PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor, Nick Deocampo on National Artists

Proud moment para sa film industry ang pagkilala kina Nora, Ricky, at Marilou.
Published Jun 15, 2022
Nora Aunor, Ricky Lee, Marilou Diaz-Abaya
Proud moment para sa film industry ang pagkilala kina Nora Aunor, Ricky Lee, at Marilou Diaz-Abaya bilang National Artists.
PHOTO/S: Noel Orsal / GMA Corporate Communications / PEP.ph

GORGY RULA

Naglabas ng pagbati ang grupong Aktor o League of Filipino Actors sa mga bagong hirang na National Artists, lalo na sa taga-movie industry na sina Nora Aunor, Ricky Lee, at ang namayapang si Direk Marilou Diaz-Abaya.

Bahagi ng inilabas nilang statement: "Malaking karangalan ng ilan sa hanay namin ang magkaroon ng pagkakataong makatrabaho, maturuan, at magabayan ng ilan sa mga nagawaran.

"Ngunit binibigyang-pugay namin silang lahat dahil bukod sa halaga ng kanilang mga obrang matagumpay na humubog sa kalinangan natin bilang Pilipino, naging wagas din silang inspirasyon ng mga manggagawa ng sining sa kani-kanilang larangan."

Nagpahayag din ng matinding tuwa ang multi-awarded filmmaker na si Nick Deocampo dahil ngayon lang daw nangyari na tatlong taga-movie industry ang nagawaran bilang Pambansang Alagad ng Sining.

Nakapanayam namin si Sir Nick sa book launch ng bagong libro niyang Alternative Cinema: The Unchronicled History of Alternative Cinema in the Philippines, na ginanap sa Cinematheque ng FDCP nung nakaraang Linggo, June 12, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa sa ikinatuwa niya ay finally kasama na rin si Nora Aunor, aka Ate Guy, sa National Artists.

"Siyempre, Noranian ako! Sino ang hindi matutuwa diyan?

"Lahat kami natutuwa, at magkaroon ng dalawang babaeng National Artist sa Pelikula, dalawa pa, nagkambal pa.

"Dagdag pa diyan si Ricky Lee, tatlo.

"Kailan nagkaroon ng tatlo sa isang sektor? So, biyayang-biyaya ang pelikula ngayong taon.

"Sa Architecture, Visual Arts wala sila. Pero ang pelikula, wow! Slam bang three! Salamat naman," saad ni Sir Nick Deocampo.

nick deocampo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiningan na rin namin opinyon ang author ng librong ito tungkol sa ating magiging bagong pangulo. Ano kaya ang inaasahan niyang magagawa ng bagong administrasyon sa ating industriya ngayong nalulugmok na ito?

Saad ni Sir Nick, "Alam mo si Imee Marcos, kapanahunan ko nang itinayo niya ang ECP [Experimental Cinema of The Philippines].

"Pero tingnan na lang natin, baka ibang konteksto yun, at ang sabi naman ng anak [President-elect Ferdinand Marcos Jr.] ngayon ay bigyan siya ng pagkakataon, di ba?"

Si Senator Imee Marcos ay kapatid ni President-elect Marcos Jr.

"Pero alam mo, may mga magaganda silang naisip noon at kami naman, ang feeling namin, dahil naramdaman namin yung henerasyon na yun, critical na engagement.

"Yun na lang. Wala naman tayong binabalewala, e. Wala naman tayong kinokontra. May programa kayo, e di critical engagement.

"Yun ang natutunan namin sa dalawampung taon under martial law. We cannot defeat them, darating at darating may pagkakamali, darating iyan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I mean, darating ang panahon na iyan na it will undo itself. Pero ano ang ginawa mo sa sarili mo?" makahulugang pahayag ni Sir Nick.

NOEL FERRER

Excited akong mabasa ang bagong libro ni Nick Deocampo. Isa na naman itong significant contribution sa film education.

Sabi nga, kailangan talagang may magsulat ng kasaysayan para may reference tayo ng lahat ng ating mga natutunan at para hindi na maulit ang ating mga pagkukulang.

Basta, katulad din ng sinabi ko sa iyo, Tito Gorgy, hindi ako magtataka kung isa si Nick sa mabibigyan ng karangalan bilang National Artist para sa Pelikula—because he deserves it. Mangyayari iyan sa takdang panahon.

Good luck and congratulations sa mga bagong hirang na Pambansang Alagad ng Sining. Magkita-kita tayo sa Malacañang event sa Thursday.

Kailan kaya ang CCP Tribute sa kanila. Maihahabol pa kaya ito bago umalis sa poder si Pangulong Duterte? We’ll see!

JERRY OLEA

Inaasam ni FDCP Chair Liza Diño na tutulungan ng bagong gobyerno ang industriya ng pelikulang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In terms of support sa mga programa, sa mga inisyatibo, nandoon ang gobyerno," pahayag ni Chair Liza sa paglulunsad ng Pelikulaya: International LGBTQIA+ Film Festival noong Hunyo 7, 2022, Martes ng gabi, sa Amrak comedy restobar, Lopez Drive, Quezon City.

Lahat daw ng government agency na nilapitan ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) ay tumulong.

Pagpapatuloy ni Chair Liza, "From DTI to CHEd to DoH, name it. Yung unang nagpondo sa amin, sila ang nagbibigay para makapagbigay kami ng fundings sa mga filmmakers.

"In the full context on how arts and culture is perceived, dun tayo nagkukulang. Kasi, hindi siya puwede sa existing na status quo, e. Na titingnan lang nila yung existing budget.

"Na titingnan lang nila, 'Ah, OK, puwede nating dagdagan ng konti. Puwede nating dagdagan ng PHP5M, PHP10M.'

"You know how much it costs to make one film. And in this day and age, sa advent ng streaming platforms, hindi na tayo puwedeng gumawa ng pelikulang low budget.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dahil ang technical requirements ng Netflix, Amazon, they’re so strict even in the cameras that you use. Pag hindi nag-fall sa category ng allowed cameras, you cannot even distribute your content in these platforms.

"And alam natin, hindi na lang alternative itong mga platforms na ito. They are our primary platforms. Because right now, there are challenges that we are facing in terms of our exhibition and distribution in cinemas.

"So, we have to embrace these changes. We have to be agile. Meaning, we have to be flexible.

"And the government has to see that it has to go beyond just giving the usual budget to the FDCP. There has to be an intentional direction towards amplifying, expanding the current programs that we have to really help the industry.

"For example, hindi lang PHP50M. Kasi, yung PHP50M na ibinigay nila sa FDCP para sa Film Philippines, bumalik siya ng PHP1B in one year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, imagine-in ninyo kung magbigay sila ng PHP300M, PHP500M, anlaki ng balik sa industriya if they give all-out support. So, yun talaga siguro ang hihingin.

"Sana, with this new administration… I know how much this new administration has given support to arts and culture in the past. And if there’s one thing that we saw, is they never saw arts and culture as an expense. And it is not an expense. It’s the soul of the country."

Ang opening ceremony ng Pelikulaya: International LGBTQIA+ Film Festival ay ginanap noong Hunyo 10, 2022, Biyernes ng 7:00 p.m. sa FDCP Cinematheque Centre Manila, Kalaw St., Manila.

pelikulaya launch

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago ipinalabas ang opening film na Lingua Franca, nagbigay ng mensahe ang direktor at bida ng pelikula na si Isabel Sandoval.

Present sa opening ceremony ang mga kinatawan ng mga film industry sa ibang bansa na gaya ng USA, South Korea, Mexico, Spain, Canada, at Chile. Tuluy-tuloy ang aktibidades ng hybrid festival na ito.

Sa Hunyo 16, Huwebes ng 5:30 p.m. ang special screening ng pelikulang Boys Don’t Cry sa Cinematheque Center Manila. Co-presented ito ng U.S. Embassy sa Pilipinas.

Ang Gala Night ng Set A ng PeliKULAYa: Short Film Competition ay sa Huwebes ng 6:00 p.m. sa Cinema ‘76 Anonas, Quezon City.

Tampok sa Set A ang short films na Mga Kuan ni Jermaine Tulbo, Cut/Off nina Von Victor Viernes & Sean Russel Romero, As if Nothing Happened ni JT Trinidad, Kubli ni Jam Navalta, at This is Not A Coming Out Story ni Mark Felix Ebreo.

Ang Gala Night ng Set B ay sa Hunyo 17, 2022, Biyernes doon pa rin sa Cinema ‘76 Anonas. Tampok dito ang We Were Never Really Strangers ni Patrick Pangan, Second Gear ni Christian Angelo Cruz, Kung Sa Diin Ang Suba Tarabuan ni Seth Andrew Blanca, Baklaak ni Gabb Gantala, at Nang Maglublob Ako sa Isang Mangkok ng Liwanag ni Kukay Zinampan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Proud moment para sa film industry ang pagkilala kina Nora Aunor, Ricky Lee, at Marilou Diaz-Abaya bilang National Artists.
PHOTO/S: Noel Orsal / GMA Corporate Communications / PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results