PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michael V, Manilyn Reynes miss Direk Bert de Leon's presence

"Ramdam mo pa rin ang kawalan ng isang tao na minahal niyo..."
by PEP Troika
Published Jun 8, 2022
Michael V, Manilyn Reynes, Pepito Manaloto
Michael V on missing the late Pepito Manaloto director Bert de Leon: "Pero ano e, ramdam mo pa rin ang kawalan ng isang tao na minahal niyo na kasama siya from the very start, and I think siya yung parang nagiging strength ko rin pagka tinutuloy yung trabaho as the writer." With Michael V in the photo are Manilyn Reynes, Jake Vargas, and Angel Satsumi.
PHOTO/S: Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento

GORGY RULA

Kahit ako'y hindi napigilang maluha sa mediacon ng Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento nung Martes, Hunyo 7, 2022.

Naging emotional ang cast nang tinanong ng PEP Troika kung ano ang naramdaman nila pagbalik sa taping ng Pepito Manaloto na hindi na nila kasama ang namayapang direktor na si Bert de Leon.

Pumanaw si Direk Bert noong November 21, 2021.

llan pa sa television projects ni Direk Bert ang Eat Bulaga!, Okay Ka Fairy Ko, 1 for 3, Daddy Di Do Du, at Bubble Gang.

READ: Eat Bulaga! and Bubble Gang director Bert de Leon dies at 74

Sandali silang natigilan kaya si Ronnie Henares na muna ang nagsalita.

"Malungkot kaming lahat," pakli ni Sir Ronnie.

Kabi-birthday lang ni Direk Bert nung bumalik sila sa taping, at lahat sila ay malungkot lalo nung nag-alay sila ng dasal bago sila mag-take.

Patuloy ni Ronnie, "We feel his absence. We feel that we missed him a lot, but at the same time, he wants us to go on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He would not stop us from doing what we love to do and what he loved to do with us."

Hindi napigilang maiyak ni Chariz Solomon habang sinasabing nami-miss talaga nila si Direk Bert tuwing kumakain na silang magkakasama.

"Pamilya na kasi kami talaga, e. Naalala ko nung last na nag-dinner kami ni Kuya Bitoy…masaya naman ako na bumalik kami together.

"Hindi pa siguro okay na… kapag kumakain kasi kami ni Direk Bert, natitira pa kami at nagkukuwentuhan pa kami.

"Naa-award kami minsan…. so, ano lang, miss na miss namin siya siyempre," pahayag ni Chariz.

Sabi naman ni Michael V, iyon ang kainaman na siya na ang nagdidirek ngayon ng Pepito Manaloto.

Mas nagiging abala siya ngayon at naiiwasan niya ang sumabay sa kanila pagdating ng dinner break, dahil talagang ramdam na wala na ang kanilang direktor mula pa nung nagsimula ang Pepito Manaloto.

Saad ni Bitoy, "Isa sa mga reasons kung bakit nagustuhan ko rin ‘tong directorial job ko is to… parang nasasalba ako dun sa sama-samang pagkain, e. Kasi, yung time namin talaga together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, pagka every time na kakain ang grupo, yung puwesto namin dun sa dining table, yun yung palaging pumapasok sa ulo ko. And I think kahit papaano, this time around, since nagtatrabaho nga ako as a writer, hindi ko masyadong na-experience yun.

"Pero ano e, ramdam mo pa rin ang kawalan ng isang tao na minahal niyo na kasama siya from the very start, and I think siya yung parang nagiging strength ko rin pagka tinutuloy yung trabaho as the writer.

"Hindi ko maikakailang nandiyan siya, parang binubulungan ako na tulungan ako kahit papa'no."

Sa Sabado, June 11, 2022, na babalik ang Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento, na papalit sa timeslot ng Ang Unang Kuwento.

Michael V, Manilyn Reynes

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Pahayag naman ni Manilyn Reynes, "Yun nga yung sinasabi na naramdaman natin yung absence, sabi ni Tito Ronnie. Pero naramdaman din namin yung presence niya, di ba?

"Kasi, alam naman natin na nandito siya, na sabi nga ni Bitoy, na siya rin yung strength mo na kahit papaano, napanggagalingan din nung strength yung sa trabaho mo, kasama pa rin siya dun.

"Alam ko na ginaga-guide pa rin niya tayo sa taping, sa mga eksena natin. Kailangan din ng presence of mind, di ba? Parang ginigising tayo ni Direk, di ba?

"Nakaka-miss, pero alam din nating masaya din siya na nakikita tayong ganito."

Sabi naman ni Arthur Solinap, "Maraming bagay na naaalala ko siya. Before kasi nagkasakit si Direk Bert, regular kami nag-usap. May Bible study.

"Medyo grabe rin yung pinagdaanan ko… ilang buwan kaming nagpi-pray sa kanya gabi-gabi.

"Sa akin, yung pagba-Bible study namin, mas nakilala niya si God. Kaya mas relaxed ako dun, alam ko na maayos siyang nawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit sabihing okay na, pero may times talaga na bibigay din tulad nung nag-pray kami."

Ronnie Henares, Arthur Solinap, Pepito Manaloto

NOEL FERRER

Ang Pepito Manaloto ay tumatak dahil sa kanyang sinserong pagpapakita ng buhay-pamilya na hindi lang nadama on-cam kundi pati off-cam.

Isang pamilya ang nabuo sa kanila—na ang layunin ay buuin pa at pagtibayin ang pamilyang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Salamat, Idol Bitoy at sa Pepito Manaloto!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V on missing the late Pepito Manaloto director Bert de Leon: "Pero ano e, ramdam mo pa rin ang kawalan ng isang tao na minahal niyo na kasama siya from the very start, and I think siya yung parang nagiging strength ko rin pagka tinutuloy yung trabaho as the writer." With Michael V in the photo are Manilyn Reynes, Jake Vargas, and Angel Satsumi.
PHOTO/S: Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results