PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rocco Nacino, Melissa Gohing list of names for their baby boy

Hindi kaya maging Junior ang baby boy nina Rocco at Melissa?
by PEP Troika
Published Jun 15, 2022
rocco nacino melissa gohing baby name
Excited na raw si Rocco Nacino sa pagdating ng baby boy nila ng misis na si Melissa Gohing.
PHOTO/S: Nice Print Photography

GORGY RULA

Nagpasalamat si Rocco Nacino sa lahat na bumati sa kanila ni Melissa Gohing, pagkatapos ng kanilang gender reveal.

Aware silang lahat na baby boy ang gustong panganay ng mag-asawa kaya sobrang excited sila.

Read: Rocco Nacino and Melissa Gohing are having a baby boy

Naka-text ng PEP Troika si Rocco ngayong Miyerkules, June 15, 2022.

Excited na raw siya sa baby boy nila ni Melissa.

Tinanong namin ang Kapuso actor kung may naisip na ba silang pangalan sa kanilang anak.

“May listahan na kami nasa research…” text ni Rocco sa PEP Troika.

May kinakausap na ba silang mga kaibigan at kamag-anak na magiging ninong at ninang?

“Yes po. May kakausapin na po para maging ninong at ninang,” sagot ng Kapuso actor.

Kinulit ko uli kung meron ba siyang maibigay na ilang pangalan ng kukunin nilang ninong at ninang.

Sagot niya, “Ah hehehe di muna, Kuya Gorgy, hehehe [smile emoji].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kakausapin pa lang daw muna kasi nila ang mga ito, at maaaring meron silang gagawin para sa announcement ng ipapangalan sa kanilang baby at kung sinu-sino ang napili nilang godparents.

Sa ngayon ay nakatutok lang daw siya sa pag-alalay kay Melissa. Nasa 22 weeks na ang pagbubuntis ni Melissa at papasok na ito sa third trimester.

Natutuwa kami para kay Rocco dahil talagang unti-unti na niyang natutupad ang lahat ng kanyang pinapangarap. Ramdam naming masaya siya sa kanyang buhay may-asawa, pati sa kanyang showbiz career.

NOEL FERRER

Masaya tayo para kina Rocco at Melissa, at nakasuporta tayo sa kanilang maayos na pagpapamilya.

Teka, kailangang ituloy na rin ang home tour ng PEP Troika sa kanilang bahay sa Antipolo!

Sa patuloy na pagsusumikap ng dalawang magagandang nilalang na ito, hangad natin ang more blessings kina Rocco at Melissa Gohing Nacino!

JERRY OLEA

Dalangin natin na lalong tumibay ang pagmamahalan nina Rocco at Melissa sa pagdating ng kanilang panganay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As I’ve said before, Kota Kinabalu na tayo sa showbiz couples na naghiwalay hindi pa man naghahati ang taong 2022, kaya nakaka-good vibes ang ganitong balita.

Teka! Baka naman maging Junior ang baby boy nina Rocco at Melissa?!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Excited na raw si Rocco Nacino sa pagdating ng baby boy nila ng misis na si Melissa Gohing.
PHOTO/S: Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results