Nacino gets emotional by baby kick in Melissa Gohing's womb

Rocco at Melissa, may sampung pangalan nang pinagpipilian.
by PEP Troika
Published Jun 21, 2022
rocco nacino melissa gohing baby
Rocco Nacino on list of names for baby with wife Melissa Gohing: “Karamihan sa Bible. Kasi blessing, e. Matagal na kaming nagta-try, ayun, tapos nangyari.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @gohingmelissa on Instagram

GORGY RULA

Napaiyak si Rocco Nacino nang naramdaman niyang sumipa ang baby sa sinapupunan ng misis niyang si Melissa Gohing.

Read: Rocco Nacino and Melissa Gohing are having a baby boy

Iyan ang kaagad na tsika sa amin ni Melissa nang nakapanayam namin siya sa premiere night ng Korean action-comedy film na The Roundup na ginanap sa SM Megamall nung Lunes, June 20, 2022.

Nag-enjoy ang mag-asawa sa movie, lalo na’t okay na raw si Melissa lumabas, kaya nakakapag-date na sila.

Saad ni Melissa, “Yung first trimester talagang medyo hell na months for me, e. Pero masaya na ako, kasi nasa babymoon stage na.

“So, nakakalabas na, nakakanood na ng movies, nakaka-date na kami, and looking forward sa last trimester,” saad ni Melissa.

Nasa six months na ang ipinagbubuntis ni Melissa. Mabuti katatapos lang ni Rocco ng First Lady, kaya habang wala siyang trabaho, nakaalalay, at binabantayan niya si Melissa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron daw susunod na gagawin si Rocco sa GMA-7, pero kung siya ang masusunod, ayaw muna niyang mag-work hanggang sa mcelebrakapanganak ang kanyang asawa.

“Ako ang may gustong mag-leave, siya [Melissa] ang ayaw. Gusto niya, mag-work ako. Sana makaya, mag-work lahat,” pakli ni Rocco.

Gusto ng Kapuso actor na nandiyan siya sa huling trimester ng pagbubuntis ni Melissa hanggang sa panganganak kaya pinag-iisipan pa niya kung magtatrabaho pa siya.

Lahat daw kasi ay tinututukan ni Rocco, kagaya nitong pagsipa ng baby ay gusto raw niyang maramdaman. Ibang feeling daw ito para sa kanya.

“Yung first niya na na-feel, umiyak siya. Sayang, hindi ko nakunan, e,” kuwento ni Melissa.

Baby boy pala ang gustong first baby ni Melissa, pero si Rocco ay baby girl.

Open na rin si Melissa sa posibilidad na masundan ang first baby nila, at baka baby girl na raw ang susunod.

“Sana girl yung next, para sa kanya,” pahayag ni Melissa habang itinuturo si Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ten (10) names na ang pagpipilian nina Rocco at Nacino para sa kanilang panganay. Karamihan daw ay kinuha nila sa Bible ang pangalan.

“Karamihan sa Bible. Kasi blessing, e. Matagal na kaming nagta-try, ayun, tapos nangyari,” sabi ni Rocco.

May listahan na rin sila ng mga ninong at ninang pero hindi pa raw nila nakakausap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi ko alam kung paano magtanong, pero bahala na. Siyempre, excited nga kami. I’m sure naman mag-ooo ang tatanungin naming ninong at ninang, kasi close namin talaga,” pahayag ni Rocco.

NOEL FERRER

Masaya tayo sa mag-asawang Rocco at Melissa. OK iyan, sunud-sunurin na ang baby para they will grow up na parang barkada nila ang mga anak nila.

Nakaka-excite kung paano maiiba ang buhay nila bilang partners, but it seems like they will make good parents dahil sobra rin silang nag-uumapaw ng pagmamahal mula sa kanilang pamilya.

All the best, Melissa and Rocco. Looking forward pa rin kami sa Antipolo house tour!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino on list of names for baby with wife Melissa Gohing: “Karamihan sa Bible. Kasi blessing, e. Matagal na kaming nagta-try, ayun, tapos nangyari.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @gohingmelissa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results